PUmasok na si Vladimir sa loob ng opisina ni Ezekiel.
"Vlad!" nakangiting wika ni Zeke nang makita siya.
"Zeke," aniya.
Sinalubong siya nito. Agad naglapat ang mga palad nila, at ginawa ang hand signal na gamit ng fraternity na kinabibilangan nila noong college.
"I'm glad you came, Vlad." Tinawagan nito sa intercom ang secretary nito. "Miss Oliveros, I don't want any disturbance right now. Cancel all my appointments and hold the incoming calls kahit kanino pa iyon galing." Iyon lang at ibinaba na nito ang intercom.
Sa mabilis na tingin ay pinasadahan niya ang eleganteng opisina ni Zeke. Pero wala siya roon para i-appreciate ang kagandahan o kaelegantehan ng lugar na iyon. Naroroon siya para alamin kung bakit siya pinapunta nito sa opisina nito.
"Please take a seat, Vlad," wika nito at iminuwestra ang visitor's chair. Naupo siya roon. Nagpahanda ito ng dalawang tasa ng kape sa secretary nito.
Umangat ang isang kilay niya. Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila."Get straight to the point,"aniya.Kilala siya nito, he doesn't like beating around the bush.
"Hindi ka pa rin nagbabago," komento nito. Hinila nito ang isa sa mga drawer ng file cabinet na naroroon. Isang folder ang kinuha nito at inilapag sa harap niya. "Take a look."
Binuksan niya iyon. Mga sulat iyon. BInasa niya ang nasa ibabaw.
Your time is ticking, Bainisah Gandamato. Magtago ka na!
Kung nagulat man si Vladimir ay hindi niya ipinahalata. Malinaw na death threat iyon at kung hindi siya nagkakamali ay ganoon din ang nilalaman ng iba pang sulat. Sa tingin niya, alam na niya kung bakit siya pinapunta roon ni Zeke. Kailangan nito ang tulong niya para siguruhin ang kaligtasan ni Bainisah Gandamato. Isang sikat na newscaster ng MBN ang dalaga. Rumored girlfrienddin ito ni Ezekiel Moreno. She was Zeke's apple of the eye according to different newspapers. Napakaganda ng dalaga bukod sa matapang din ito kaya hindi na siya nagtataka kung magustuhan nga ito ni Zeke.
"Ano'ng kinalaman ko rito, Zeke?"
"Those were some of the threats Bainisah was receiving, Vlad. At hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kailangan ko ng tulong mo. I need you to protect her until there were no more threats in her life."
"Bakit ako?"
"Why not you?"balik-tanong nito."You have the skills to protect her. Knowing how you work, alam ko na madali mo lang matatapos ang trabahong ito. Isa pa, alam ko na naka-leave ka ngayon dahil sa injury na natamo mo sa bakbakan sa Sulu. Don't ask me where I got the info, all I have to do is make a few phone calls."
"Naka-leave ako sa loob lang ng dalawang linggo, Zeke. Hindi ko dapat ito sinasabi kanino man pero may follow-up operation pa kami sa Mindanao." Totoong naka-leave siya dahil sa injury niya pero minor injury lang iyon. Kinuha lang niya ang leave para makasama ang kapatid niyang si Alexander habang nasa bansa ito. Isa kasi itong modelo.
"Vlad, hindi ako hihingi ng pabor sa iyo kung hindi lang ako nag-aalala kay Bai. Okay, marami akong puwedeng kuning bodyguards, pero ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko nang buo."
Matamang tiningnan ni Vladimir ang kanyang kaharap. Gusto niyang umiling at pahindian ang kahilingan nito pero hindi niya mahanap ang kanyang boses.
"You owe me one, buddy, remember?" wika ni Zeke nang marahil mabasa ang pag-aalangan sa mukha niya.
That did it. Wala na siyang magagawa kundi ang pumayag dahil tama si Zeke, he owe him one. May utang-na-loob siya rito nang minsang iligtas siya nito sa isang fraternity war sa UP noong college days nila. Babarilin sana siya ng isang neophyte din ng kalabang fraternity pero maagap na nasaklolohan siya ni Zeke.
"Sinabi mo rin dati na aalis ka na sa serbisyo at magtatayo ka ng sarili mong negosyo, hindi ba? Well, I'm here. I have the right connections here and abroad—"
"I don't need any connections, Zeke," matabang na wika niya.
"Kakailanganin mo ang connections ko, I'm telling you," anito. "Come on, Vlad. Mahalaga si Bai sa akin at ikaw lang ang maaari kong pagkatiwalaan pagdating sa kaligtasan niya."
He took a harsh breath. Tila desidido talaga si Zeke na mapapayag siya para protektahan si Bainisah. Mahalaga diumano rito ang babae pero bakit hindi pa nito pinapakasalan ang newscaster? Nagkibit-balikat siya. Hindi na niya dapat panghimasukan pa ang parteng iyon ng buhay ni Zeke. "Alam ba ni Bainisahna kumukuha ka ng bodyguard para sa kanya?"
Lumuwang ang ngiti ni Zeke, marahil ay alam na nito na payag na siya sa trabahong iyon. "No, and please make it discreet. Ayaw niyang magkaroon ng bodyguards. She's one stubborn woman," umiiling na sabi nito pero may fondness naman sa mga mata.
Kinuha niya ang kape at sumimsim doon. "I wanted to know what my limitations are, Zeke."
Umangat ang sulok ng mga labi nito. Kumislap din ang mga mata nito pero hindi niya alam kung para saan.
"No limitations, Vlad. Ipagkakatiwala ko sa iyo nang buong-buo si Bainisah. Just ensure her safety all the time."
Alam ni Vladimir na matatapos ang trabaho niya sa sandaling mahuli niya kung sinuman ang may pakana ng mga death threats kaya dapat niyang tutukan ang pag-iimbestiga niyon kung nais niyang matapos agad ang trabaho niya. "Dadalhin ko muna ang mga ito," aniya patungkol sa death threats.
"By all means. Tungkol naman sa bayad—"
"Kalimutan mo ang tungkol sa pera. This is not a job but a favor—a return of favor," putol niya rito.
Natawa si Zeke sa sinabi niya. "Well, thank you! Oh, by the way, kumusta si Xander?"
"Fine, always fine," matipid na sagot niya. Saglit pa silang nag-usap bago siya nagpaalam dito.
BINABASA MO ANG
Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)
RomanceBook 1 of Story Of Us Trilogy Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon.