MTE 23

2.7K 32 3
                                    

MTE 23

Continuation....

Flashback....

Mika's PoV

I was about to call Kiefer outside ng may marinig akong kausap nito sa phone. He was so pissed. He's shouting..

Ngayon ko lang syang nakita na ganito.

"pwede tantanan mo na ako! Ano bang kailangan mo? Sinabi ko na sayo may girlfriend ako!", sigaw nito sa kausap nya.

Lalapitan ko na sana sya kaso napako ako sa kinatatayuan ko.

"what happened that night was nothing. We're drunk. So please don't make anything out of it. I love my girlfriend", tyaka nito pinatay ang tawag.

Nagmamadali naman akong bumalik sa loob ng resort. Di ko alam pero bakit parang may tumutusok sa puso ko. Anong nangyari?



"hey, kanina pa kita hinahap. Andito ka lang pala.", sabay halik nito sa pisngi ko.

Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito pero I still manage to fake a smile. Di naman sya nakahalata at hinila na ako papunta kina mama.



Months went by at maayos naman kami. Sya pa rin yong Kiefer na laging nagbibigay oras sa akin. At nalimutan ko na rin yong narinig ko.

Then one day Thirdy invited me kasi may victory party ang Ateneo sa pagiging champion nila that season.. I was hesitant kasi Kief didn't even bother to invite me, baka magtaka sya andun ako. Pero sabi ni Thirdy surprise daw namin ang kuya nya kaya pumayag na rin ako.

Sa isang club ito ginanap. We're about to enter the bar ng malimutan ni Thirdy ang phone nito sa kotse nya kaya binalikan nya na muna ito. At pinauna na akong pumasok.

"mauna ka na miks. I'll just get my phone then I'll find you na lang inside", nakangiti nitong utos sa akin. So i did what i was told. I went inside the bar.

Mali atang pumayag akong sumama. Ako lang ata nag-iisang La Sallista rito. Baka mamaya di na ako makalabas ng buhay. Joke!!

May mga napapatingin sa akin pero hinayaan ko na. Natural lang naman siguro yon. Sa ganda ko ba namang 'to. Okay ako na mahangin.

Nagpalinga-linga ako baka sakaling makita ko si Kiefer. Pero nowhere to be found ang gwapo kong boyfriend. E ba't ba.. Be proud!! Gwapo naman talaga ang boyfriend ko.

May pangilan-ngilan na kumakausap sa akin pero tumatango lang ako. I'm sure di pa nila alam na LS ako. Di pa naman kasi nag-uumpisa ang season namin. Kaya blend in ang peg ko ngayon.

Ang tagal naman ata ni Thirdy.. Nabobored na ako rito wala man lang makausap.

Then i saw a familiar figure. I was stuck.. I don't know what to do. They were almost making out in public.

Unti-unti naman akong lumapit. Na para bang may sariling utak ang mga paa ko at nais kong makasiguro kong sya ba talaga yon. Pero hindi. Mahal nya ako diba? Pinapakita nya yon. Pinaparamdam.

Nang makalapit na ako at makasigurong sya nga, nakatitig lang ako sa kanila. They were kissing. So intimate. Alam ko wala pa kami sa ganitong stage ni Kief at may mga needs sya pero mga bata pa kami. At nangako kami sa parents namin na pag-aaral muna at sports. mahal nya ako diba? Mahal ko sya. pero bakit? Ano 'to?

"shit!! This is wrong!!", tulak nito sa babae. Di pa rin nila ako napapansin.

"but admit it, you did liked it. Alam kong di nyo pa ginagawa ng girlfriend mo 'to. I can feel it", sagot nong babae.

Shit!!! Napakuyom na lang ako ng kamay ko at nagpipigil ng galit.

"I love her. And I respect her. I'm sorry if i got carried away.", di ko alam kong anong mararamdaman ko sa pinagsasabi ni Kief matutuwa ba ako o maiinis the fact na ginawa nya pa rin 'to kahit sinasabi nyan mahal nya ako.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon