Part 30

11.7K 337 1
                                    


"NAG-DINNER KA na ba?" tanong ni Vlad.

"Oo, pero hindi ko gaanong na-enjoy." Hindi kasi ikaw ang kasama ko.Kumain na kasi sila ni Zeke sa isang highway restaurant na nadaanan nila habang nagbibiyahe. Pero hindi niya gaanong na-enjoy dahil sobrang excited siyang umuwi para makita na ito.

"Hindi ba masisira ang diet mo kung kakain ka uli? Ahm, pinakialaman ko kasi ang kusina mo at nagluto ako."

"Talaga? Nagluto ka?"

"Yes, don't worry, dahil para sa iyo ang mga niluto ko. Siniguro kong lahat iyon ay low in fats at—"

"Kahit high in fats pa iyan, kakainin ko," nakangiting wika niya na mukhang ikinasiya nito.

Inakbayan siya nito. "Tara na sa dining room. Husgahan mo kung papasa ba sa 'yo ang recipe ko."

"Teka nga pala. Alam ba ng guwardiya na narito ka?" naalala niyang itanong.

"Don't worry, alam niya na narito ako.Pero tila hindi siya nagtataka na—ah, never mind."

Ikinawit niya ang isang braso niya sa baywang nito habang tinutungo nila ang kusina. Napangiti siya nang makita na handa na ang kitchen table at tila silang dalawa na lang ang hinihintay. Pumuno sa ilong niya ang mabangong amoy ng mga pagkain. Hindi lang ang aroma ang katakam-takam dahil maging ang plating ng dishes ay appetizing sa kanyang mga mata. She wondered if Vladimir had attended a culinary school. Totoo ngang low in fats ang mga niluto nito dahil napansin niya na white meat ang mga iyon at marami ring gulay.

Inalalayan siyang maupo ni Vlad pagkatapos ay ito na rin naglagay ng mga pagkain sa plato niya. "Here, tikman mo," anito. Iniumang nito sa bibig niya ang isang kutsara na may laman na kapirasong hiwa ng karne. Ibinuka niya ang bibig at tinanggap ang pagkain. The meat was tender and juicy. Nangingibabaw ang lasa ng lemon at iba pang spices. Nakatikim na siya ng ganoong putahe pero hindi maikakailang mas masarap ang luto ng binata.

"How was it?"

"Two thumbs-up!" bulalas niya. "I mean, wow! Ang sarap mo palang magluto."

Tumawa ito, halatang nasiyahan sa papuri niya. "Kung ganoon, dapat akong makatanggap ng premyo. Mind you, lady. Ikaw pa lang ang babaeng ipinagluto ko bukod sa nanay ko," anito bago tumayo sa kinauupuan at lumigid sa kinauupuan niya. Alam niya kung ano ang premyong hihingin nito—halik.

Sinalubong niya ang mga labi nito. He kissed her with so much passion.

"There," nangingislap ang mga matang wika nito nang matapos ang halik. Bumalik na ito sa upuan at maganang sinimulan ang pagkain. Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila. Nagpalitan sila ng opinion sa bawat topic na pinag-uusapan nila. He was a good conversationalist. He could talk anything under the sun. Nang dumako ang topic nila sa usaping-negosyo at komersiyo, hindi na niya napigilang purihin ito.

"Alam mo, kung hindi ka siguro naging isang sundalo, magiging isa kang magaling na negosyante. Your ideas were brilliant! Saan ka na nga pala nag-college?" tanong niya rito.

"UP. I took up Business Management. Pagkatapos ng first year, napag-isip-isip ko na mas gusto kong maging sundalo. So, lumipat ako ng military school."

"Wow!"

"Don't give me that look, Bai. Para ka namang presidente ng fans' club ko kung maka-wow! ka," natatawang sabi nito.

Marami rami pa silang napagkuwentuhan ng binata bago sila naghiwalay bandang hatinggabi.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon