MTE 41

2.2K 33 4
                                    

MTE 41

Mika's PoV

"di ka ba sasabay sa amin maglunch?", tanong ni cams sa akin ng makalabas ang professor namin.

"di na cams, baka andyan na rin si Ara sa labas. Sabay kaming maglalunch.", sagot ko rito at patuloy na niligpit ang mga gamit ko.

"nuks! Bumabawi ba bulls?", pagbibiro naman ni Cienne.

"di naman, sinusubukan lang naming ibalik sa dati.", sagot ko rito at sabay na kaming lumabas ng room, pero wala namang Ara na nag-aantay.

"wala pa sya, baka gusto mong sumabay na samin.", pag-aaya uli ni cams sa akin. Nagmasid naman ako baka sakaling parating na sya pero wala naman bakas ng Ara na parating.

Hinarap ko naman si cams. Seryoso itong nakatingin sa akin. Lately napakaseryoso nito. Nang sinabi ko rito na susubukan naming ibalik sa dati ni Ara kung anong meron kami naging mailap na ito. Tuwing andyan si Ara lagi itong nagdadahilan na may gagawin.

"ano, aantayin ko na lang sya. Baka dumating na rin yon.", ayaw ko namang pagdating nya rito e wala ako. At may usapan kami.

"sigurado ka bulls? Text mo na lang na sumunod.", pagpupumilit naman ni Cienne.

"Oo. Sige na mauna na kayo. Gutom na ata si Cams e.", pagbibiro ko, para naman ngumiti na rin ang isang 'to.

"naku, may topak lang ngayon 'to kaya ganyan yan. Sige na mauna na kami. Kita na lang sa Training.", pagpapaalam nito.

"Sige.", tanging sinabi ni Camille bago tuluyang umalis.

"ingat kayo!", sigaw ko sa mga ito ng paalis na sila.

Pagkaway lang naman ang tanging sinukli nila sa akin.

Nakatayo lang ako dito sa labas ng classroom ko at nakasandal sa dingding. May pangilan-ngilan na estudyante ang dumadaan at binabati ako. Tanging ngiti lang naman ang sinasagot ko sa mga ito.

Anong oras na rin kasi halos nagsisilabasan na rin lahat ng estudyante para sa lunch break, ngunit wala pa ito. San kaya nagpunta yon.

E titext ko na sana ito ng may marinig akong nagtatawanang tumatakbo palapit sa akin.

"bilisan mo Ars! Ang bagal mo naman e.", Ang boses na yon, alam kong si Thomas yon.

"hoi makatakbo naman kayong dalawa!", sigaw naman nong mga nasa likod ng mga ito.

Hanggang dito sa kinatatayuan ko abot ang napakasayang himig ng boses nito sa pagtawa.

"makahila naman Thomas. Malapit na tayo oh.", sagot naman nito.

Hingal na hingal itong nakalapit sa akin. Pawisan pa ito. Pero napako ang mga mata ko sa kamay nitong hinahawakan ni Thomas.

"ito kasi di sinabing susunduin si Mika anong oras na kaya.", saad ni Thomas na humihingal pa ng makasunod na sila Tin at Niki. Magkasama pala sila.

"Hello miks!", masiglang bati nila ng makalapit sa akin.

"hello!", tipid kong sagot sa mga ito at nakatingin pa rin sa kamay ni Thomas na nakahawak sa wrist ni Ara.

"babe, sorry na late ako.", hingal nitong pagkakasabi na nakahawak pa sa tuhod nito samantalang yong isang kamay nito hawak-hawak naman ni Thomas.

Bumitaw ito sa pagkakahawak Ni Thomas at lumapit sa akin tyaka kinuha ang bag ko ng nakangiti. "Sorry talaga babe.", hinging paumanhin uli nito.

Di ko mabasa kung anong reaksyon ang nakita ko sa mukha ni Thomas ng kumawala si Ara sa pagkakahawak nito. Ang alam ko lang pag-disappointed ako ganun din ang nagiging reaksyon ko, pero di nagtagal ngumiti na rin ito.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon