Para kay Kuya Louie Santos :)
Steno Thirty Six
(The Tear-eyed Confession)
(Mary Mallory Hospital)
(Miyaki's POV)
"Because I having a confession."
Nagulat kami sa sinabi ni Ate.
"Confession?"
"His confession." at tumingin siya kay Earl na halos mabasa na ang kanyang mukha sa kakaiyak.
"I'm just be his representative. Pero sana, maramdaman ninyo ang kanyang taos-pusong paghingi ng tawad." at inilabas ni Ate Cynthia ang isang papel na tila isang sulat.
------------------------------------------------------------------------------------------------
To my dearest Miyaki,
First of all, a good day to you.
Kaya ako napasulat ay para humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan sayo. Alam kong nasaktan kita at napakalaking pilat ang nagawa ko sa puso mo. I really deserve this misery, pambawi man lang sa nagawa kong kasalanan sayo.
Miyaki, I'm sorry if I still love you. Matagal ko nang pinagsisisihan ang mga nagawa kong kasalanan sayo, pero alam kong di basta-basta mapapawi ng sorry ko ang sakit na nararamdaman mo hanggang ngayon. Pero sana sa sulat kong ito ay matanggap ko na ang kapatawaran mula sayo at kay Callix, kapatawarang aking panghahawakan hanggang sa aking kamatayan.
Sana, pag nawala na ako, manatili kang nakangiti at masaya. Sana ay lagi kang maging matatag sa buhay. Miya, wala akong ibang hinangad kundi ang makita kong maging masaya kayong dalawa. Matagal na kitang ipinaubaya kay Callix dahil alam kong iingatan at aalagaan ka niya, mga bagay na di ko napanindigan noon. Malaki ang tiwala ko sa kanya dahil nararamdaman ko kung gaano ka niya kamahal.
Para naman sayo Callix, alagaan mo si Miyaki. Wag mo siyang papabayaan. Wag kang tutulad sa katulad kong walang kwenta, kundi magsisisi ka katulad ng nangyayari sa akin ngayon. You deserved a beautiful, intelligent and kind girl like Miyaki and much more of that, you're lucky for having her in your life. Masuwerte ka at si Miyaki ang minahal mo. Kaya sana naman ay maalagaan mo siya at maging habambuhay na ang kaligayahan ninyo.
Siguro pag namatay na ako, magiging maayos na ang lahat. Pag nawala na ako sa landas ninyong dalawa, magiging tuluyan na kayong masaya. Ngunit, sana.......bago man mangyari ang hinihiling kong iyon, kahit man lang sa sulat kong ito......ay matanggap ko ang kapatawaran mula sa inyong dalawa.
Again......I'm so sorry. Dapat sana'y matagal ko nang ginawa ang bagay na ito, pero hindi ko magawa dala ng maraming dahilan.

BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...