MTE 20

3.3K 38 3
                                    

MTE 20

Ara's PoV
Ngayon yong alis namin papunta ng Boracay. Kanina pa kami dito sa Airport nag-aantay ng flight namin to Caticlan.

Natatawa na lang ako sa mga bilin ni Babe kanina bago kami pumasok dito sa departure Area.

Flashback earlier...

"babe, mag-iingat ka don ha. Wag na wag kang titingin sa iba kundi piktos ka sa akin. Wag na wag kang sasama kay Ate Kim pag lumabas yan ng gabi", sunod - sunod na bilin nito.

"tyaka yong para sa migraine mo dala mo ba? Dapat lagi mong dala yon, mainit ang panahon ngayon baka biglang sumakit ang ulo mo. Wag kang papatuyo ng pawis ha? Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ka sa oras.", dagdag pa nito.

Nang silipin ko mga kasamahan namin halos lahat sila natatawa na. Pero ako syempre hindi. Kinikilig nga ako e. minsan lang kung makapagbilin 'to.

"anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan?", nakataas nitong kilay na tanong.

"kasi po ang thoughtful mo. Ang sweet mo. At higit sa lahat ang daldal mo ngayon babe.", bigla naman dumilim yong expression ng mukha nito sa huling sinabi ko.

Yong kaninang nagpipigil ng tawa na mga kasamahan namin tumawa na lahat. Sinamaan naman sila ng tingin ni Mika.

"grabe ka kung makapagbilin bulls, anong akala mo dyan bata?", panunukso ni Camille rito.

"yong bilin mo kala mo ilang taong mawawala ah. 5 araw lang mawawala e.", dagdag naman ni Ate Alex.

"syempre ate Alex wala ako ron. Baka mamaya mapabayaan nya ang sarili nya don AT baka mamaya san san tumingin 'to e. Tas hello beach Volley yon.", sagot nito sa kanila.

Di talaga paawat 'tong daks ko. Kinikilig ako promise. Dapat kasi kasama na lang sya e.

"dapat kasi babe kasama ka na lang.", sagot ko rito.

"kung pwede lang sana e. pero ikaw ha? Wag na wag kang maglalandi. Naku ka Ara kahit mahal kita hahambalusin kita pag-uwi mo.", pagtataray nito.

Natatawa na lang ako.

"takot lang mawala wafs?", panunukso ni Ate Kim kay Mika.

"Takot talaga. Kaya ikaw wag na wag kang mawawala. Wag na wag mo kong pagpapalit kundi lagot ka sa akin.", seryoso nitong pagkakasabi.

Sa halip na kiligin ako. Bigla tuloy akong nabahala at naalala ang sakit ko. Pero di ko muna iisipin ngayon yon.

"Wafs akong bahala dito kay wafs Ara. Babantayan ko 'to.", tyaka umakbay si Ate Kim sa akin. Napangiti na lang ako.

"grabe kayo kung magpaalamanan kala mo wala ng bukas. Oh sya pumasok na kayo at magcheck-in. Baka maiwan pa kayo ng flight nyo. Uwi na rin kami.", Turan naman ni Ate Mowky sa amin. Nauna na kasi sila coach kahapon, may meeting pa kasi silang mga officials ng participating schools para sa game.

Kaya yinakap ko na si daks at kumawala sa akbay ni ate kim.

"mag-iingat ka ha. Kumain sa oras. Wag kang mag-alala. Babalik naman ako e. I love you... Always..", bulong ko rito.

"I Love you too.. Always". Bulong rin nito..

End of flashback...

"wafs kung di lang kita kaibigan iisipin ko na talagang baliw ka.", sita sa akin ni Ate Kim.

Andito na kami sa Hotel kung san lahat ng player naka check-in pati ibang school. At katabi lang namin ng room ang UST team at Ateneo Team.

"oo nga ate ara, simula sa departure area hanggang sa makarating tayo dito sa Hotel yong ngiti mo ayaw maalis aa mukha mo.", puna na rin ni Des sa akin.

"yaan nyo na. Hanggang ngayon HIGH pa din yan sa mga bilin ni mika kanina.", natatawang sabat ni Carol sa kanila.

"e ba't ba sa kinikilig ako sa babe ko kanina e.", sagot ko sa kanila.

Aray ko naman wafs. Masakit naman yon", batuhin ba naman ako ng unan.

Bigla namang parang may kumirot sa ulo ko kaya napahawak na lang ako rito. Bearable pa naman. Kaya di ko na lang pinapahalata.

"hahaha!! Ang landi mo kasi. Natawagan mo na ba?", si ate kim.

"di pa. Tatawagan pa nga lang. Labas lang ako saglit ha.", paalam ko sa kanila.

Bago ako tuluyang lumabas nagbilin pa si Ate Kim.

"ingat sa chicks.", nakangisi nitong bili. Loko-loko talaga.

Nakita ko namang binatukan sya ni carol ng tuluyan na akong makalabas.


Paglabas ko ng kwarto agad ko namang denial ang number ng babe ko. Nakailang ring pa lang sinagot nya na agad.

"Hello babe, andito na kami. Nakakapagod ang byahe. San na kayo?", paglalambing ko rito.

"andito na kami sa dorm babe. Kadarating lang din namin. Kumain pa kasi kami sa labas bago umuwi. Di ba sumakit ulo mo pag sakay mo ng bangka?", tanong nito.

Alam nya kasing nahihilo ko pag sumasakay ng ano mang sasakyan pan dagat.

"di naman babe. Nagtaka nga ako e.", sagot ko rito.

"babe yong mga bilin ko ha? Behave. Napakahot mo pa naman sa Volley uniform mo. At wala ako dyan para bakuran ka.", di ko naman di mapigilan na di matawa sa sinabi ng babe ko.

"di ko alam babe pinagnanasaan mo pala ako.", panunukso ko rito. At sigurado kong namumula na 'to.

"di ah.", tanggi agad nito. Kaya mas lalo pa tuloy akong napatawa.

"pinagtatawanan mo ba ako?", bigla na lang pagtataray nito. Ang cute talaga ng babe ko. Iniimagine ko pa lang na nagtataray ito.

"hindi ah.", deny ko na rin.

"hindi raw e rinig na rinig ko yong tawa mo. Hoi Victonara wag na wag mo kong niloloko.", hala sya Victonara na.

"sorry na babe. Di na kita pagtatawanan. Isa pa behave ako promise. Alam mo naman yong mga mata ko ikaw lang gustong tingnan. At yong puso ko ikaw lang laman nito.", sagot ko na rin sa kanya. Ako na corny. Wala e in love.

"corny mo talaga babe.", natatawa nitong sagot. "e pano naman yong laman ng utak mo? Baka iba din laman nyan ha.", bigla na lang akong kinabahan at natahimik sa sinabi nito.

"natahimik ka? Aba't Victonara kung ganun iba nga nilalaman ng isip mo.", by this time alam kong nakataas na ang kilay nito. Ang bipolar ko talaga. Kung kanina kinakabahan ako ngayon naman natatawa na ako.

"babe, kasi ang utak pweding makalimot yan. Pero ang puso ko hinding-hindi ka malilimutan nito.", seryoso kong pagkakasabi. Bigla naman itong nag-giggle.

Well, i know its kinda corny and old pero totoo naman yon.

"kinikilig ang babe ko.", panunukso ko rito.

"he!!!", tanging singhal nito. Natatawa pa rin ako.

"Sige n babe. Tawagan na lang ulit kita bukas. Gabi na rin. Magpahinga ka na ha. Wag magpupuyat. I love you... Always..", paalam ko rito.

"ikaw rin babe. Matulog agad. Wag ng lalabas. I love you too... Always", paalam na rin nito. Pinatay ko ang tawag at tinago ang phone ko.

Tinanaw ko muna napakagandang view ng front beach ng Boracay bago ako tuluyang bumalik ng Hotel.

"Mahal na mahal kita Mika. And I'll do everything para lang gumaling ako.", wala sa sarili kong sabi.


Papasok na ako ng kwarto namin ng makasabay ko rin si Denden na papasok rin sa kwarto nila. Nagkatinginan lang kami at ngumiti sa isa't-isa bago tuluyang pumasok sa kanya-kanya naming silid.

******
pambawi sa mga panahong napabayaan ko ang una kong FF... Pagpasensyahan nyo na lang kung maiksi. Feeling ko kasi pag nagtatype ko dito sa phone ko ang haba na... Hahaha!!! Anyway enjoy!!!

Follow me on twitter @JustSoYouknow06

Kulitan tayo don... ^_____^

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon