Para kay Ate Marie Kris Sanchez :)
Steno Twenty Three
(Miyaki's Birthday Bash and The Professional Cheering Ek-Ek)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
(One week later.....)
Mula nang maganap ang accidental kiss sa pagitan namin ni Callix ay nag-umpisa na akong mailang ng husto sa kanya. Sa tuwing mag-pa-practice kami ng sayaw ay lagi na lang akong nahihiya at naiilang sa kanya, ni hindi ko na nga magawa pang tumingin ng diretso sa kanya! Pero hindi naman ako galit kay Callix dahil alam kong aksidente lang yun at hindi naman sinasadya ang nangyari.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Oo nga pala, sa Miyerkules na pala ang birthday ko. Ayaw ko sana ng magarbong party pero dahil pinlano na ni Ate Ayako ang party ay sasakyan ko na lang ang mga kabaliwan ng ate kong ewan.
Imbitado sa party ko sina Monique, Lexie, Misha, Marcus, Dennison, Kuya Ruki at Callix. Balak ko rin sanang imbitahan si Calla pero hindi ko naman madaling makita ang baklang yun kung saan saan. Si Ate Ayako na lang ang bahala sa mga gusto niyang papuntahing mga bisita.
Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako magce-celebrate ng birthday ko dahil hindi ko ito nasubukan noong second year at third year ako, dala na rin ng malungkot na nakaraan ko. Pero ngayong fourth year na ako, mukhang makakapag-celebrate na ako ng birthday ko lalo pa't unti-unti na akong nagiging masaya kasama ang F8.
------------------------------------------------------------------------------------------------
(School Gymnasium)
(Miyaki's POV)
99% kabisado na ang sayaw at puro finishing na lang ang ginagawa namin. Hindi na nahihirapan pa si Misha na ituro ang mga steps dahil halos kabisado na namin ito.
Pagkatapos ng practice namin ay nagkayayaan kaming mga F8 na tumambay sa gym. Siyempre game ako dyan lalo pa't makakapaglaro kami ni Callix ng basketball.
Pero noong nasa gym na kami, nagulat kami nang makita namin ang cheering squad na naghahanda yata para sa kanilang practice. And as usual, pagkakita ng mga member ng cheering squad sa amin ay halos lumindol na sa gym sa lakas ng mga tilian.
"Bah, mukhang may practice ang squad! Masayang manood nyan!" ang sabi ni Marcus sa amin.
"Oo nga noh!" sabi naman ni Monique.
"Parang hindi eh....." ang sabad ko naman sa kanila.
"Bakit naman Miya?" ang sabay na tanong nina Marcus at Monique sa akin.
"May paepal kasi." sabay turo ko sa tatlong babaing nakasuot ng pang-cheering squad at walang iba kundi sina Chiqui, Fruitcake at Yesha.
BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...