Para kay Krystel Mae Laurente :)
Steno Thirty Five
(Cancer Ward Hostage Taking)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
One day later, gloomy pa rin ang buong F8. Hindi nagpapansinan sina Dennison at Lexie at galit pa rin ako kay Dennison. Pero nakakapanibago nga lang dahil mas iba ang atmosphere ng F8 na makulit at masaya di tulad ngayon na halos hindi na makabasag-pinggan sa sobrang katahimikan.
------------------------------------------------------------------------------------------------
After ng klase namin sa Economics ay dumiretso na kami ni Callix sa parking lot ng school. Papunta kaming dalawa ngayon sa Mary Mallory Hospital dahil dun mag-ce-celebrate si Ate Cynthia ng kanyang birthday. Sayang nga lang at di makakasama sina Mommy, Kuya Ruki at Ate Ayako.
Habang nagdadrive si Callix papuntang ospital ay tawa kami ng tawa sa loob ng kotse dahil nagkukwento ng mga jokes si Callix.
"Sira ulo ka talaga Cal!" ang sabi ko sa kanya habang pinipigil kong mapautot sa kakatawa.
"Siyempre naman, mana sayo eh." at tumawa din si Callix. Ako naman ay lalong tumawa nang tumawa hanggang sa kumalma na kaming dalawa, baka mamaya maaksidente pa kaming dalawa.
Nauwi na sa lambingan ang usapan namin hanggang sa makarating na kami sa ospital. Inilagay muna ni Callix ang kotse niya sa parking space ng ospital bago kami tumungo sa loob ng ospital.
Pagkapasok namin sa loob ng ospital ay sinalubong na kami ni Ate Cynthia.
"Miyaki, Callix, nandito na pala kayo. Tara na sa cancer ward at doon na tayo mag-celebrate. Pinili ko kasing mag-celebrate kasama ang mga cancer patients eh." ang sabi niya sa amin.
"Hindi, okay lang po. Tara na Ate!" ang excited ko pang sabi.
Magkakasabay na kaming pumasok sa cancer ward at nung buksan ni Ate Cynthia ang pinto ay halos matulig kami ni Callix sa kung sinong bisita ang bumungad sa amin.
Tinignan ko ang mukha ng lalaking yun at halos di ko na maaninag ang mukha niya, pero tandang tanda ko kung sino ang lalaking ito.
At muli'y parang bulkan na naman ako na biglang nagngalit pagkaalala ko sa mga masasakit na alaala ko sa piling niya.
"E-Earl Peter Tomines......." ang halos manlisik ko nang banggit sa pangalan niya.
Habang siya naman ay halos maiyak na nang makita niya ako. While Callix angrily looked at Ate Cynthia.
"Dr. Huisgen, what the hell is meaning of this?! Akala ko ba birthday mo? Ano 'to, setup?!" he angrily asked to Ate Cynthia.
Ako naman ay unti-unting napatingin kay Ate Cynthia. While Ate only remain silent.
"Tsaka na ako magpapaliwanag sa inyong dalawa, pag naayos na ang gusot sa pagitan ninyong dalawa ni Earl." ang sabi ni Ate but it's my turn to ask her.
"Kailan na kayo magkakilala ng lalaking yan?" ang tanong ko kay Ate Cynthia pero di siya umimik.
"Damn, Ate sagutin mo naman ako! Kailan na kayo magkakilala ng hudas na yan!" ang galit na galit ko nang tanong kay Ate.
Sasagot na sana si Ate nang may pumasok na babae sa loob ng ward. Nasa mid-20's ang edad, matangkad at maganda.
"Hello guys, nahuli na ba ako ng dating?" and she smiled so evil.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...