Para kay Ate Shekinah Enerido ng FS Department :)
Steno Thirty Nine
(Search for Miss EIAS)
(EIAS Campus)
(Miyaki's POV)
(After one month.....)
Matapos ang isang buwan ay usap-usapan na sa buong campus ang tungkol sa nalalapit na search para sa taunang Miss EIAS. Beauty pageant ang tema ng pakontes na ito at maraming mga babae ang aspiring na maging Miss EIAS sa taong ito. Each sections from different levels ang maglalaban-laban sa pageant na parang sa Miss Universe. Pero bago muna ako dumiretso sa iba pang detalye ng pageant, maikwento ko nga muna ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo.
Naghanda ng isang surprise proposal si Marcus para kay Misha sa loob ng classroom namin. Ipinagtapat ni Marcus ang damdamin niya para kay Misha na ikinatuwa naman naming lahat dahil nabatid din namin na mahal din ni Misha si Marcus. Kaya ang resulta, sila nang dalawa.
While Aya and my Kuya Ruki are officially together na rin. Kung bakit, ibinuking namin ni Callix ang love letter ng mokong kong Kuya kay Aya. Sa umpisa ay alangan pa si Aya sa nararamdaman niya para kay Kuya Ruki pero nung lumaon ay na-in-love na rin siya sa Kuya ko, lalo na sa charming voice ng Kuya ko. And at last, pareho na rin silang masaya sa piling ng isa't isa. Sa wakas, nakumpleto na rin ang masayang love team ng mga members ng F8.
Subalit kung may masayang balita, may malungkot ding kasunod. Umalis na sa Pilipinas si Earl kasama si Dr. Cynthia para doon na siya magpagamot sa kanyang sakit at hanggang ngayon ay ipinagdarasal ko na sana ay gumaling na siya sa sakit niya.
Si Arcel naman ay namatay sa kulungan sa sakit na cancer. Stage 4 na ang kanyang cervical cancer na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Ako naman ay masaya at kuntento na sa piling ni Callix. Bagama't minsan ay nag-aaway kami, napag-uusapan naman namin yun ng maayos at madalas pa ngang magpakumbaba si Callix. Ngunit kahit ganun, mahal na mahal namin ang isa't isa at wish ko nga na sana'y siya na nga ang lalaking nakalaan para sa akin.
------------------------------------------------------------------------------------------------
(IV-Dalton Classroom )
(Miyaki's POV)
Habang hinihintay namin si Miss Lanie para sa first subject namin ay naririnig ko ang malakas na tsismisan ng mga kaklase ko.
"Sino kaya ang mapipiling representative ng section natin para sa Miss EIAS?"
"Sana ako....."
"Sorry ka pero ako ang mapipili!"
"Anong kayo ang mapipili?!" ang biglang sabad nina Chiqui sa usapan. Natahimik ang mga babaing nagtsitsismisan.
"Hindi nyo ba nakikita ang bagong representative ng section natin?" sabay turo ni Gaga sa sarili niya. "Ako na ang susunod na Miss EIAS!"
Haay naku.......nagyabang na naman ang bruha. Mapili na lang ang kahit sinong babae sa section namin, basta't wag lang siya, dahil siguradong ilulubog niya lang sa kahihiyan ang section namin oras na matalo siya.
Natigil na ang mga tsismisan nang dumating na si Miss Lanie.
"Good morning class, will you please take your seats."
Inayos naman ng mga estudyante ang kanilang mga upuan at excited na silang malaman kung sino ang magiging candidate ng IV-Dalton sa Miss EIAS.

BINABASA MO ANG
THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)
RomanceMay malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng...