Part 6

13.4K 353 4
                                    


ISANG satellite television van na may nakalagay ng "media" at may logo ng Moreno Brodcasting Network ang nakaparada malapit sa munisipyo ng Naujan, isang bayan sa Oriental Mindoro.

Sa paligid ng van ay abalang-abala sa pagse-set up ang mga camera crew para sa isang live report interview sa alkalde ng bayan. Sa likod ng portable barricades na itinayo ng mga lokal na pulis ay nagsisimula nang dumagsa ang mga miron na nais manood at makiusyoso sa kabila ng napakainit na sikat ng araw.Sa loob ng van ay naroon si Bainisah.

Parang kailan lang nang magsimulang magbago ang lahat sa kanya. Parang gulong na mabilis na umikot ang mundo niya mula sa ilalim papunta sa ibabaw. At iyon ay nagsimula nang mapadpad sa pintong bahay nila si Ezekiel Moreno, ang kanyang pinsan.

Nagalit siya noong una pero malawak naman ang isip niya at naunawaan niyang biktima lang sila ng pagkakataon. Ibinigay ni Zeke ang nararapat para sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang mana niya mula sa namayapang ama dahil hindi ito nagkaroon ng anak sa tunay na asawa nito. Si Zeke na rin kasi ang naging tagapagmana nito.

Matagal nang gusto ni Zeke na pormal siyang ipakilala sa buong bansa na isa rin siyang Moreno pero tinanggihan niya iyon. For her it wasn't necessary anymore. Sapat nang tanggap siya ng angkan ng mga Moreno kaya hindi na mahalaga sa kanya ang formal announcement sa publiko. May downside nga lang. Iniisip ng ibang tao na siya ang apple of the eye ni Zeke at masugid itong nanliligaw sa kanya. Nang hindi nila pansinin ang naglabasang tsismis na iyon, kalaunan ay nag-conclude na ang iba na girlfriend na siya ni Zeke at ibinabahay na siya nito at sinusuportahan. Pareho lang nilang tinatawanan iyon ng pinsan niya.

Zeke offered her an executive position but she refused because she prefer to be do it and rise on her own. She wanted a career that she can proudly say that she worked hard for it. Pero hindi naging madali para sa kanya ang lahat dahil sa mga intriga. Palagi kasing ikinakabit ang pangalan niya kay Zeke Moreno kahit ano ang gawin niya.

She worked hard—really hard. She even worked even in extended hours to prove what she was capable of.Kaya mula sa pagiging writer/researcher ng MBN, isa na siya sa mga pinagpipitaganangnewscasters sa news program ng MBN na Nation Patrol. May sarili na rin siyang programa sa radiona pag-aari ng MBN kung saan tinutuligsa niya ang mga tiwaling tao sa gobyerno. She had finally made it; had her hands on the top rung. Now, all she had to do was hung on.

Huminga nang malalim si Bainisah bago tinapos ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ipinasya na niyang lumabas ng air-conditioned van.

Napangiti siya nang paglabas niya ng van ay maghiyawan ang mga taong halos magkagulo sa pagtawag sa kanya.Daig pa niya ang showbiz personality kung itrato ng mga tao at nakakataba ng puso iyon. Nasa Naujan siya para sa interview niya sa alkalde ng bayan tungkol sa napapabalitang malakihang pagmimina sa mga bundok ng nasabing lugar. Hindi pa man ay nagpapahayag na ng pagtutol sa minahan ang mga mamamayan. Batid din ng mga ito ang maaaring maging masamang epekto ng pagmimina sa kabundukan. Sa mga pagkakataong ganito ay malaki ang papel na ginagampanan ng media. Kapag kasi umiingay ang balita, saka lang nakikialam ang mga nasa posisyon.

"Bainisah, Bainisah!"

Nilingon niya ang mga tao, saka nginitian at kinawayan kaya lalong lumakas ang hiyawan. Marahil nga ay popular na talaga siya dahil kahit saan yatang lugar ang assignment niya ay nakikilala siya ng mga tao.

Nagpapasalamat din siya na "Bainisah Gandamato" na ang naging pangalan niya sa mundo ng broadcasting.Others find her name odd but she was happy she was named Bainisah dahil unique iyon.

Bahagya siyang natigilan nang dumako ang paningin niya sa isang direksiyon. Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari nang makita ang isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na jacket at baseball cap na halos tumakip na sa mukha nito. Agad din itong nawala sa kinatatayuan nito.

Ilang saglit na nakipagkumustahan muna siya sa mga tao bago siya muling pumasok sa air-conditioned van. Gustuhin man niyang magtagal pa sa pakikipagkuwentuhan ay hindi na maaari dahil sa security protocol. The municipality of Naujan provided her and her team a pack of security personnel. Gayunman ay hindi niya lubusang ipinagkakatiwala sa mga security personnel ang kanyang kaligtasan. She doesn't want to take risk.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon