MTE 31

2.3K 26 15
                                    

MTE 31

Mika's PoV

@bangnita and @VSGalang spotted!!

Paulit-ulit kong tinitingnan ang stolen picture na 'to. Nandito na nga sya. Pero bakit di man lang magawang magpakita sa akin. Sa amin. Nong sinabi ni Tin na she's back bigla akong nabuhayan. Ang pagkamiss ko rito mas lalong nadagdagan. I didn't know missing someone could hurt like this..

Pero she's not using her account. From time to time binubuksan ko ito. Sabog na nga ang notif at DM nito.

Ano bang nangyare sayo Ara? Gusto kong puntahan sya. Gusto kong makita sya. Gustong kong malalaman kung anong nangyari sa kanya. Pero pano? Sabi ni Tin wala naman sila sa Pampanga. San ko sya maaring puntahan.

"ayos ka lang?", sabay upo nito sa tabi ko dito sa sofa ng dorm. Nakabalik na rin pala kaming lahat. Bukas na rin mag-uumpisa ang training namin kasama ang AirAsia. Preparation na rin nila para sa upcoming PSL.

Tama!! Pwede kong tanungin si Bang. Part sya ng AirAsia.

"hoi!!!", sabay kaway nito ng kamay sa tapat ng mukha ko.

"ha? Ano nga yon?", tanong ko ulit dito.

"kanina lang sobrang tulala ka. Tapos ngayon bigla na lang nagkaron ng ningning yang mga mata mo. Epekto ba yan ng pagiging MVP?", pagbibiro nito.

"sira! May number ka ba ni Bang?", tanong ko rito.

"about pa rin ba yan don sa photo?", nagnod lang naman ako. Baka may alam ito kung asan si Ara.

"makikita mo naman sya bukas. Don mo na lang tanong. Kahit ako nga rin naguguluhan. Andito na sya pero di pa rin nagpapakita sa atin.", komento na rin ni Camille.

"tingin mo ba't kaya nya tayo iniwan? Andito na pala sya di man lang magawang magpakita.", tanong ko rito.

Gusto kong magalit kay Ara pero wala namang magagawa ang galit ko. Masyado ko syang mahal para intindihin ang galit na meron ako sa bigalaang pag-alis nya. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon. Ang makita sya at mayakap. Sobrang miss ko na talaga sya.

"Gusto man kitang bigyan ng sagot alam mo namang wala akong maibibigay. Sya na lang ang antayin natin. Sigurado naman akong magpapakita sa atin yon e. ikaw pa.. Adik sayo yon e.", sagot nito sa akin na para bang pinapalakas ang loob ko.

"sira!! Matulog na nga lang tayo.", aya ko rito.

"mabuti pa nga. Tomorrow is another day!", napakabibo nitong pagkakasabi. Minsan may sapi rin 'to e. may time na ang tahimik. May time naman na napakabibo.

Sabay na kaming umakyat sa taas. Magkatabi lang din naman ang room namin.

"Good night miks. How i wish i could take your pain away.", tyaka nito sinara ang pinto ng kwarto nila. Di man lang ako inantay sumagot.

"Good night cams. Thanks for always keeping me company nong time na halos di ko na alam kung paano uumpisahan ang araw na walang Ara sa buhay ko.", Nais ko sanang isagot rito kaso bigla na lang itong pumasok ng kwarto nila.

Tumuloy na rin ako sa kwarto namin nila Wafs. Tulog na rin sina Kim at Carol. Nagpalit na rin kasi kami ng roommates. At sila na ang kasama ko.

Looking forward para bukas.

"I miss you babe!", usal ko bago ako tuluyang natulog..

..

..

..

..

..

Ara's PoV

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon