MTE 34

2.3K 35 17
                                    

MTE 34

Mika's PoV

After naming malaman ang totoong nangyari sa kanya halos lahat kami hindi makapaniwala. Sa three years na magkasama kami wala man lang akong kaalam-alam na may sakit sya. At pangalawang beses na 'tong nangyari.

Ganun na lang ba yon? Ngayon di ko alam kung san mag-uumpisa o pano sya pakitunguhan. Namimiss ko na sya, ang sakit isipin na yong kinakatakutan ko noon ay nangyari na.

Yong magkakasalubong kami na parang wala lang sa kanya. Gustong-gusto ko na syang yakapin. Isang taon rin.. Isang taon rin akong nag-antay sa pagbabalik nya.

Tatlong araw na rin simula ng lumipat sya dito sa dorm. Mailap sya samin. Halos di mo makausap.

"kaya pa?", Sabay upo nito sa tabi ko at abot ng towel. We're having our morning exercise dito sa quadrangle ng school.

"kaya ang alin?", nagtataka kong tanong rito at tanggap ng towel nito.

"alam mong wala kang matatago sa akin.", sagot nito. Napabuntong hininga na lamang ako.

"ang hirap. Alam mong andyan sya pero di mo naman magawang gawin yong mga nakasanayan nyong dalawa.", sagot ko rito.

"know what pwede mo naman sabihin sa kanya yong nakaraan nyo para at least alam nyan may nasasaktan sya sa ginagawa nya.", suhestyon nito.

Sana ganun kadali. Sana ganun kadaling sabihin na 'Ara, ako yong girlfriend na naiwan mo. Naalala mo ba?' sana ganun kadaling sabihin ang katagang yan.

"di naman ganun kadali yon Cams. Tingin ko naman nahihirapan din sya.", nakikita ko namang ang ilap nya sa amin. Halos di mo makausap ng matagal. Halos tango lang sinasagot nito pagkinakausap ng team.

"at ikaw hindi?", di ko alam kung anong nais ipunto ni Camille, pero buhat ng bumalik si Ara ganito na ang trato nya rito. Iniiwasan nya. At kung maari ayaw nyang nakakasama ito.

"intindihin na lang natin sya.", sagot ko rito at sabay tingin kung nasan andun si Ara.

Mag-isa lang itong nakaupo sa bench at nakayuko.

Gusto ko syang lapitan, gusto ko syang kausapin. Sobrang namimiss ko na ang Ara ko.

"hanggang tingin ka na lang? Ba't di mo lapitan?", utos nito sa akin.

Ilang beses ko na ba syang nilapitan? At ilang beses na rin nya akong subukang iniwasan?

Dapat pa ata akong magpasalamat kay coach sa pagiging captain ko, dahil don nagagawa nyang sumagot sa mga tinatanong ko.

Tumayo na ulit ito at nagjog. Pero nag-iisa lang ito. Pagsinasabayan sya ng mga teammates namin its either binabagalan nya o binibilisan nya ang pagtagkbo para hindi sya makasabay.

Tumayo na rin ako at akmang aalis ng hinawakan ni Camille ang kamay ko kaya napatingin ako sa sakanya.

"you know I'm always here.", sa pagkakasabi nito mahihimigan mo ang sensiridad.

Ngumiti na lang ako at tumango bilang tugon sa sinabi nito. Oo, lagi syang andyan. Simula nong umalis si Ara si Camille na laging andyan para sa akin. Sya yong laging andyan pag nararamdaman kong wala si Ara, sya yong nagdadivert ng atensyon ko when i feel like crying again, sya yong nagmumukhang tanga mapatawa at mapangiti lang ako.

At sa mga simpleng bagay gaya ng pagtulong sa akin sa mga requirements ko sa school, sya yong sumasalo sa akin pag lagi akong napapahamak. Sa loob ng isang taon camille has been around. She has been my savior.

"Thank you Cams.", lingon ko rito ng medyo makalayo na ako sa kinauupuan namin. Tumayo na rin ito at sinabayan akong mag-jogging.

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na di mo kailangang magpasalamat ha?", tyaka ako nito nginitian at ginulo ang buhok ko.

"camille!!", sigaw ko rito. Di lang kasi basta paggulo ng buhok ko ang ginawa nya. Ginawa nya akong baliw sa ayos ng buhok ko ngayon.

Ngayon naghahabulan kami paikot dito sa quadrangle.

Kahit papano dahil sa kanya gumagaan ang loob ko sa sitwasyon na meron kami ni Ara ngayon.

"ganyan na ba pagCaptain? Lalampa-lampa na? Di na magawang makahabol? Papeteks-peteks na lang?", pang-aasar nito. Habang tumatakbo pa rin.

Nagawa pang mang-asar.

"mag-antay ka lang, pag ikaw naabutan ko bugbog ka sa akin.", sigaw ko rito. Ang layo na kasi.

Naghabalon lang kami paikot. Ang bilis talagang tumakbo ng babaing 'to.

Nang bigla na lang akong may natisod na bato na dahilan para madapa ako, kailan pa nagkaron ng bato rito?

"shit!", singhal ko.

"ayos ka lang?", tanong ng napakapamilyar na boses. May pag-alala ang boses nito.

Talaga bang nag-aalala sya? Talaga bang tinanong nya ako kung ayos lang ako?

"makakatayo ka ba?", para namang umurong ang dila ko. Ito ang unang beses na lumapit sya sa akin at kinausap ako.

Inalok nito ang kanang kamay nya para alalayan akong tumayo. Pero bigla na lang kumirot ang tuhod ko.

Lumuhod naman ito. Kaya medyo napaatras ako.

"anong ginagawa mo?", nagtataka kong tanong rito.

"may sugat ka.", sabay labas nito ng towel nya at dinampi sa tuhod kong may sugat.

"okay ka kalang?", napano ka? May pag-aalalang tanong ni camille ng makalapit sa amin.

Tumayo naman si Ara sa pagkakaluhod nito.

"okay lang ako Cams. Nadapa lang ako.", sagot ko rito tyaka ngumiti.

"sa susunod mag-iingat ka. Di na kung ano-anong pinaggagawa mo.", poker face nitong saad sa akin.

Kumunot naman ang noo ni Camille sa sinabing yon ni Ara. Pero di nya na lang pinatulan at hinarap ako ulit.

"kaya mo bang maglakad? Balik na tayong dorm, andun na rin yong iba.", aya nito sa akin.

Kaming 3 na lang pala ang natira dito.

Nakatayo lang si Ara. Di nagsasalita at nakatingin lang sa akin.

Sinubukan ko namang ihakbang ang paa ko pero kumikirot ang sugat nito ngunit kaya ko pa naman maglakad. Kaso nga lang iika-ika ako. Nasa likod lang naman namin si Ara.

Nakaalalay lang naman si Camille sa akin.

"sampa na.", utos nito sa akin. Bigla na lang sya humarang sa harap ko.

"Ha?", takang tanong ko rito.

Tyaka ito tumalikod at nagbend sa harap ako.

"sampa na.", Ulit nito wala akong emosyon na nababasa sa himig nito. Napakaplain ng pagkakasabi nito.

"kaya nyang maglakad.", sabat ni Camille rito.

Pero parang walang narinig si Ara at kinuha ang kamay kong nakaakbay kay camille at nilagay sa balikat nya. Tyaka ako binuhat.

Sumunod na rin si Camille sa amin, pero halata sa mukha nito ang pagkainis

****
@AkoSiEJ06

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon