Para sa college close friend ko na si Jhezz Aguirre :)
Steno Three
(Ang Kwento ng Tibo)
(Science Garden, Lunchtime)
(Miyaki's POV)
Lunchtime........
Nandito ako ngayon sa favorite place ko tuwing breaktime, ang Science Garden. Malayo ito sa school building at napakatahimik pa kaya naman ito na ang ginawa kong tambayan tuwing kakain ako ng lunch at maglalaro ako ng DOTA sa laptop ko.
Habang naglalaro ako ng DOTA ay nilalantakan ko na ang lunch ko na dinuguan at kanin na in-order ko kay Aling Bessy kanina. Masarap kasing maglaro ng DOTA habang kumakain dahil bukod sa nabubusog na ang tyan ko, na-e-energize pa ang utak ko.
Habang pinapaslang na ng Viper ko si Traxex ay napansin kong may mga paang tila palapit na sa kinaroroonan ko. Lumingon ako sa bandang likod ko at nakita ko na naman ang tsonggong si Callix at papalapit na naman siya sa akin.
"You again?!" ang iritang tanong ko sa kanya.
"Yeah, ako nga Miyaki." sabay upo ni Matsing sa tabi ko.
"Ano na naman bang kailangan mo? Kulang ba yung bigay ko sayong Mogu-Mogu at Whattatops? Pumunta ka sa Puregold Supermarket at panigurong may makikita ka, kaya pwede ba, umalis ka na at nababalam mo lang ako." ang inis na sabi ko sabay harap ko sa laptop ko.
"Ga-ganun ba? S-sige.....aalis na ako." at hahakbang na sana siya palayo sa akin nang hinablot ko ang kwelyo ng damit niya sabay paupo ko sa kanya sa stone chair na kinauupuan ko.
"May sinabi ba akong umalis ka?"
"O-oo. D-diba......p-pinapaalis mo ako?" ang sabi pa niya pero binatukan ko siya at sinigawan.
"MAY SINABI BA AKOOOO!!!!" ang pasigaw kong tanong sa panget na 'to.
Halatang natakot si Callix kaya naman di na siya nagsalita pa.
"Sabihin mo, ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?" ang mahinahon ko nang tanong sa kanya.
"Wala. Napadaan lang. Alam mo na, umiiwas lang ako."
"Kanino? Sa mga fans mo?"
Tumangu-tango lang siya.
"Eh bakit naman iniiwasan mo sila, dapat nga ay matuwa ka pa kasi ang daming mga estudyanteng humahanga sayo! Haay, kung ako ikaw, magsasawa ako sa overflowing popularity ko sa mga estudyante dito!" ang sabi ko pero malungkot lang siyang umiling-iling.
"Pangit maging sikat. Nakaka-stress na, nakaka-trauma pa."
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
DragosteMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...