Part 12

12.2K 386 7
                                    


CHAPTER FOUR

TINANGGAL ni Bainisah ang lapel mic na nakakabit sa damit niya nang mamatay ang ilaw ng camera na nakatutok sa kanya. Tapos na ang live telecast nila.

"Good job, everyone..." wika ni Yu sa lahat ng naroroon bago siya binalingan. "May bisita ka. Lalaki," wika nito.Nakalabas na sila ng studio at naglalakad sa pasilyo papunta sa dressing room niya.

"Bisita?" Sino naman ang bibisita sa kanya? Sa pagkakatanda niya, wala pang nagtangkang bisitahin siya sa studio o maging sa apartment niya mula nang maiugnay ang pangalan niya kay Zeke Moreno. Ang lahat ay nangingilag kay Zeke. Hindi nga ba at iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya itinatama ang maling akala ng iba tungkol sa kanila ni Zeke? Nagagawa niyang makaiwas sa unwanted suitors.

"Yes, bisita. Pinatuloy ko na sa dressing room mo. Pinagkakaguluhan na sa visitor's lounge, eh. Sana makumbinsi mo siya na dito na sa MBN pumirma ng kontrata oras na naisin niyang pasukin ang pag-aartista," dere-deretsong sabi nito.

"Wait, Yu. Sino ba ang tinutukoy mo?" natatawang tanong niya rito.

"Ah, hindi ko pa ba nababanggit sa iyo na si Alexander ang bisita mo? Alexander Mondragon, the supermodel!"

"Oh!" nasorpresang bulalas niya. Hindi niya inaakala na tototohanin nito ang sinabing dadalaw sa kanya sa studio. Isang linggo na rin kasi ang nakararaan mula nang makauwi siya sa Maynila.

"O, paano,Bainisah? Mauna na ako, ha. May meeting ako mamaya."

"Thanks, ingat."

Dali-dali na niyang tinungo ang dressing roon. Bahagya siyang nailing nang makita niyang maraming reporter ang nakaantabay sa lobby. Mukhang tama nga si Yu na pinagkakaguluhan ang modelo at natitiyak niya na lalabas sa entertainment news ang pagdalaw na ito ni Alexander. She wondered what Vladimir would think of. Natigilan siya. Bakit si Vladimir ang naisip niya? At bakit pinoproblema niya kung ano ang maaaring isipin nito?

"Hello,Bainisah. Ano'ng meron sa inyo ni Alexander? Are you two dating?" walang ligoy na tanong sa kanya ng isang reporter.

Namalaya na lang niya na nakaumang na sa harap niya ang lahat ng microphone na hawak ng mga ito at hinihintay ang sagot niya.

"Narito ba siya para pumirma ng kontrata sa MBN?" tanong ng isa pa.

"Sorry, guys, but no comment ako sa mga tanong n'yo," aniya bago tuluyang pumasok sakuwarto. Agad itong tumayo mula sa kinauupuan nang makita siya. He gave her a charming smile.

"Hello, Ate Bai..."

Tumaas ang isang kilay niya. "Ate?" gagad niya rito.

Napakamot ito sa ulo. "I'm sorry. Na-offend ba kita?"

Natawa siya. Ang totoo ay nakahinga siya nang maluwag sa pagtawag nito sa kanya ng "ate." Kahit kasi nag-uumapaw ang karisma ng modelo, hindi siya makadama ni katiting na atraksiyon para dito. Kung "ate" ang tawag nito sa kanya, wala itong ibang intensiyon sa kanya kundi pakikipagkaibigan. Ikinatutuwa niya iyon dahil siya man ay pagtinging-kapatid lang ang nararamdaman para dito. Hindi katulad sa kapatid nito na nakadama siya ng kakaibang atraksiyon.

"Actually, I was relieved," sagot niya na ikinahalakhak nila pareho. "I was older than you, pero huwag mo nang ipangalandakan, okay?" natatawang dugtong niya.

"Sure." Inabot nito sa kanya ang isang bouquet ng mga rosas na nahahati sa apat na kulay: pula, puti, dilaw, at peach. "Para nga pala sa iyo. Hindi ko alam kung ano ang paborito mo kaya inapat na kulay ko na."

"Thank you. These are lovely. Please, maupo ka uli, Xander. Coffee or juice?"

"Oh, thanks but don't bother,Bai. Naparito ako para sana hingin din ang contact numbers mo. Aalis na kasi uli ako para sa modeling commitments ko sa Europe. Gusto ko sana na magkaroon pa rin tayo ng communication."

Napangiti uli siya. "Wala namang problema sa akin. Isang karangalan na maging kaibigan ang isang Alexander Mondragon."

"The pleasure is mine, too. Siyanga pala, can I invite you out for dinner? Iyon ay kung wala kang ibang commitments."

"Naku, pasensiya na, Xander. May meeting ako mamayang eight, eh. Ganito na lang. Ibigay mo sa akin ang contact number mo, then ako nalang ang magte-text sa iyo kung kailan ako puwede. Is that fine with you?"

"Sure. Pero sana within this week. Next week na kasi ang flight ko." Kinapa nito ang bulsa. "Oh, I forgot my phone. Pahiram nalang ng CP mo, isi-save ko nalang ang number ko then ipapa-ring ko para makuha ko rin ang number mo."

"Okay." Iniabot niya rito ang telepono. Nag-dial nga ito roon.Malapad ang ngiti na ibinalik nito sa kanya ang telepono. Tumingin ito sa suot na relo. "Naku, naaabala na kita. It's seven thirty in the evening at may meeting ka pa nang eight. Paano, mauna na ako?"

"Sure. Thank you for dropping by, Xander, and thank you sa flowers."

"No problem. Hihintayin ko ang text o tawag mo, okay?" wika nito bago hinagkan ang pisngi niya.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon