MTE-17

3.1K 54 9
                                    

MTE 17

Ara's PoV

Nakakapagod 'tong week na 'to. I can consider this as a hell week. Only for us athletes thou. Ito kasi yong time kung saan cramming kaming lahat sa dorm. Aside sa fact na finals week na may extra pa kaming ginagawa like fulfilling the classes we missed because of the season. Passing requirements and reports.

"you okay?", tanong sa akin ni Carol. We're here sa Jollibee along Dorm inaantay si Mika at Cienne.

"yah. I guess", sagot ko.

"masakit ba ulo mo? Kanina mo pa kasi hawak yang sintido mo.", may pag-aalala nitong tanong.

"Stress lang sa school papers", sagot ko.

"c'mon ars. Di ko naman bino-voice out pero lagi kitang nakikita hawak yang ulo mo. And ate aby told me bago sya umalis sa dorm to watch you. Di ko alam anong ibig nyang sabihin by that", halata sa boses nito ang pag-aalala.

"okay lang ako bulls, dahil lang talaga 'to sa dami ng ginagawa natin", nakangiti kong sagot.

"okay. Sabi mo e. Asan na daw sila?", pag-drop nito sa topic.

"coming", nakangiti kong sagot.

"next week daw may announcement si coach. About sa invitation na narecieve natin regarding sa Nestea Beach Volley.", sambit ni Carol

"i heard nga. Boracay right? Sana lahat tayo kasama. Hahaha!!", tugon ko rito.

"hope so. Pero for sure 3 players lang isasama ni coach. Tingnan na lang natin sino.", sagot nito.

Nag-uusap lang kami ni Carol ng lumapit sa amin sila Thomas, Niki at Tin.

"oi pangit long time no see. Nakaorder na kayo?", sabay hug sa akin nito.

"hello, ars and carol", bati ni Thomas at Niki sa amin.

"hello sa inyo.", nakangiting bati ni carol sa kanila.

"bans bitaw na, ang clingy mo talaga. Tyaka order agad? Upo ka kaya muna", kunyaring tinutulak ko sya palayo. "Hello thom and niki.", bati ko kina Thomas.

"oi thom thank you pala ulit last night ha at yong sa mga days na tinulungan mo kaming magprepare?", baling ko kay thomas. Umupo na rin sila sa table namin. Malaki naman yong table na napili namin kasi nga inaantay namin sila Mika.

"ano ka ba, wala yon. Basta ba ikasasaya mo", tyaka ito ngumiti sa akin. Sa di ko malamang dahilan gumaan yong loob ko sa ngiti nya. Nakakahawa yong mga ngiti nya.

"pero thanks talaga.", tyaka ako ngumiti ulit sa kanya. Nasa tapat ko sya at si Niki. Nasa tabi ko naman si Carol at Tin.

"pangit ba't sa kanya ka lang nagti-thank you? Pano naman kami? Ano 'to favoritism?", kunyaring pagtatampo ni Tin. Sarap talagang piktusan nitong pinsan ko. Tumawa naman ng bahagya sina Carol at Niki.

Pinisil ko na lang magkabilang pisngi nito. "sagot ko na kain mo ngayon. Para wag ka ng magtampo.", habang pisil ko pa rin magkabilang pisngi nito. Natatawa naman na sila Carol.

"Aray naman pangit. Bitaw na. Ang sakit na oh", at hinampas nito ang magkabilang braso ko.

Binitawan ko naman na ito at hinimas himas nya na magkabilang pisngi nya. Natatawa na lang ako.

"tinatawa mo dyan?", pagtataray nito.

"ang cute mo baby.", ngiting komento ni Niki rito. Inirapan lang naman nya.

"ang harot nyo talagang magpinsan. Kung di ko lang alam na magpinsan kayo iisipin kong may something sa inyo. Nadali na nga ako nyan dati e.", pahayag ni Carol.

"hahaha!! Ganito lang talaga kami. Ang kulit kasi nito.", kukurutin ko sana ulit ang pisngi nito kaso sinamaan na ako ng tingin kaya inangat ko na lang ang mga kamay ko na parang sumusuko.

"may inaantay ba kayo? Ba't di pa kayo umuorder?", tanong ni Thomas. Kung di pa sya nagsalita, di ko pa malalaman na kasama pala namin sya. Ang tahimik kasi.

"oo nga arabella. Mukhang kanina pa kayo rito.", si niki.

"ah kasi inaantay namin sila Mika. Kaya di pa kami umuorder", nakangiti kong sagot.

"pero ars kanina pa yon. Text mo nga ulit. Gutom na rin ako. Mauna na tayong umurder. Order na lang natin sila pag dumating na.", si carol na halatang gutom na nga. Nakonsensya naman ako.

Asan na kaya sila Mika.

"sige oder ka na para sa ating lahat. Itong bayad oh. Tatawagan ko na muna.", tyaka abot ko rito ng pera. Aabutin na sana ni Carol ng magsalita si Thomas.

"wag na Ars. Ako na.", volunteer nito. Tyaka ito tumayo at hinatak si Niki.

"makahatak naman Thomas", reklamo ni Niki.

"oi nakakahiya naman. Ako na. Pa thank you ko sa tulong nyo.", kaso di naman ako pinakinggan hinatak nya na si Niki sa Counter.

"labas muna ako. Tawagan ko lang si Mika.", paalam ko kina Carol at Tin.

Kaka-dial ko sa phone ko di ko namalayan na may nakasalubong na pala ako at nakabangga ko tuloy.

"kuya sorry", hingi kong paumanhin. Pag-angat ko ng paningin ko, nagulat naman ako.

"okay lang Ara.", ngiting sagot nito.

"oi kief. Anong ginagawa mo rito? ars okay ka lang?", andito na pala agad si Thomas. Ang bilis naman nito.

"yah okay lang ako. Ako nga nakabangga sa kanya e. di ko napansin.", tyaka ako yumuko. Nakakahiya naman kasi.

"oi Ara okay lang talaga. Di big deal.", nakangiti pa ring pahayag nito. "May kikitain lang Pare. Kaya ito napasugod", baling nito kay Thomas.

"naks naman. All the way from Katipunan.", pang-asar ni Thomas.

"oi guys excuse lang ha. Labas muna ako. May tatawagan lang. Tyaka lipat kayo don oh. Nakaharang tayo sa daan", singit ko sa kanila at ngumiti.

Tumawa naman silang dalawa.

"tsismoso kasi nitong Boyfriend mo e", sagot ni Kiefer.

Ano daw? Boyfriend?

"sira ulo ka Pare. Di ako boyfriend ni Ara. Kaibigan lang kami. Issue ka talaga. Halika na nga.", hila ni Thomas dito. "sige Ars tawagan mo na.", baling nito sa akin.

Nag-nod na lang ako at lumabas na.

****
Matutuwa po ako kung mag-vovote din po yong mga silent readers natin dyan... ^__^

Comment din po kayo about sa story kung naguguluhan man kayo o ang pangit na ng flow ng story...

Love love love po!!!

'tong chapter na 'to para sa unang reader ko na nakaharutan dito sa wattpad at sa twitter... You know who you are... ^_____^
*****

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon