Para kay fren, Markjoseph Natura :)
Steno Twenty Five
(I Love You.....Miyaki)
(Rooftop)
(Miyaki's POV)
"A-ano? M-mahal mo......ako?" ang tila hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo Miyaki. Mahal kita. Mahal na mahal kita."
Ang mga katagang iyon ang tuluyan nang gumulantang sa akin.
"K-kailan mo pa ako.......minahal?" ang uutal-utal kong tanong sa kanya.
"Matagal na Miyaki. Ever since......I love you. Kahit na naging boyfriend mo si Earl, walang nagbago sa damdamin ko para sayo. Noong iniwan ka niya, sinubukan kong makapasok sa buhay mo pero hindi ko naituloy dahil alam kong ipagtatabuyan mo lang ako. Kaya hinintay kita. And after three years, nangyari na nga ang pinapangarap ko. Naging magkaibigan tayo. Pero patawarin mo sana ako kung nagsinungaling ako sayo. Nagpanggap ako bilang si Calla. Pero masisisi mo ba ako? Kaya ko lang nagawa yun ay dahil nga mahal na mahal kita. Kaya Miya, kung galit ka, sige, sampalin mo ako. Duruin mo ako. At sabihin mong hindi mo ako mahal." sabay kuha niya sa kamay ko at diit sa dibdib niya.
"C-Callix.......wala kang kasalanan sa akin. Sadyang tanga lang ako." ang sabi ko habang hindi pa rin ako makatingin ng diretso kay Callix.
"No. No my love." sabay haplos niya sa mukha ko. "Miya, you're not stupid. Nasaktan ka lang. Lumuha at umasa. At hindi katangahan ang ganung bagay. Miya.....loving you is the greatest thing I ever had. Wala akong ibang hiniling sa buong buhay ko kundi ang balang-araw.....ay mahalin mo. Kaya kung matutupad man ang wish ko, hinding-hindi ko sasayangin yun. Mamahalin kita at aalagaan kita. Hinding-hindi kita paluluhain at gagawin ko ang lahat para lang sayo. At yung tungkol sa first love ko......ikaw ang tinutukoy ko, hindi ibang babae. Miyaki........magiging masaya lang ako kung magiging akin ka." ang sabi niya na direktang tumama agad sa akin.
Hindi ko alam ang irereaksyon ko sa mga sandaling ito.
Hindi ko alam.
Basta't ang nakikita ko lang ay ang luhaang si Callix habang nagtatapat siya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa mga sinasabi niya ang sincerity at pagiging totoo.
"Miya.......hindi kita pinipilit na sagutin mo agad ako. Pero kung hahayaan mo akong patunayan sayo ang pagmamahal ko, gagawin ko yun."
"C-Callix......naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Biglaan ang lahat." ang confused na sabi ko.
"I know. Hahayaan muna kitang mag-isip. Pero sana naman, kung pupwede lang.....wag mo na ulit akong iwasan tulad ng dati. Dahil di ko kakayanin pag ikaw na mismo ang lumayo sa akin." and he moves his face closer and closer to mine. "Mahal na mahal kita Miyaki Miyazako." and he lean on me. He raised my chin and he gave me a kiss.
A SLOW BUT TENDER AND PASSIONATE KISS.
Habang magkalapat ang mga labi namin ay halos tupukin na ako ng kakaibang init sa puso ko. Aaminin ko na hindi ako tinangkang halikan ni Earl noong magkarelasyon pa kami. Tanging si Callix pa lang ang nangahas na halikan ako ng ganito. At kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko. Kakaiba.
Hanggang sa gumapang na sa leeg ko ang mainit na labi ni Callix. Sinubukan ko mang pigilan ang init na halos lumamon na sa aming dalawa ay di ko na napigilan pa. Tuluyan na kaming nawalan ng kontrol sa isa't isa hanggang sa di ko na makilala pa ang sarili ko. Hinayaan ko na lang na maangkin ako ng lalaking lihim na nagmamahal sa akin.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...