Para kay Kuya Xian Valencia :)
Steno Thirty One
(Dance Festival)
(Monday Afternoon)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
Matapos ang birthday party ko, busy naman ang buong school para sa Dance Festival Competition mamayang gabi.
Habang busy sina Ate Ayako at Mommy sa pagsasaayos ng detalye para sa party ay nag-practice na kami for the last time at halos kabisado na namin ang lahat ng detalye ng sayaw. Matapos naming mag-practice ay nagpaayos na ang mga kaklase ko sa mga sosyaling salon sa mga malls para sa event mamayang gabi. Habang ang buong F8 naman ay nagpaayos sa mga staff ng salon nina Misha na nag-service dito sa school in Misha's order. At ang damit naman namin ay provided na ng boutique nina Lexie.
------------------------------------------------------------------------------------------------
(6:30 pm)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
Gabi na nang matapos kaming ayusan ng mga staffs ng salon nina Misha ay sabay-sabay na kaming lumabas ng private room. At pagkalabas nga namin ng room ay bumungad na sa amin ang tilian ng mga estudyanteng nakaabang na sa amin sa Events Hall.
Saktong pagdating namin ay malapit nang matapos ang performance ng last section ng junior year at nakaayos na ang buong IV-Dalton sa backstage. Nakipila na kami at pumunta na kami sa mga assigned positions namin. Habang hinihintay naming matapos ang performance ng junior year ay muli na naman akong tinamaan ng stage fright ko. Napansin ni Callix ang pangangatog ng tuhod ko.
"Kinakabahan ka?" he asked.
"Oo mahal ko. Nakakakaba pala pag ganito." ang sabi ko naman kahit na pilit kong pinagtatakpan ang kaba sa dibdib ko.
Nagulat ako nang hinalikan ako ni Callix sa pisngi.
"Bakit?" ang nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wag kang kakabahan, nandito lang ako." and he smiled. "Just trust me okay?" at niyakap niya ako ng mahigpit.
Ginantihan ko ng yakap ang mahal ko at bigla-bigla'y nawala ang kaba sa dibdib ko.
Noong tinawag na ng emcee ang section namin ay humakbang na kami papasok sa stage at umugong na ang malakas na palakpakan ng mga tao. Isang pampalakas-loob na "kaya natin 'to" ang sinabi niya sa akin bago magsimula ang tugtog. At noong nag-umpisa na ang tugtog ay nagsimula na rin kaming magsayaw. Habang nagsasayaw kami ay nawalang lahat ang kaba't takot sa buong katawan ko at ang tanging nakikita ko lang ay nagsasayaw kami ng lalaking mahal ko sa lugar na kung saan kaming dalawa lang ang naroroon. At noong matapos na ang performance namin ay saka na lang nagising ang diwa ko sa malalakas na tilian ng mga tao kasabay ng masigabong palakpakan.
Pagkababa namin sa stage ay isang mainit na yakap ang isinalubong ni Callix sa akin.
"We did it Miya. Ang galing natin!" ang sabi niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya.
"Salamat mahal ko, dahil sayo, nawala ang kaba ko."
Nang matapos na kaming sumayaw ay sumunod na ang next section hanggang sa nagsunud-sunod na ito hanggang sa matapos na ang competition.
Bago i-announce ang winners sa Dance Festival ay nagkaroon muna ng dinner in courtesy of Bernardo Royalties na siyang naghain ng mga pagkain sa dinner, sa pangunguna ni Tita Alicia, ang mommy nina Callix at Monique.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...