Chapter 13

3.4K 30 2
                                    

Chapter 13 MTE

Third's Person PoV

Dahil sa pagkatalo ng LS di maiwasang di nila ito damdamin. Nag-aalala na rin si Mika sa kabiyak dahil lubos na dinamdam nito ang pagkatalo.

"babe, baba na tayo.", pag aya ni Mika dito. Ilang araw na rin itong nagkukulong sa kwarto.

Pilit man nilang sinasabi rito na wag sisihin ang sarili sa nangyari ay ayaw nitong makinig.

"babe dito na muna ako. Tinatamad akong bumaba e.", pagtanggi nito kay mika.

"NO!!", mariin na sagot ni Mika. Dahil na rin siguro sa lagi na lang itong nagkukulong di na rin sila nakakapag-usap ng maayos.

"kailangan mo na ring lumabas dito babe, look wala naman may gustong matalo tayo, pero yon yong nangyari. At walang dapat sisihin okay? Lalo ka na. Wag mong sisihin ang sarili mo. Binigay naman natin ang best natin.", pagpapagaan ni Mika sa loob ni Ara.

"pero" sasagot pa sana ito ngunit pinutol na ni Mika kung ano mang sasabihin nito.

"bumangon ka na dyan at may lakad tayo" pagpupumilit nito.

"tinatamad talaga ako daks. Dito na lang tayo please", sabay akap nito kay mika ng mahigpit na ikinatuwa naman ng huli.

"babe kailangan mo na ring lumabas okay? Ilang araw ka ng nagkukulong. Nag-aalala na kami. Sige na please?", pagpupumilit pa rin nito.

Mas hinigpitan pa ni Ara ang pagkakayakap kay Mika. "Sorry babe kung masyado na kayong nag-aalala. Promise last na 'tong araw na 'to."

"last na talaga. Kasi pag di ka pa lumabas kakaladkarin na kita.", pagbabanta ni Mika rito.

"i love you", bulong ni Ara.

"i love you too", sagot ni Mika na pareho pa rin silang nakayakap sa isa't-isa.

"i love you most", ganti ulit ni Ara.

"diba dapat i love you more muna? Ako dapat sasagot ng i love you most", parang batang pagrereklamo nito.

Di namang mapigilang mapatawa ng bahagya ni ara sa sagot ng kasintahan.

"ba't ka tumatawa ha?", parang batang nagmamaktol.

"natutuwa lang ako. Kasi ang tyaga mo sa akin this past few days. Sana di ka magsawa", paglalambing ni Ara.

"hinding-hinding-hindi kita pagsasawaan.", mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap.

"ang swerte ko talaga sayo. Ay mali. Hindi swerte kundi ang bless ko."

"ako rin naman. Parehas tayo bless. Kaya halika na. Baba na tayo.", tyaka nakipaghiwalay si Mika sa yakap. Bago pa man sila lubusang maghiwalay kinantian nya muna ito ng halik sa labi.

Na sya namang nagpangiti kay Ara. Bumaba syang may ngiti sa labi.

"buti naman at lumabas ka na wafs.", bati ni Kim rito.

"sorry talaga kung nag-alala kayo sa pinaggagawa ko this past few days. Pangako di na mauulit.", paghingi nito ng paumanhin.

"sus ano ka ba Ara, naiintidihan naman namin. Pero sana wag mo ng uulitin. Di kami sanay na nagmumukmok ka", si camille

"tyaka diba babawi naman tayo next season kaya wag ka ng magdrama, okay?", dugtong ni cienne

"daughterf wag mo ng alalahanin yong pagkatalo natin, maybe God has his reason kung bakit di natin nakuha ang 4peat.", sagot na rin ni Aby.

"kita mo na babe, ikaw lang 'tong sobra kung magmukmok e", sabay akbay nito kay Ara.

"thank you talaga. At sorry. Motherf", tyaka nya yinakap si Aby.

"tama ng thank you at sorry kumain na tayo. Gutom na ako.", kalas nito sa pagkakayakap baka kasi mapunta naman sa pagdadrama ang usapan nila.

"babe halika ka na. May lakad pa tayo", hila ni Mika rito papuntang dining table.

"babe bukas na. Diba sabi ko last na 'tong araw na 'to. Dito na lang tayo sa dorm please..", pagpapacute nito.




Mika's PoV

"oo na. Wag ka ng magpacute", sabay pinch ko sa nose nya.

"aray naman babe", pagrereklamo ng babe ko.

Sobrang apektado talaga sya sa resulta nong finals. Kami rin naman pero sya nagbreakdown talaga at nagkulong sa kwarto.

Kahit na kasama ko sya namimiss ko pa rin sya. Di ko naman kasi sya nakakausap ng maayos. Buti na lang ngayon medyo okay na sya. Nakakangiti na.

"tama ng lambingan. Dami ng ants here oh", maarting pagkakasabi ni Cienne.

"inggit ka lang e. Kain na tayo babe", aya nya sa akin. Inirapan lang naman sya ni Cienne.

After naming kumain nag-movie marathon lang kami. Buong movie nakahiga lang si Ara sa lap ko. Sila ate kim naman sa sahig na pumwesto pati ibang rookies. Solong-solo namin ng babe ko ang Sofa.

Di pa man natatapos ang movie may istorbo na agad na kumakatok sa pintuan. Nagtuturaan naman sila kung sino mag-bubukas.

"ako na." pag-pripresenta ko. "babe upo ka muna.", baling ko kay Ara.

"ako na lang magbubukas babe", pigil nito sa akin.

"ako na babe. Maupo ka na lang dyan.", pigil ko sa kanya.

"pati pagbubukas ng pinto nagpapaka-cheesy kayo." panunukso naman ni Ate Mowky pagkapunta kong pinto. Nginitian ko lang naman sya.


Pagbukas ko ng pinto isang delivery boy ang bumungad sa akin.

"Delivery po para kay Miss Mika Aereen Reyes mam", delivery boy

"ako nga." tugon ko. Sabay abot naman nito ng 1 bouquet ng red roses

"paki-sign na lang po dito mam", sabay ngiti nito.

"kanino galing 'to kuya?", tanong ko habang pinipirmahan yong receiver sheet nya.

"Keifer Ravena po mam", tugon nito.

O.o

****
sorry super iksi
****

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon