Para kay idol princess17devilangel :)
Steno Five
(Miyaki and the IV-Dalton)
(Thursday Morning)
(F8 Private Room)
(Callix's POV)
To Pink Steno Diary,
Compilation No. 475:
Hi my pink diary! Here I go again! Marami nga pala akong ikukwento sayo, mga nakakatawa, nakakainis, nakakakilig and the same time, nakakakonsensyang pangyayari.
Kahapon, sinubukan kong mag-disguise bilang si Calla na isang pokpok na bakla at natutuwa ako kasi walang pumansin sa akin. Okay na sana ang katahimikan ko pero binasag yun nila Chuckie, Fishcake at Yema. Binully nila ako at sinabihan ba naman nila akong BAYARANG BAKLA at TAGA-SQUATTER!!
Hanggang sa may anghel na sumagip sa akin, si Miyaki. Iniligtas niya ako sa tatlong demonyitang yun pero ang nakakatawa nga lang, binatukan niya ako ng malakas at tinanong kung bakit hindi ko sila nilabanan. Siyempre, sinabi kong hindi ako war freak na tao at kahit papano'y may awa pa rin ako sa kanila.
Pero ang isang bagay na nakakapagpakonsensya sa akin.......ay nagsinungaling ako sa mahal ko. Nagpakilala ako as Calla. Hanggang ngayon nga ay nagsisisi pa rin ako na ginawa ko ang katangahan kong yun pero nangako na ako sa sarili ko na di na ako magpapakita pa sa kanya bilang si Calla. Hindi na talaga.
Hanggang dito na lang Pink Steno Diary. Till next time.
-Callix Jesh-
Pagkatapos kong basahin ang sinulat ko sa diary ko ay itinago ko na ito sa bag ko, baka mamaya, may biglang pumasok dito, pakialaman pa itong diary ko.
Tumayo ako sa sofa at kinuha ko sa locker ko ang wig, make-up kit at uniform ni Monique at tinitigan ko lang sila nang maigi. Kulang na nga lang ay gusto kong pasalamatan 'tong mga gamit na 'to dahil tagumpay ang mission ko na magpanggap bilang isang malanding bakla.
Nang biglang.....
"Bro........bakla ka ba?"
Napalingon ako at nakita ko si Ruki na kaharap ko na pala.
"Moron." sabay sara ko ng locker ko.
"Sus, binibiro lang kita noh!" sabay akbay ni Ruki sa akin pero tinabig ko ang kamay niya.
"Ahm Bro, papasok ka ba ngayon?" he asked.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomansaMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...