"THANK God, tapos na ang meeting!" hindi napigilang bulalas ni Vladimir pagkalabas niya sa opisina ni General Ramos. Nasa camp crame siya. Nasalubong niya ang ilang sundalo sa kahabaan ng pathway patungo ng parking lot. Sumaludo ang mga ito sa kanya na tinugon niya, pagkatapos ay nagmadali na siyang makarating sa kanyang sasakyan.
Nabili niya ang kotse mula sa sarili niyang pera. Kung tutuusin, lahat ng gamit niya ay nabili niya mula sa sarili niyang bulsa at hindi galing kay Alexander dahil hindi niya pinakikialaman ang pera ng kapatid. Iyon nga lang, hindi niya mapigil ito kapag kahon-kahon siya nitong pinasasalubungan ng mga branded na kagamitan, mula sa sapatos, damit, at kung ano-ano pang bagay. Napipilitan siyang tanggapin ang lahat ng iyon. Sa tanang buhay nilang magkapatid ay isang beses pa lang silang nag-away nang grabe at iyon ay nang matuklasan niyang ipinagbukas siya nito ng bank account at halos kalahati ng kinikita nito ay inilalagak doon. Halos umusok ang ilong niya sa galit. Ipinagkamali kasi niya na minemenos nito ang trabaho niya. Na hindi siya uunlad sa pagsusundalo. Isinauli niya rito ang pera. Nagsagutan sila ni Alexander. But Alexander was furious, too. Hinamon siya nito. Babawiin lang nito ang pera kung sa loob ng isang taon ay mapapakitaan niya ito ng kahit isang milyon sa bank account niya. Wala itong pakialam saan man niya kuhanin ang pera kahit sa ilegal na paraan iyon.
Hindi niya alam kung paano kikita ng isang milyon sa loob ng isang taon pero tinanggap niya ang hamon nito. Isang linggo rin siyang nahirapan noon sa pag-iisip kung ano ang gagawin niya. But definitely, illegal works was a no-no. Hinding-hindi niya babaliin ang prinsipyo niya. Until he came up with the idea of playing at the Philippine Stocks Exchange. Lahat ng ipon niya ay ibinili niya ng shares sa isang realty corporation na katatapos lang ng turnover sa bagong pamunuan. Malalaki-laki rin ang ipon niya dahil halos wala naman siyang ginagastos para sa sarili niya. It was a big risk but it turned out that he did the right thing because the Reyes Realty boomed in success. Sa loob ng isang taon ay kumita siya nang isang milyon. Pero hindi doon natatapos ang lahat dahil ipinagpatuloy niya ang pag-i-invest. Sa ngayon ay may milyones na rin siya sa bank accounts niya at patuloy na lumalago ang mga shares of stocks niya. Gatuldok lang iyon kompara sa pera ng kapatid. Gayunman, ipinagmamalaki naman niya na sariling pera niya iyon. Lahat ng pera niya, assets, and liabilities ay maayos na nakatala sa isang accounting firm. Ayaw niyang dumating ang oras na akusahan siya ng pagnanakaw at paggamit ng katungkulan para yumaman.
Napailing siya. Sobrang layo na naman ng nilakbay ng isip niya gayong ang nais lang niya ay tawagan si Alexander. Sakay na siya ng kotse niya nang hagilapin niya ang cell phone niya. May isang mensahe roon at tatlong missed calls. Inuna niyang tingnan ang missed calls. Galing ang isa kay Alexander habang ang dalawa ay galing sa isang numero na hindi pamilyar sa kanya. Binasa niya ang mensahe na mula sa unregistered number.
I was calling you pero busy ka yata. Anyway, as I promised to you, free ako tonight. Let's meet at the Café Caridad at 9pm. It's my treat, no arguments.
Kumunot ang noo ni Vladimir.Who could it be? Wala siyang maunawaan sa mensaheng iyon. Binalikan niya ang missed calls at nakita niyang pareho ang numero.
"Wrong number marahil," mahinang wika niya bago inilagay sa dashboard ang cellphone. Ipinasok na niya sa ignition ang susi ng sasakyan at ilang sandali pa ay lumalabas na ang sasakyan niya sa vicinity ng Camp Crame. Wala pang isang oras ay nasa condo unit na siya ni Alexander sa Mandaluyong. Kapag nasa Maynila siya ay doon siya tumutuloy o kaya ay sa isa pa nitong bahay na nasa Cavite. Lahat ng bahay na pag-aari ni Alexander ay may sarili siyang susi. Puwede siyang tumuloy roon kahit anong oras.
Agad siyang naghubad at nagtungo ng banyo. Paglabas doon ay natawag ang atensiyon niya ng television set. Funny, pero agad pumasok sa isip niya si Bainisah dahil doon. Binuksan niya iyon. It was an evening newscast. Lalaki ang newscasterna kasalukuyang nagbabalita at tulad ng dati, kaliwa't kanang patayan na naman ang nasa mga balita. Ipinasya niyang ilipat ng channel pero bago pa niya magawa iyon, nahagip na ng tainga niya ang sinabi ng lalaking newscaster at sa isang iglap ay nakatutok na kay Bainisah ang camera at ito naman ang nagbabalita. Nahigit niya ang kanyang hininga. Napakaganda ng rehistro nito sa camera. She was dignified and she talked with class. Her voice was a little bit husky and God, it was sexy. She was wearing a tailored suit and her hair was in a bun. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang dating sa kanya ng bawat pagbuka ng mga labi nito. Tila ba direkta itong nakikipag-usap sa kanya. Nakadama siya ng pagtutol nang matapos na ang pagbabalita nito at mag-cue ito para sa commercial break. Ipinikit niya ang mga mata. Muli ay nakita niya sa kanyang balintataw ang hitsura nito pati na ang pagkakayakap nito noonhabang sakay sa kanyang motorsiklo.
Nagmulat siya ng mga mata nang muling tumunog ang telepono. Kinuha niya iyon. Muling kumunot ang noo niya nang makita niyang mula iyon sa numerong nag-missed call at nagpadala ng mensahe. Binasa niya iyon.
Tuloy ba tayo mamaya?
Hindi niya alam kung bakit tila may sariling isip na pinindot niya ang Reply button at nag-compose ng message.
Yes. I'll be there.
Naipadala na niya ang mensahe bago pa niya maunawaan ang ginawa niya. Nag-reply uli ito. Binasa niya iyon.
Great! Nagpareserve na ako ng mesa. If ever na mauna ka, just ask for Bainisah's table. 9PM. See you there!
"Bainisah?" bulalas niya. Could it be Bainisah Gandamato's number? Pero paano nito nakuha ang numero niya? Was the message really for him? Sinulyapan niya ang suot na relo. It's only seven in the evening. Kung hindi siya nagkakamali, malapit lang doon ang Café Caridad. Kung ganoon, may oras pa siya para umidlip. Pupunta siya roon. Bahala na siyang alamin sa Café kung ang makakatagpo ba niya roon ay si BainisahGandamato.
Nagawa niyang makaidlip ng isang oras. Agad na siyang nagbihis ng isang casual na polo shirt at pantalong maong. Hindi niya alam kung bakit nakakadama siya ng excitement sa munting laro na iyon. What if wrong send lang pala ang mensahe at hindi talaga si BainisahGandamato ang babaeng iyon?
Beinte minutos bago mag-alas-nuwebe ay naroon na sa parking lot ng Café Caridad si Vladimir. Umibis na siya ng sasakyan at pumasok ng establisimyento. It was a fine-dining restaurant. Mabilis niyang iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng restaurant. Halos lahat ng mesa ay okupado at tanging iisang mesa lang ang—
Nahugot niya ang kanyang hininga nang makita niya ang likuran ng isang babaeng nakaupo sa pandalawahang mesa. Noonmay umasisteng waiter sa kanya.
"Bainisah's table, please," aniya rito.
"This way, Sir."
Lihim siyang napailing nang makita niya ang mesang tinutungo nila.
"Thankyou. I'll take it from here," wika niya sa waiter nang malapit na sila sa mesa.Nagpaalam na ang waiter. Inilabas niya ang telepono at nag-dial doon habang hindiniya iniaalis ang mga mata sa iisang direksiyon. Nag-ring ang telepono.Nakita niyaang pagkuha ng babae sa telepono nito. Sinagot nito ang telepono. Kasunod niyonay narinig niya ang tinig nito. He needed no more confirmation. He'll be seeingBainisahGandamato then.
BINABASA MO ANG
Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)
RomanceBook 1 of Story Of Us Trilogy Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon.