Para kay Nhicz Landao ng HRM Department :)
Steno Fourteen
(Dance Festival)
(Monday morning)
(IV-Dalton's Classroom)
(Miyaki's POV)
Music class namin ngayon at i-a-announce ng teacher namin ang tungkol sa dance festival na gaganapin next month.Yearly ang event na yun at maglalaban-laban each class of the different year levels sa larangan ng sayawan. And every year, may iba't ibang theme sila na ibinibigay. Last year, folk dance ang tema. According to our music teacher, ballroom dance naman daw ngayong taon.
Dahil ballroom dance ang theme namin ngayon, kailangang i-pair up kami sa isa't isa. Na-excite naman ang mga taga bundok kong mga kaklase sa idea na ito at ang daming nagnanais na makapareha ang F8.
Haay......sana naman si Kuya Ruki o si Callix ang makapartner ko. Pag iba, for sure makakapatay lang ako ng kaklase ko. (hehe.....just kidding)
Ayon sa teacher namin, si Misha ang magiging leader and at the same time, hahanap ng choreographer namin. As a leader, ang task niya ay ang mag-isip ng plano at kung anu-ano pang pakulo para sa dance festival, pero di siya sasayaw. Napatingin kami ni Callix kay Marcus at halata sa mukha niya ang lungkot. Siguro gusto niyang makapartner si Misha sa sayaw.
Inilabas na ng teacher namin yung list ng mga pairs para i-announce.
"Baby Denn, for sure, tayo ang magkapartner!" sabi ni Lexie sabay pulupot ng braso niya kay Dennison.
"Sana hindi!" iritang sabi naman ni Dennison.
I-ni-announce na ni Ma'am isa-isa ang mga magkakapartner. Kabado naman ako for the whole time sa kung sino ba ang makakapartner ko. Natawag na halos lahat sa klase pero hindi pa rin natatawag yung pangalan ko. Hanggang sa ako at ang F8 na lang ang natitirang wala pang ka-partner.
"Ano ba yan, hindi F8 ang ka-partner ko?!" dinig kong reklamo ni Yesha.
"Look oh, si Miss Miyaki, sure nang isa sa F8 ang ka-partner niya! Kakainggit naman!" sabad pa ni Fruitcake.
Tinignan ako ng lahat at para bang nananaghili na naman sila sa akin dahil isa sa F8 ang makakapartner ko.
Haay naku naman, ano bang akala ng mga taga-Timbuktu na 'to, ako ang gumawa ng bwiset na pairings na yan?!
"Class please be quiet!" sigaw ng teacher namin at nanahimik naman sila.
"Now, where were we? Ah, Mr. Dennison Chua and Ms. Monique Khanne Bernardo."
"Alright! Partners tayo Nick!" masayang sabi ni Dennison.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...