Para kay kumareng Krizza Dela Cruz :)
Steno Thirty Two
(The Examination Day)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
Three days after ng Dance Festival ay dumating na ang araw na kinakatakutan ng lahat, ang 1st Periodic Exam. Isang araw lang ang exam na yun pero kailangang hasain nang husto ang utak dahil puro mahihirap ang tanong, lalo na sa subjects ng Math, Elective Math, Economics, Science, Foreign Language, Literature, Composition, Grammar, Practical Arts, Music, P.E at Filipino.
Nasa classroom ang buong IV-Dalton at abala sa pagrereview. May mga nagbabasa ng kani-kanilang reviewers, meron ding nagpapaturo ng mga equation formulas sa Math at Elective Math at may iba naman na nakikiusap na pakopyahin sa exam. Ako naman ay abalang tinutulungan si Callix sa subjects na kung saan siya nahihirapan at thankful ako dahil ang daling matuto ng boyfriend ko.
Dahil Math ang first subject na aming i-e-exam ay halos magkandakuba na kaming lahat sa kakabasa at kakamemoryado ng mga nakakalokang formula ng linear equations, matrices at linear programming.
Hanggang sa dumating na si Miss Aviles. Hindi na niya kami binati at diretso na siyang nagbigay ng mga test papers sa amin. Kami naman ay agad nang kinuha ang mga test papers at nagsimula nang mag-exam.
Habang nag-eexam kami ay tahimik kaming lahat dahil menopausal ngayon ang nagbabantay. Napansin naming busy sa pagkokopyahan sina Dennison, Kuya Ruki, Marcus, Lexie at Monique habang sisiw na sisiw lang kina Misha at Leeward ang test. Sina Chiqui at Yesha naman ay kumokopya din ng sagot kay Fruitcake, pano kasi, si Fruitcake lang ang matalino sa kanilang tatlo. Ako naman ay medyo nadalian sa test gayundin si Callix dahil pinag-aralan namin ang mga questions na nasa test. At ang buong IV-Dalton, halatang nganga na dahil sa hirap na sila sa exam.
Noong matapos na ang lahat sa exam ay kaagad ding kinuha ni Miss Aviles ang mga test papers namin. Agad din siyang umalis sa aming classroom.
Noong wala na sa room si Miss Aviles ay pinag-usapan na naman siya ng mga tsismosa kong mga kaklase.
"Ba't kaya ganun ang mood ng feeling perky na gurang na yun?" ang takang tanong ni Yesha sa dalawang kaututang-dila niya.
"Siguro meron sa kanya kaya ganun siya." sabi naman ni Fruitcake.
"Mali kayong dalawa. Kaya naghihimutok ang gaga ngayon dahil binasted siya ni Sir Nico!" ang sabi ni Chiqui.
"Huh talaga?!" ang pagulat na sabi nina Fruitcake at Yesha.
"Oo naman noh! Para sabihin ko sa inyo, kami ang bagay ni Sir Nico dahil guwapo siya at maganda ako! Di ba match?!" ang mayabang na sabi ni Chiqui na nakapagpakunot lang sa noo namin ni Callix.
Hmp! Sa tingin ng babaing 'to, papatulan siya ni Sir Nico, baka nga upakan lang siya ni Sir eh! At siya, maganda?! Baka kuko lang niya ang maganda!
And speaking of manners, seriously, elites ba talaga ang tatlong 'to? Bakit kung makaasta sila, dinaig pa nila ang mga nakatira sa squatters area!
Dahil di ko na matiis pang pakinggan ang pag-iilusyon ni gaga ay niyaya ko na lang si Callix na kumain sandali sa karinderya ni Aling Bessy, at least may kwenta pa yun.
------------------------------------------------------------------------------------------------
(Locker Room)
(Leeward's POV)
Papasok na ako sa locker room nang may makita akong babae na may nilalagay sa locker ko. Sisitahin ko na sana ang babaing yun pero nasindak ako nang makita ko si Monique na habang isinasara ang locker ko. Noong palabas na siya ay nagtago ako sa isa sa mga lockers.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...