MTE39

2.2K 38 14
                                    

MTE 39

Mika's PoV

"hoi wafs!", tawag ko rito ng mapag-isa kaming dalawa rito sa bench.

"oh bakit?", tanong naman nito habang nagpupunas ng pawis. Kasabay namin ang AirAsia sa pagtitraining ngayon. At magkakaron kami ng match after ng water break namin

"Anong sabi ni coach?", tanong ko rito. Alam ko namang walang sinasabi si coach na magpalit sila ng room. Pero nagapapasalamat ako at sya na mismo nag-alok na magpalit sila.

Ngumiti naman ito. So okay na? Roommate na kami ulit? Kahit naman kasi gusto kong makipagpalit ng kwarto sa isa sa mga kambal o kay Des para makasama sya di ko naman magawa. Baka kung anong isipin nila at baka mailang si Ara.

"ayos na.", ngiting sagot nito. Kaya napayakap na lang ako. Sorry naman excited e.

"hoi miks bitawan mo nga ako. Mamaya ano pang isipin nila.", sabay kalas nito sa yakap ko pero mas hinigpitan ko.

"thank you talaga kimmy. First step. Thank you.", kung para sa kanila maliit na bagay lang ang pagpapalit ni kim at Ara ng kwarto para sa akin napakalaking bagay non.

"Oo na. Pero bitaw na ang sama na ng tingin nya sa akin.", bumitaw na rin ako. Sino naman kayang tinutukoy nito.

"sino?", tanong ko rito. Ngumuso naman ito kung nasan si Ara na nagpupunas ng pawis. Asan naman yong masama ang tingin don e nakatingin nga sa team ng AirAsia.

"sira! Kita mong busy nga oh. Asan ka namang tatapunan ako ng tingin nyan.", sagot ko rito. At ito nanaman ako nakatingin lang sa kanya. Lumapit naman si Bang rito at may binato.

Ano nanaman kaya yon.

"salubong nanaman kilay mo. May binigay lang e. tyaka totoong sa atin sya nakatingin kanina.", pilit pa nito.

"ewan ko sayo. Tssss!", sa iba nagagawa nyang ngumiti samantalang akong girlfriend di nya magawang kausapin.

"AY ARA!", gulat kong pagkakasabi.

"sorry. Nagulat ba kita?", minsan talaga itong si Cams may lahing kabote. Sulpot ng sulpot.

"tawa pa!", banta ko naman kay Ate kim. Makatawa e.

"thank you cams.", baling ko naman kay Camille at inabot ang malamig na gatorade na dinikit nito sa braso ko na dahilan ng pagsigawa ko kanina.

Ng ibalik ko ang tingin ko kay Ara nakatingin na 'to sa akin na para bang nagtatanong. Na para bang tinawag ko sya.

Si Ate Kim naman tawa pa rin ng tawa.

"wafs ano ba. Kanina ka pa tawa ng tawa. Ano bang nakakatawa?", kunyari ko ng naiinis na saad rito. Para kasing nakasinghot ng katol e.

Pero nagulat na lang ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya napaharap ako rito.

"bakit Miks?", si.. Si Ara? Anong bakit? Tinawag nya ako ng miks?

Ara's PoV

"Oh!"

"Aray naman! Makabato ah. Problema mo?", batuhin ba naman ako ng polo ko. Buhay pa pala 'to.

"Sinasauli ko na.", nakangiting saad nito. So kailangang ibato ganun?

"di ka ba marunong magsauli ng maayos? Kailangang ibato?", nakangiti ko namang sagot rito.

"marunong naman. Pero mas gusto kong batuhin ka.", napa-face palm ata ako sa utak ko sa sinabi nyang yon.

"so masaya ka na ganun?", sagot ko naman rito.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon