Part 34

10.9K 304 3
                                    

"DAMN!" galit na wika ni Vladimir sa repleksiyon niya sa salamin. Sa men's comfort room siya tumuloy pagkatapos niyang manggaling sa studio.

Kasalanan niya. Bigla na lang siyang sumulpot doon kaya nailang marahil sa presensiya niya si Bainisah. Missed na missed na kasi niya ito kaya hindi na siya nakatiis at pinuntahan na niya ito. Pero sumama ang loob niya nang sa halip na matuwa ito na makita siya, parang hindi pa nito nagustuhan iyon.

Nagatungan pa ang sama ng loob niya nang ipahiwatig nito na nag-aalala ito sa maaaring sabihin ni Zeke. Selos na selos siya. Kung kailan pa naman naiisip na niyang baka wala ngang relasyon ang mga ito dahil unang-una, hindi naman siguro makikipagrelasyon ito sa kanya, o tutugunin ang mga yakap at halik niya kung committed na ito kay Zeke. Pero sa mga sinabi nito kanina sa studio, parang nagduda uli siya na may namamagitan dito at kay Zeke. Lalong hindi niya inaasahan ang isinagot nito sa kanya. Sa sobrang inis niya, nag-walk out siya na parang gusto rin niyang pagsisihan ngayon. Naging reckless siya. Kung sakali mang may relasyon nga ang dalawa, hindi ba sinabi naman niya noong una na handa siyang maghintay?

Bumuntong-hininga siya. Ang dali lang palang sabihin niyon pero mahirap gawin. Lalo na kung mahal na mahal niya si Bainisah at para siyang pinapatay ng ideya kung saan siya eksakto nakalugar sa buhay nito.

Binuksan niya ang gripo, isinahod niya ang mga kamay sa tubig at hinilamusan ang mukha.

What to do now? Tinitigan niya ang sarili sa salamin at nag-isip. Nang mahalin niya ito ay naisip na niyang maaaring may nagmamay-ari na rito pero hindi pa rin niya napigilan ang puso niya.Now he knew he had a complicated love to fight for but what the heck, he was ready to fight for her!

Ngayon din mismo ay makikipag-usap siya kay Zeke nang lalaki-sa-lalaki. Kung kinakailangang hamunin niya ito sa isang duwelo ay gagawin niya. Against all odds, ipaglalaban niya ang pagmamahal niya para sa dalaga dahil kapag hindi niya ginawa iyon ay mawawalan ng saysay ang buhay niya.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon