MTE2

5.7K 51 1
                                    

"Daks look oh, astig yong billboard nyo nila motherf. Iba na talaga ang sikat", turo ko sa billboard na nadaanan namin papuntang San Juan Arena.

"Hahaha!! Naman daks. Kami na ata yan", pagmamayabang nito ng pabiro.

"Naku okay na sana. Wala man lang ka-humble-humble sa katawan.", pambabara ko sa kanya.

"Bully mo daks. Hmmmp!", aba't irapan ba ako. Ang cute lang.

"Ito naman di na mabiro. Stand out ka nga don oh.",pangungumbinsi ko sa kanya.

Well, totoo namang sya agad yong mapapansin mo don sa billboard e. Walang ka effort-effort na cuteness.

At ayon ngumiti na sya. Ang dali talaga pangitiin nito. Simpleng admiration lang masaya na.

"Sinasabi mo lang yan e." Ewan ko lang ha. Parang pinagtritripan din ako e. Ngumiti tas biglang ganun yon sasabihin. Naku Reyes ka.

"Oo nga. Promise!", masakyan nga trip nito. Sabay taas ko ng kanang kamay ko. At nag-sign ng cross sa puso ko.

"Hahahaha!! Ikaw talaga daks. Lagi mo na lang akong binubola. Pero in fairness bet ko naman. Hahaha!", may topak na ata 'tong babaing 'to e. Out of the blue tatawa.

"We're here na, wait wag ka munang bumaba.", sabi ko sa kanya. Bumaba na ako at pinagbuksan ko sya ng pinto ng kotse ko sa passenger seat.

"Baba na po mahal na prinsesa.", at sinabayan ko na rin ng pinakamaganda kong ngiti.

"Thanks daks, pero pwede wag ka ng ngumiti. Di tatalab sakin yang ngiti mong yan e.", pambabara nito.

Naku, basag agad.

"Don mo na lang pakita sa mga fans mo yan. Matutuwa pa sila.", dugtong nya ulit.

"Bully mo talaga daks e noh?", sabay akbay ko sa kanya papasok ng Arena.

Manonood kasi kami ng match ng DLSU-WBT laban sa UST-WBT. Adik lang 'to e. Aside kasi sa Volleyball isa ito sa mga Sports ng gusto nya. Ayon walang maaya sa team puro may inaasikasong requirements sa prof nila kaya ako ang hinatak. Tutal wala naman daw akong gagawin sa dorm at magkukulong lang sa kwarto. Di kaya. Pero parang ganun na nga. Hahaha!!

"Daks, diba sila mela yon? Oh, kasama si bestfriend", tiningnan ko naman yong tinuturo nya. Sila FO nga at Jessey.

"Lapitan natin after ng game?", aya ko sa kanya.

"Sige. Namiss ko na rin si bestfriend e.", parang batang nakakita ng kaibigan sa playground yong mukha nya.

Simple as it is. Sobrang jolly. Kaya di na ako magtataka na maraming fans 'to e. Sama mo na pati admirer. Hahaha!! Talagang tumawa pa ako sa thought ng admirer ha.

Sa akin lang naman nag-susungit 'to. Ewan ko ba dito. Tuwang-tuwa mag-sungit sa akin. Hinahayaan ko na lang.

"Daks? Di ka naman nanunood e. Halika na. Tapos na game. We won!! Yahooo..", kalabit nya sa akin.

Nanunood naman ako. Yon nga lang di tulad nya na sobrang focus. Haha!!

"Nanunood kaya ako.", dipensa ko sa kanya.

"Sabi mo e, halika na. Lapitan natin sila bestfriend. Then papicture ako kay Nicky", aya nya sa akin.

"Pwede bang tumanggi?", haha!! Ang cute lang. Tinaasan ba naman ako ng kilay. Binibiro ko lang naman e.

"Hindi! Kaya halika na.", sabi sa akin. With authority tone yan ha.

"Sabi ko nga. Halika na.", then hinila ko na sya paputan kina Fo.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon