Steno Thirty Eight

104 5 2
  • Dedicated kay Joy Layacan
                                    

Para kay fren Joy Layacan :)

Steno Thirty Eight

(I Will Fight)

(Mary Mallory Hospital)

(Earl's POV)

One day matapos ang hostage taking incident ay guwardyado pa rin kami ng mga bodyguards ng ospital. Naging mahigpit na ang seguridad sa buong ospital at hindi na sila nagpapapasok pa ng outsiders, maliban na lang kung kamag-anak ito ng pasyente.

Ako naman ay nasa maayos nang kalagayan although may takot pa rin ako na maulit sa amin ang nangyari. Kahit na nakakulong na ang babaing yun, tiyak na gagawa yun ng paraan para makalaya at makaganti sa amin, lalo na sa akin. Si Dr. Cynthia naman, nagiging mapagmatyag siya sa lahat ng oras at mahigpit na rin siya sa pagpapapasok ng mga tao sa loob ng ward. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil iniligtas niya kami sa babaing yun........maging sa mapait na nakaraan namin ni Miyaki.

And speaking of Miyaki, napatawad na niya ako. Aaminin ko, masakit sa aking palayain na siya, pero alam kong yun ang dapat. Dapat lang na makita ko siyang masaya sa piling ng lalaking tunay na nagmamahal sa kanya. Pero hangga't kaya ko pang dalhin ang sakit sa puso ko, gagawin ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang nagbabasa ako ng bagong novel ni Paulo Coelho ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Dr.Cynthia na pumasok sa loob ng room at may dalang pagkain.

"Earl, it's time to eat." ang sabi niya sabay lapag niya ng tray sa mesa ng ward.

"Ayoko, mamaya na lang ako kakain."

 

"Hindi pwede. Dapat kumain ka. Pano ka lalakas nyan?"

"Basta, ayoko."

She hold her breath deeply. Naupo siya sa gilid ng kama ko. "Oh siya, kung ayaw mong kumain, hindi kita pipilitin. Alam mo ba yang si Paulo Coelho, dumaan din siya sa maraming pagsubok bago siya naging isang sikat na writer. Idol ko rin siya, but I must preferred Alexandre Dumas."

"Alexandre Dumas? Sino siya?"

 

"Writer ng Count of Monte Cristo at Three Musketeers."

 

"Ah.....so bakit idol mo siya?"

 

"Dahil magkatulad kayong dalawa."

 

"Magkatulad? Pano kami naging magkatulad?"

"Nakaranas si Alexandre Dumas ng racial discrimination. Hinamak ang kakayahan niya bilang writer. Pero imbis na mawalan siya ng loob, ginamit niya ang mga panghahamak na yun bilang inspirasyon niya para magawa niya ang Count of Monte Cristo at Three Musketeers. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap niya, nakuha niya ang respeto at pagmamahal mula sa mga tagahanga niya. Namatay siya sa Paris na kinikilala bilang isa sa mga bantog na manunulat ng Renaissance period."

"Ang galing naman niya. Pero di kami magkatulad ng sitwasyon. Maysakit ako at siya naman ay biktima ng discrimination. Pano kami magiging magkatulad?"

"Pareho kayo ng sitwasyon ni Alexandre Dumas. Pero ang kaibahan mo sa kanya, hindi siya sumusuko sa laban at lagi siyang puno ng pag-asa sa sarili niya. Yun din dapat ang gawin mo. Labanan mo ang sakit na yan. Wag kang susuko. At wag na wag kang mawawalan ng pag-asa. Matapang kang tao at marami ka nang pinagdaanan sa buhay, kaya naniniwala akong kayang-kaya mong mapagtagumpayan ang laban mo." and she gave me a smile, a positive smile.

Natamaan ako sa sinabi ni Dr. Cynthia. Bigla-biglang bumalik sa gunita ko ang sinabi sa akin ni Callix.

"Kung mahal mo talaga si Miyaki, lalaban ka hanggang sa huli!"

Naalala ko si Mommy, Daddy at si Aya. Umaasa pa rin sila na gagaling ako sa sakit ko. Pero ako, ni minsan ay di ko lang inalala ang sarili ko. Ang tanging alam ko ay katapusan ko na. Ngunit nang masilayan kong muli ang babaing mahal ko at ang lalaking lubusang pinagkakatiwalaan ko ay nasinagan na ako ng kahit papano'y liwanag ng pag-asa. Lalo na nung mapatawad nila ako, naisip kong mamamatay na ako na wala na akong nararamdaman pang kalungkutan at guilt.

Pero nang sabihin ni Dr. Cynthia ang mga ganung bagay.....

Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Para bang bigla akong nagkaroon ng pag-asa sa sarili ko.

"At saka, nakikita mo ba siya?" sabay turo niya sa maliit na rebultong kahoy ng crucifixion ni Jesus Christ na nakadikit sa pader ng ward.

"Oo. Nakikita ko siya. He's a miraculous son of God." ang sabi ko naman.

"Nakikita niya ang paghihirap mo. Ang pagdurusa mo. At matutulungan ka niya kung buong puso kang mananalangin at hihingi ng paggabay sa kanya. Mahal tayo ng Diyos at gusto niyang bigyan tayo ng kapanatagan at kasiyahan. Magbalik-loob ka lang sa kanya at sinisiguro ko sayong matutulungan ka niya." at may ibinigay sa akin si Dr. Cynthia. Isang librong kulay brown at may nakasulat na The Holy Bible. "Basahin mo ang librong yan at makakaramdam ka ng kapayapaan sa kalooban mo. Magagamit mo rin ang librong yan bilang gabay mo tungo sa bagong buhay na hinahangad mo........at sa tunay na pag-ibig na hinahanap mo. Just always remember, mahal ka ng Diyos." at tumayo siya sa kinauupuan niya. "Kung mamaya ka pa kakain, nandyan lang ang pagkain. Pupuntahan ko muna ang pasyente ko." at umalis na siya sa ward.

Lalo akong natamaan sa sinabi ni Dr. Cynthia. 

"Matutulungan ka Niya."

 

Napaiyak akong tumingin sa crucifixion statue of Jesus Christ. Naalala ko tuloy ang mga naging sakripisyo Niya, maligtas lang ang sangkatauhan sa kasalanan. The world is so lucky for having Him in our life.

Napatingin din ako sa Bible na binigay sa akin ni Dr. Cynthia. Ang aklat na ito ang makapagbibigay sa sinuman ng kapanatagan, lakas, inspirasyon at pag-asa. Ito rin ang magsisilbing gabay upang magkaroon ng simple ngunit maayos at masayang buhay.

"Lalaban ako. Pangako. Lalaban ako hanggang sa huling hininga ko." and I smiled. A positive smile.

Ayoko nang maging mahina. Ayoko nang maging malungkot. At lalong ayoko nang balikan pa ang lumipas. Panahon ko na para magbagong-buhay.

IT'S MY TIME.

 

I WILL FIGHT.

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon