Para sa makulit kong former classmate and friend na si Raffy Mangandi :)
Steno Two
(Miyaki, Mogu-Mogu and Whattatops)
(F8's Private Room)
(12:30 pm)
(Callix's POV)
To Pink Steno Diary,
Compilation No. 473
Kanina, nilapitan ko si Miyaki.......kasi.......alam mo na, na-miss ko siya for the past two months. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, kung kamusta ba ang naging bakasyon niya, kung saan ba siya nagbakasyon at kung nag-enjoy ba siya sa kanyang bakasyon.
Pero nang makaharap ko na siya, parang nilamon ng hiya ang lahat ng sasabihin ko sa kanya, sa halip, inalok ko sa kanya yung bolang dala-dala ko kanina. Waaahhh!!! Antanga-tanga ko talaga!
Pero nang binigyan niya ako ng Mogu-Mogu Lychee Juice at Whattatops Muffin ay halos lumutang na ako sa ere sa sobrang saya..........dahil kahit na corny na pagkain ang ibinigay niya sa akin ay labis nang kasiyahan ang nadarama ko. Ganito talaga siguro ang umiibig, laging napapangiti kahit saang bagay basta't galing sa taong mahal na mahal mo.
Haay Diary, sana nga ay tuluyan nang mapansin ni Miyaki ang puso kong matagal nang baliw na baliw sa kanya.
Hanggang dito na lang Pink Steno Diary, hanggang sa muli.......
-Callix Jesh-
Habang binabasa ko ang sinulat ko sa pink steno diary ko kani-kanina lang ay napapatulala ako. Kapag naaalala ko ang moment na yun kanina, ang pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng baliw sa kasaysayan, dahil nakatanggap ako ng isang bagay mula sa babaing mahal na mahal ko.
I love Miyaki since first year at hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal na mahal ko. Miyaki is Ruki's twin sister and daughter of the founder of this school. Kilala siya sa buong school bilang isang tibong nerd na adik sa DOTA. Sabihin nyo nang tanga ako at walang taste sa pagpili ng babae, pero anong magagawa ko, naakit na ako ng mala-Riyo Mori niyang kagandahan, idagdag pa ang kanyang pagiging misteryoso't pagiging mailap sa lahat na lalong nagpaibig sa baliw na katulad ko. Kahit na lagi siyang nakasuot ng swagger outfit ay hindi ko talaga maiwasang matangay ng stunning beauty niya na pang-Miss Universe pageant ang dating.
Mahal na mahal ko na talaga siya sa umpisa pa lang ng journey ko dito sa EIAS.......kahit na alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya. Saka nakikita ko sa mga mata niya ang takot niyang magmahal muli.
Pero hangga't makapal pa ang pagmumukha ko, hinding-hindi ako susuko sa kanya. Handa akong gawin ang lahat, makamit ko lang ang pag-ibig niya.

BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...