Steno Twenty

114 4 4
                                    

Para kay idol simplychummy :)

Steno Twenty

(First Kiss Shocked)

(F8 Private Room)

(Callix's POV)

Katatapos lang ng practice at nasa private room ang lahat. Pareho kaming tahimik ni Miyaki sa nangyari habang sorry naman ng sorry si Marcus sa amin.

"Waah! Cal, Miya, sorry talaga! Di ko sinasadya!" ang patuloy pang pagsosorry ni Marcus sa amin.

"Okay lang Marc. Aksidente lang yung nangyari." ang sabi naman ni Miyaki sa kanya.

"Callix..... gyah! Sorry talaga!" ang sabi naman ni Marcus sa akin na tulala pa rin sa nangyari kanina.

"Ikaw kasi Marcus eh! Masyado kang careless!" paninisi sa kanya ni Lexie.

"Hoy! Anong ako lang! May kasalanan ka din sa nangyari sa kanila! Kung di dahil sa kakulitan mo, di sana sila madidisgrasya ng ganito!" ang pagdidiin naman ni Marcus kay Lexie.

"At kung di din sana dahil sa kaartehan mo, di sana sila aksidenteng magtutukaan sa gym!" ang sabi naman ni Lexie, dahilan para mabatukan silang dalawa ni Monique.

"Tse! Pareho kayong may kasalanan sa nangyari! Mga wala kayong ingat!" ang sabad ni Monique sa usapan.

"Hindi, okay lang. Aksidente yung nangyari. Wag na kayong magsisihan dyan. Callix, sorry ha.......d-di na virgin ang lips mo." ang sabi ni Miyaki sa akin.

"No. Ako dapat ang mag-sorry sayo. Kasalanan ko kung bakit aksidente kitang nahalikan." ang apologetic ko namang sabi na very sincere niyang tinanggap.

"Oh ayan, buti pa silang dalawa, parehong nag-sorry sa isa't isa. Samantalang kayong dalawa, nagtuturuan pa rin kayo sa kasalanang ginawa ninyo!" ang sermon naman ni Misha sa kanilang dalawa.

"Eh kung nag sorry na lang sana kayo sa kanilang dalawa, eh di tiyak na tapos na ang issue na ito." sabi naman ni Monique.

"Sorry Cal. Sorry Miya. I admitted my mistake so please forgive me, hindi ko talaga sinasadya." ang sincere na paghingi ng tawad ni Lexie na agad naman naming tinanggap.

Aaminin ko, nakakabigla ang mga nangyari kanina. Nakakabigla ang lahat. But I really treasured that moment. I really do. 

Noong aksidenteng nahalikan ko si Miyaki ay nakaramdam ako ng kakaibang init sa pakiramdam ko.......isang init na unti-unti nang tumutupok sa puso ko. Para akong nakuryente ng tatlong poste ng Meralco nang dumapo sa akin ang malambot at mainit na mga labi ni Miyaki, at para naman akong sinilaban ng apoy nang maramdaman ko na ang init na dulot ng kanyang mga labi.

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon