MTE 19

2.9K 33 5
                                    

MTE 19

Ara's PoV
Ngayon i-aanounce ni coach ang mapapasama sa Beach Volleyball na gaganapin sa Boracay. 4 lang ang dadalhin nyang player ng Team. Tapos na rin lahat ng requirements namin sa school at summer na talaga. Wala ng pasok.

Kanina pa kami rito sa gym nag-aantay. Sana mapasama kami ni Daks. If ever first out of town namin ito together. Nae-excite ako.

"babe, ako yong kasama mo pero ang lalim ng iniisip mo tas nakangisi ka pa dyan", naiirita nitong pagkakasabi.

Ang cute lang. Ang sarap tuloy pisilin ng pisngi nito. Napakalaking tao pero pababy.

"ngayon naman pinagtatawanan mo pa ako.", tyaka ito nagpout.

Bigla ko naman syang inismack. Ang pula tuloy ng pisngi nito.

"damoves mo wafs e. kaagang landian.", pang-aasar ni Ate Kim.

"get a room guys", sigaw naman ni Cienne.

"kinucorrupt nyo po yong mind namin Ates", dugtong na rin ni Justin.

"aray naman babe. Lagi mo na lang akong sinasaktan ah", pagpapaawa ko. Hampasin ba ako sa braso.

"ang harot mo kasi.", pagtataray nito.

"sus blush ka lang e", pang-aasar naman ni carol rito. At namula nanaman sya. Tawanan tuloy silang lahat. Syempre ako hindi. Baka mamaya di lang hampas gawin nito sa akin.

"e kasi naman babe, ikaw lang naman yong iniisip ko e. iniisip ko pag nagkataon first out of town natin ito as a couple diba?", nakangiti kong paliwanag rito na syang dahilan para mas lalo itong mamula.

"naku landi mo talaga Ara. Kita mo tuloy kung makablush si damulag daig pang kamatis na over ripe.", pang-aalaska ni Camille na syang nagpatawa sa lahat. Sumiksik naman si Mika sa likod ko. Nahihiya na 'to.

"andito na pala kayong lahat. Alam nyo naman na siguro kung ba't kayo andito ngayon diba?", agad na sabi ni coach sa amin ng makalapit ito.

"oh mika anong ginagawa mo sa likod ni Ara?", takang tanong ni coach, lumabas naman agad si daks sa likod ko at hinarap si coach.

"wala po coach.", nagihihiya pa rin nitong sabi magsasalita pa sana ang teammates namin kaso sinamaan nya ng tingin.

Napailing na lang ako. Takot lang nila dito pag nahulk nanaman.

"aray!!!!" sigaw ko. Sabay himas ko sa tagiliran ko.

kinurot lang naman nito ako sa tagiliran.

"napano ka Ara?", may pag-aalalang tabong ni coach. Umiling lang naman ako. Di naman kasi kita yong ginawa ni Mika sa akin. Sila wafs naman nagpipigil ng tawa. Nang lingunin ko si Mika tinaasan lang ako nito ng kilay.

"anyway. 4 lang yong kukunin. Ara, Kim, Des at Carol", nong binanggit ni coach yong napili nito di ko alam pero parang ayaw ko na ring pumunta. Gusto ko pa naman makasama si Daks sa trip na 'to.

"Ara okay ka lang ba? Ayaw mo bang napili ka? Di ka ata masaya?", pagtatanong ni coach sa akin.

Siniko naman ako ni Mika para makuha ang atensyon ko.

"po? Masaya po coach", tyaka ako ngumiti.

"oh sya maiwan ko na kayo. Pero yong mga napili ha. Bukas training tayo agad.", bilin sa amin ni coach. Tumango lang naman ako.

Sila wafs naman super excited.

"ba't ka nakabusangot?", tanong nito sa akin ng makaalis si coach.

"oo nga Ara. Boracay yon. Daming chicks", nakangiting tugon ni Ate Kim. Sinamaan naman sya ng tingin ni Mika. Nagpeace sign lang naman ito.

"di ka makakapang-chicks don. Kasama si FO.", asar ko rito. Nakakainis buti pa sya kasama si FO. Samantalang ako mag-isa lang.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon