Part 11

12.2K 364 4
                                    


VLADIMIR was dead tired. Mula nang makausap niya si Ezekiel noong isang araw, tinutukan na niya ang lihim na pagbabantay kay Bainisah. Kung saan man ito naroroon ay naroroon din siya at palihim na binabantayan ito.

Kahit gabi ay nasa malapit lang din siya nito at halos hindi na siya natutulog kaya ngayon ay nakakaramdam siya ng pagod at antok.

Tumunog ang telepono niya.Nakita niya na si Zeke ang tumatawag.

"Thank you,"bungad nito nang tanggapin ang tawag niya.

Bumuntong-hininga siya. "Wala iyon. I'll make a thorough investigation. May mga kakilala akong undercover agentsat mga tao na maaaring magturo kung kanino nagtatrabaho ang lalaking iyon. Baka isa sa mga nasagasaan ng mga komentaryo ni Bainisah ang mastermind sa pagtatangka sa buhay niya. Anyway, ako na ang bahala tungkol diyan. I-che-check ko na rin kung may records ba ito."

"Okay, I trust you. Thank you, buddy."

"Wait, may meeting ako with General Ramos sa isang araw. Naka-leave ako pero gusto ni General Ramos na ituloy na rin ang meeting dahil sa follow-up operation namin. That means hindi ko mababantayan si Bainisah sa araw na iyon."

"Walang problema. Ako na ang bahalang magtalaga ng security niya sa isang araw. O, paano, thank you again."

"Okay." Iyon lang at naputol na ang koneksiyon.

He sighed. Kailangang matapos na niya ang trabaho niya bago bumalik sa Europa si Alexander para sa modeling commitments nito. Kapag nakaalis ito, baka isang taon na naman bago sila muling magkita kaya kailangang makapag-bonding man lang silang magkapatid.

Tubong Catalina, Naujan sila, mahirap lang at parehong magsasaka ang mga magulang. Hanggang sa bawian ng buhay ang mga ito kasama ang bunso nilang kapatid sa isang jeepney accident. Nakapag-aral sila ni Alexander sa tulong ng Valencia Foundation—isang nongovernment organization na tumutulong sa pagpapaaral sa mga tulad nilang mahihirap. Bukod doon, halos kapamilya na kung ituring sila ng mga Valencia dahil kaibigan nila ni Alexander ang mga binatang Valencia. Ilang kilometro lang ang layo ng Hacienda Catalina na pag-aari ng mga Valencia mula sa bahay nila. Welcome sila roon anumang oras lalo na kapag naroroon ang mga kababata nila. At magpahanggang ngayon ay hindi sila nawawalan ng komunikasyon. Ang mga ito rin ang dahilan kung bakit sanay sila ni Alexander sa pagsasalita ng English. Sa kasalukuyan ay marami na rin silang napag-aral at pinag-aaral sa ilalim ng foundation.

Kumuha siya ng kursong Business Manangement sa UP pero pagkalipas ng isang taon ay lumipat siya ng military school dahil napagtanto niya na nais niyang magsundalo. Si Alexander naman ay nakatapos ng kursong Architecture pero na-realize daw nito na mas gusto nitong pasukin ang modeling business. And it turn out that his brother did the right decision. He made it big in the modeling world here and abroad.

Natigil ang pagbabalik-tanaw niya nang maulinigan niya ang tunog ng chopper na tila palapag. Noonlanguli niya naalala na naroon nga pala sa kanila si Bainisah.Lumapit siya sa bintana at marahang hinawi ang makapal na kurtina, sapat para makita niya ang pangyayari sa ibaba.

Nakalapag na ang chopper. Lumapit doon sina Bainisahat Alexander. Tila saglit na nagpaalaman muna ang mga ito bago tuluyang lumulan doon ang dalaga. Nakita rin niya nang tumingala sa direksiyon ng kuwarto niya ang dalaga na parang alam nito na naroroon siya at pinanonood ito.

He sighed. Umalis na siya sa likuran ng makapal na kurtina bago pa man umangat sa lupa ang chopper. Hinubad niya ang lahat ng damit bago humakbang patungo sa shower at naligo. Kahit malakas ang lagaslas ng tubig, naulinigan pa rin niya ang tuluyang pag-alis ng helicopter. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Bainisah.

"Damn!" bulalas niya nang hindi niya maiwaksi-waksi sa isip ang dalaga lalo na ang pagyakap nito sa katawan niya kanina habang lulan sila ng motorsiklo. Her softness was a contradiction of his hard body. Tila kasinlambot ng bulak ang katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa pang-amoy niya ang mabining amoy ng gamit nitong pabango.

"Urgh!" napaungol siya.Nilamigan niya ang timpla ng tubig na ibinubuga ng shower para patayin ang nag-iinit niyang pakiramdam.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon