MTE 46

2.3K 33 8
                                    

MTE 46

Mika's PoV

"Good morning babe!", bati nito sa akin kaya napatingin ako sa tabi ko. Nakaupo lang ito sa sahig at nakapangalumbaba sa aking kama. Ang lapad ng ngiti nito.

"Good morning.", ganting bati ko rito. "anong ginagawa mo dyan?", nagtataka kong tanong.

"Pinagmamasdang matulog ang pinakamagandang nilalang isa buong mundo.", pambobola nito sa akin. Ayaw ko man ngumiti sa sinabi nito pero di ko maiwasan.

"puro ka bola. Ang aga-aga.", sita ko rito. Tumaas naman ang dalawang kilay nito.

"di ako nambobola. Totoo ang sinasabi ko.", depensa naman nito sa sarili nya. She sounded like a kid.

Umupo na rin ako paharap rito. Pero di pa rin ito gumagalaw sa pagkakaupo nito hanggang sa may kinuha ito sa tabi nya at inangat ang isang maliit na cake na may isang kandilang nakatusok.

Sinindihan nya naman ang kandila at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"I don't know how you celebrate your birthday every year, pero sana let me start your day with this. Happy Birthday babe!", at sabay angat nito ng cake ng dalawang kamay nya. "blow it and make a wish.", utos pa nito. Pinikit ko naman ang mga mata ko at humiling sa Dyos na sana kahit anong pagsubok na dumating sa amin in the end mahanap namin sa puso namin kung gaanu namin kamahal ang isa't-isa. Pagdilat ko nakatingin lang ito sa akin. Nginuso naman nito ang kandila, telling me na hipan ito.

"Thank you babe. Akala ko di mo alam.", saad ko rito matapos kong hipan ang kandila. Honestly di na ako nag-eexpect na alam nya.

"I have my ways. Makabawi man lang sa isang taong pagkawala ko.", tyaka nito nilapag ang cake sa side table.

"11months lang babe.", pagtatama ko rito. Bigla namang sumeryoso ang anyo ng mukha nya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Be it 11 months or 1 month. Di maalis non yong katutuhanang minsang iniwan kita. How I wish I could turn back time para nasabi ko sayo ang sakit ko para di na kita nasaktan nong mga panahong wala ako. ", seryosong pagkakasabi nito. At mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Nakaupo parin ito sa sahig at ako naman dito sa kama ko.

"Marami akong gustong ipagpasalamat sayo. Pero kung iisa-isahin ko pa baka abutan na tayo ng graduation mo di pa ako tapos.", sabay pagbibiro nito. "Basta, salamat sa lahat. At di sapat ang salitang salamat at ang maliit na cake na yan para ipadama ko sayo kung gaanu ako kagrateful na may isang Mika Aereen Reyes sa buhay ko. Mahal na mahal kita miks. I really do. Maaaring wala akong maalala pero ramdam ko sa puso ko na ikaw lang ang kayang mahalin nito.",di ko alam paano magrereact sa mga sinabi nito. Ang alam ko lang parang lalabas na ata ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Di na ako nagsalita pa at hinila na lang ito palapit sa akin.

"I love you Victonara.", bulong ko rito. Kumawala naman ito at tiningnan ako.

"ba't ganun pag ikaw nagsasabi ng pangalan ko kinikilig ako?", sabay ngiti nito.

"Old school!"? Tukso ko rito. Pero nakangiti pa rin ito.

"Yah yah! Whatever.", tanging sagot nito.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto namin at niluwa ang buong team. May mga balloons ang mga ito, isang green cartolina na may nakasulat ng Happy Birthday Mika <3! Na hawak-hawak ni Camille.

"HAPPY BIRTHDAY DYOWSA KAPITANA!!!", sabay-sabay nilang sigaw. Bigla tuloy sumikip yong kwarto namin. Magkaron ba naman ng malalaking tao.

Tumabi naman si Ara sa akin sa pagkakaupo sa kama at hinawakan ako sa beywang at nilapit sa tabi nito.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon