Para sa mabait at masayahing si Ralph Joseph Carandang Encinas :)
Steno Thirteen
(DOTA Battle, Karinderya ni Aling Bessy at Funhouse)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
Umaga at nasa private room ako kasama si Callix. Busy siya sa panonood sa akin habang naglalaro ako ng DOTA sa laptop ko. Katatapos lang ng morning classes namin at hinihintay lang namin si Kuya Ruki mula sa cafeteria.
"Cal, bored ka na ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Medyo." he said. "Tara tulog tayo."
"Ayoko, di pa ako inaantok eh. DOTA na lang tayo." ang yaya ko sa kanya.
"Ha? Sige, pero saan?" ang tanong pa niya.
"Sa computer shop!" sabay patay ko sa main switch ng laptop ko. "Halika, sumama ka sa akin. Nasa labas lang yun ng school." ang sabi ko sabay hila ko sa kanya palabas ng private room.
(Computer Shop)
(Miyaki's POV)
Noong makarating na kami sa computer shop ay marami ang naglalaro sa loob at puro mga taga-EIAS pa. Nang makita nga kaming mga estudyante ay daig pa namin ang artistang pinagkaguluhan sa loob ng computer shop.
"Ahm Miss, paki-open po yung PC 13 at PC 14." ang sabi ko sa attendant at saka ako nagbayad ng perang panlaro namin ni Callix ng DOTA.
Agad namang binuksan ng attendant ang PC 13 at 14 ng computer shop. Bumili muna ng maiinom si Callix sa attendant bago kami naupo sa harap ng PC's na inarkila namin.
Nang nabuksan na ang computer ay pinindot ko na ang application ng DOTA sa monitor. Ganun din ang ginawa niya.
"Game ka na Cal?" ang tanong ko sa kanya.
"Game na ako." and he smiled.
Pinili kong hero si Viper habang siya naman ay si Traxex. Nag-umpisa na ang paslangan-este labanan sa pagitan namin na tinutukan ng buong EIAS.
(F8 Private Room)
(Ruki's POV)
Pagkarating ko sa private room galing cafeteria ay napansin kong wala sina Miyaki at Callix pero nandirito naman ang kanilang mga gamit.
"Saan kaya nagsuot yung dalawang yun?" ang natanong ko sa sarili ko. "Mahanap nga sila." at lumabas ako ng private room.
Hinanap ko sila sa paligid ng school pero hindi ko naman sila mahagilap. Hanggang sa may nakita akong mga babaing nagtatakbuhan palabas ng school. Hinarang ko sila at tinanong.

BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomansaMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...