Para sa aking mabait at maunawaing bestfriend na si Rinalyn Aquino :)
Steno Seventeen
(Miyaki's Makeover)
(F8 Private Room)
(Miyaki's POV)
Pagkatapos ng mala-bombang announcement na pinasabog ng F8 ay agad agad na nila akong hinila sa leisure room para i-welcome daw nila ako ng super bongga.
"Hi Miyaki! Welcome to F8! I'm so glad at ikaw na ang new member ng group natin! Sama ka palagi sa aking mag-shopping ha!" ang masayang sabi ni Lexie sabay yakap niya sa akin.
"Ha? Ah eh.......hindi kasi ako mahilig sa shopping-shopping na yan." ang sabi ko pero tinawanan lang ako ni Lexie at sinabi pa niyang mag-e-enjoy daw ako kapag siya ang kasama kong mag-shopping.
"Ikaw naman kasi Lex, bakit mo pinipilit si Miyaki sa mga ganyang bagay samantalang alam naman natin na may pagka-boyish siya! Mas magkakainteres pa siya sa softball. Miyaki, hayaan mo't tuturuan kitang maglaro ng softball. Wag kang mag-alala, madali lang maglaro nun!" ang sabi naman sa akin ni Dennison.
"Sorry ka na lang Den, mas gusto pa niya ang basketball." ang sabad ni Callix sabay kindat niya sa akin.
"Eh kahit pa! Tuturuan ko pa rin siya, wag kang mag-alala, di ko siya aagawin sayo Callix!"
"Huh?!"
Nagulat ako nang biglang piningot ni Marcus si Dennison. "Naku Miyaki, wag mong pagpapapansinin ang isang 'to. Anyways, I'm Marcus. Sama ka sa akin kapag may car exhibition ako ha!" sabay shakehands niya sa akin.
"Sige. Okay ako dyan." ang sabi ko naman.
"Miyaki, kung may problema ka man sa lessons natin, sa akin ka lumapit at tutulungan kita. Welcome to F8!" ang sabi naman sa akin ni Misha.
"Salamat Misha." ang sabi ko naman sa kanya.
"At dahil new member ka na ng F8, sasama ka kay Lexie ngayon para sa isang bonggang makeover!" ang sabi ni Monique sabay akbay niya sa akin.
"Ha? Makeover?! Wag na! Okay na ako sa ganitong ayos ko." ang tanggi ko pero lalo lang akong kinulit ng kinulit ni Monique hanggang sa mapapayag na niya ako.
"Sige na Monique. Payag na ako." ang sabi ko sa kanila.
"Yehey! Tara na sa mall! Excited na akong mag-shopping! Sige guys, mag-ba-bonding pa kami ni Miyaki ha!" sabay hila na niya sa akin palabas ng private room.
------------------------------------------------------------------------------------------------
(Gateway Mall)
(Miyaki's POV)
Pagkarating namin ni Lexie sa mall ay dumiretso na kami sa salon na pag-aari nina Misha. Noong nasa salon na kami ay nag-usap pa sina Lexie at yung baklang mag-aayos yata sa akin.
"Gawin mo siyang magandang-maganda ha! Sundin mo lahat ng pinagbibilin ko. Intiendes?" ang sabi pa ni Lexie dun sa bakla.
"Yes Ma'am!" ang sabi naman ng bakla.
Nilapitan ako nung bakla na mag-aayos sa akin.
"Hi Ma'am! I'm Fanny. Ako ang mag-aayos sayo, so better get ready!" at pinaupo na ako ni Fanny sa upuan kung saan ako aayusan.
Guess what kung anong pinagagagawa ni Fanny sa akin?
Simple lang.
Binasa ang buhok ko at saka ito nilagyan ng shampoo at conditioner. Pinatuyo niya ang hair ko gamit ang blow dryer at plantsang para sa buhok. Pagkapatuyo ng buhok ko ay nilagyan niya ito ng gamot na pampabanat ng buhok. Nag-antay pa kami ng isang oras para ma-absorb ng buhok ko ang gamot. Binanlawan niya ang buhok ko at muling nilagyan ng shampoo and conditioner. Pagkatapos niyang mabanlawan ang buhok ko ay pinatuyo na naman niya ito gamit ang blow dryer at plantsa para sa buhok. Pagkatuyo ng buhok ko ay isinunod naman niya ang mga kuko ko. Minasaker-este-nilinis ni Fanny ang mga kuko ko. Nilagyan pa nga niya ng colorless cuticle ang kuko ko. After ng manicure pedicure procedure ay sumailalim sa diamond peel procedure ang mukha ko at pagkatapos nun ay inaplayan na niya ako ng make-up sa mukha ko. Nang matapos na ang lahat ay pinasuot na niya sa akin ang isang skinny jeans, orange tank tops at isang kikay flat shoes. Isinuot ko ang mga yun kahit na ayaw ko.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...