MTE 33

2.2K 27 18
                                    

MTE 33

Ara's PoV

"ayos ka lang?" Tanong ng kuya ko ng makasakay kami sa kotse nya.

The fuck!! Anong karapatan nyang samapalin ako.

"Ano bang problema nila? Fuck!! Kung ayaw nilang makasama ako, mas lalo naman ako. Ito ba yong sinasabi mong I will say "thank you" one of this day?", saad ko rito.

Naiinis ako. Anong akala nila basta-basta na lang silang mananakakit pag ginusto nila?

"try to understand them. Nagulat sila. And ngayon ka lang nila nakita ulit.", mahinahong pagkakasabi nito.

"understand? How can you understand such thing? Nakakapanakit sila.", naiinis kong sagot rito.

At ba't parang pinagtatanggol nya pa.

"you have too. Nasaktan mo rin sila.", mahinahong sagot nito.

Napalingon na lang ako rito. Masyadong seryoso ang mukha nito.

"nasaktan? Anong ibig mong sabihin?", naguguluhan kong tanong rito.

..

..

..

..

Meanwhile....

Mika's PoV

Andito pa rin kami sa gym. At kasalukuyang pinagsasabihan ni coach si Camille.

"I'm so disappointed with you Camille.", saad ni coach rito.

Nakayuko lang naman si Camille.

"I'm sorry coach. Naiinis lang ako. After a year nyang nawala ganun pa ang gagawin nya? Na para bang wala syang nasaktan.", mahinahong sagot nito.

"but that doesn't give you the right na manakit lalo na at teammate mo pa.", pangangaral ni coach rito.

"coach nabigla lang po si Camille.", sabat ko na rin. Di ko alam kung ba't nagawa ni Camille yon pero sigurado akong may dahilan sya.

Tiningnan naman ako nito at naghalf smile. Nakikinig lang naman ang iba.

"nabigla man o hindi ayaw kong nagkakasakitan kayo.", patuloy pa rin sa pangangaral ni coach and this time sa buong team nya na sinasabi.

"yes coach.", sabay-sabay naman naming sagot.

"And..", pagpaused nito sa nais nyang sabihin at tiningnan ulit kaming lahat.

"I want you all to understand Ara. Hindi madali ang kalagayan nya ngayon.", anong ibig sabihin ni coach? Anong kalagayan?

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko. Nagnod lang ito. Parang sinasabing ihanda mo ang sarili mo sa sasabihin ni coach.

"ano pong ibig sabihin nyo coach?", tanong ni Wafs rito.

"and ba't parang wala lang kay Ara na nakita nya kami? As if di nya kami kilala.", may bahid ng pagkainis ang huling binatawang salita ni Cienne.

Huminga naman ng malalim si coach, tyaka parang nag-iisip ng sasabihin.

"its because di nya talaga kayo kilala.", sa sagot na yon ni coach para bang bumigat ang mga balikat ko. Mas lalo namang hinigpitan ni Ate aby ang pagkakahawak sa kamay ko.

"A..a..nong?", di ko man lang magawang maitanong ng maayos..

"anong ibig nyong sabihin coach?", tanong ni Camille na para bang nabasa nito ang nais kong itanong.

"She don't remember a thing.. Kahit na isa sa inyo. Sa nakaraan nya. At kung sino sya dati.", sagot ni coach sa mga tanong namin.

Pero pano? Bakit? Ano bang nangyari nong umalis sya? Naaksidente ba sya? At nagka-amnesia?

"nong araw na nawala sya inataki sya ng sakit nya. Ara has a brain tumor. She's been undergoing treatment bago pa man magstart ang season. Pero matigas ang ulo nya, di nya sinisipot lahat ng check ups nya.", Anong brain tumor ang pinagsasabi ni coach? Anong treatment? Bakit wala man lang akong kaalam-alam sa mga yan?

"Everything was set na bago pa man mag-umpisa ang finals nyo. Ara has to undergo a major brain operation to remove the tumor. That day na bigla syang nawala, bigla na lang syang nagcolapse habang papunta sa inyo Miks. The next thing we knew dinala na sya ng magulang nya sa London.", pagpapatuloy ni coach sa sinabi nito.

Para naman akong napako sa pwesto ko ngayon. So yong migraine na sinasabi nya? Di lang pala simpling migraine? She's sick.. And hindi nya man lang nagawang sabihin sa akin?

And.... And... Di nya ako natatandaan? Di nya maalala lahat ng kung anong meron kami?

"Miks?",sabay punas ni Camille ng luha ko.

Di ko man lang namalayang umiiyak nanaman pala ako.

"ssssh!! Tahan na.", sabay yakap nito sa akin.

"cams..", tanging nasambit ko.

*****

with the brain tumor thingy, imbento ko lang yon.. ^__^ and i dont know kung may ganung something na makakapagwala ng memory once na naremove.. Kathang isip lamang ito.. So malaya akong kumatha.. Jk!!!

@AkoSiEJ06

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon