Part 28

11K 343 1
                                    


CHAPTER EIGHT

"MAY HINIHINTAY kang tawag, Bai?" tanong ni Zeke sa kanya. Marahil ay napansin nito na kanina pa siya pasulyap-sulyap sa telepono niya. It was Sunday morning. Nasa gazebo sila at naglalaro ng Scrabble.

"W-wala," pagkakaila niya bago itinutok ang paningin sa Scrabble tiles na nasa kanya. It was her turn para tumira pero hindi siya makabuo ng magandang Scrabble word na puwedeng ipantapatsa word ni Zeke.

Kagabi pa siya nakatutok sa cell phone niya dahil hinihintay niya na tawagan siya ni Vladimir pero hindi ito tumatawag. Ni text message ay wala siyang natatanggap.

"Matutulog muna ba ako?"

Napatingin siya rito. "H-ha?" clueless na tanong niya.

Zeke chuckled. Nang-aasar na nakatingin ito sa kanya. Tumingin ito sa suot na wristwatch. "Ten minutes ago pa nang tumira ako. It was your turn, sweetie. Pero halatang distracted ka kaya tinatanong kita kung puwede bang matulog muna ako. Then hopefully paggising ko ay nakatira ka na."

Inirapan niya ito. "'Yabang! Mr. CEO, gusto ko lang ipaalala sa iyo na hindi mo pa ako natatalo minsan man sa Scrabble."

Tumawa ito, kapagkuwan ay tumikhim ito. "Call him up,Bai. Nasa twenty-first century na tayo. Hindi na kabawasan sa isang babae kung siya ang mauunang tumawag sa isang lalaki," nanunuksong sabi nito.

"Call who?" pagmamaang-maangan niya.

Sumandal ito sa backrest ng upuan at humalukipkip. "Come on,Bai.Paglilihiman mo pa ba ako? Sino pa ba ang tinutukoy ko kundi 'yong ka-date mo sa Café Caridad."

Nag-init ang mga pisngi niya. "Si Vladimir,"sambit niya.

Parang gusto niyang batukan ang sarili nang makitang ngumisi ito. Mukhang hinuhuli lang siya nito at nagpahuli naman siya! "Yeah, si Vlad. Captain Vladimir Mondragon,"Tumingin uli ito sa Scrabble board, kinuha ang mga tiles, at bumuo ng mga salita sa board:YOU ARE IN LOVE. Zeke eyed her intently. "Yes or no?"

"Y-yes," pag-amin niya. Hindi niya kailangang i-deny ang pagmamahal niya para sa binata.

Bumakas ang tagumpay na ngiti sa mga labi ng pinsan niya. Kung para saan iyon, hindi niya alam. Nagpaalam na ito na maliligo. Mamayang hapon ay babalik na sila ng Maynila. Mabuti naman. She misses Vladimir so bad.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon