SINUNOD ng dalaga ang idinidikta ng kanyang puso. Tila siya isang basang kahoy na agad nagliyab pagkatapos madarang sa init. Hindi niya alam kung sa kanya ba o kay Vladimir ang ungol na naririnig niya.
"Shit!" mayamaya ay mura nito.
"B-bakit?" disoriented pang tanong niya.
Inayos nito ang roba niya. "Hindi mo ba narinig? May bumubusina sa harap ng gate mo. May bisita ka yata," anito na mababakas sa tono ang disgusto.Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito at marahang hinaplos ang kanyang mukha."Baihoney, naiintindihan mo na siguro na mula sa oras na ito ay magbabago na ang lahat sa pagitan nating dalawa, 'di ba? Ikaw at ako, tayong dalawa... Walang nakapagitan na Zeke sa ating dalawa?" humihingi ng kumpirmasyon na sabi nito.
Wala sa sariling tumango siya. Malakas pa rin ang ragasa ng sensasyon sa bawat himaymay niya.
"Good. Nauunawaan kong hindi magiging madali para sa iyo na makipagkalas kay Zeke. Bibigyan kita ng sapat na panahon. But for now, let me kiss you again." He possessively claim her lips once more. Compelling, branding, and stamping her to be a part of him.
Hindi pa siya nakakabawi nang tumunog ang doorbell niya. Natatarantang inayos muna niya ang buhok niya bago sumilip sa peephole. Si Zeke ang nakita niya nang sumilip siya sa peephole. Lumingon siya kay Vlad. "Si Zeke," mahinang sabi niya. Tumango ito at nagkubli sa sulok. Sasabihan sana niya na hindi nito kailangang magtago pero naisip niyang mabuti na rin iyon dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa pinsan kapag nakita nito si Vladimir.
"Good morning,Bai..." ani Zeke nang pagbuksan niya ang pinto. Humalik ito sa pisngi niya. Kapagkuwan ay tinitigan siya nito sa naniningkit na mga mata. "May allergy ka ba? Namumula ang buong mukha mo."
Nag-init lalo ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Ramdam din niya ang bahagyang pangangapal ng mga labi niya dahil sa ginawang paghalik ni Vladimir. At maging ang mga kamay ng binata ay nararamdaman pa rin niya sa katawan niya.
"P-parang hindi mo alam na ganito talaga ako kapag napupuyat," pagdadahilan na lang niya.
"Parang ngayon ko lang nalaman 'yan, ah," natatawang wika nito.
Inirapan niya ito na ikinatawa nito. Mabuti nalang at binitbit ni Vladimir ang bulaklak nang magkubli ito. Kung hindi ay tiyak na pupunahin iyon ni Zeke.
Inakbayan siya ng pinsan niya. "Go pack some of your personal things. Punta tayo sa newest property ko sa Tagaytay. You'll love it there."
Gusto sana niyang alisin ang pagkakaakbay ni Zeke dahil nakikita sila ni Vladimir pero magtataka ang pinsan niya kaya hinayaan na lang niya. "Tagaytay?" ulit niya.
Palihim na sumulyap siya sa kinaroroonan ni Vladimir. Kitang-kita ang selos sa mga mata nito. Bumaling siya sa pinsan niya.
"Hanggang kailan tayo roon?"
"Hanggang bukas."
"Eh..." pag-aalinlangan niya.
"C'mon, Bai. Don't tell me hindi ka sasama? Magugustuhan mo roon, I assure you," pang-eengganyo pa ni Zeke.
Bumuntong-hininga siya. "Sige na nga." Gusto niyang sumama pero nag-aalala siya kay Vladimir. Dahil hindi pa naman nito alam ang totoo, baka isipin nito na katatapos lang nilang magkaroon ng unawaan, heto siya at sasama na kay Zeke sa Tagaytay. Bumuntong-hininga siya. One time ay magpapaliwanag na lang siya kay Vladimir. Binigyan naman siya nito ng time para "ayusin" ang kung anuman ang mayroon sa kanila ni Zeke. Isa pa, kailangan muna siguro niyang lumayo rito kahit saglit para makapag-isip-isip. Masyado siyang mahina pagdating dito. Kung hindi dumating si Zeke, malamang na may nangyari na sa kanila.
"Good. Mag-e-enjoy ka roon,"natutuwang sabi ni Zeke.
"Upoka muna. ihahanda ko lang ang gamit ko."
BINABASA MO ANG
Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)
RomanceBook 1 of Story Of Us Trilogy Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon.