MTE 27

2.4K 26 2
                                    

MTE 27

Mika's PoV
Natapos ang birthday ng mama ko na walang Ara ang lumitaw. After that call hindi na sya nagparamdam. Tinawagan ko si ate kim ngunit sabi nito sinundo daw sya ng kuya nya at sinabing susunod na lang.

Tinatawagan ko rin ang number nito pero walang sumasagot. Nakaisang daang messages na ata ako ngunit wala pa rin itong reply. Nag-aalala na ako.

Ara asan ka na ba?

"wala pa rin bang tawag o text man lang?", tanong sa akin ni Kuya. Andito lang ako sa buhanginan nagpapahangin.

Umiling lang ako bilang tugon.

"sabi mo sinundo ng kuya nya, baka may emergency lang na pinuntahan.", pagpapagaan ng kuya ko sa loob ko. Yon na nga emergency.. Pano ako mapapanatag?

"pero di ganun si Ara kuya. Sinisigurado nitong magtitext sya kung di sya makakarating o may pupuntahan syang iba", tama, di ganun si Ara. Kahit kailan di sya yong nagsasabing pupunta tapos di nya tutuparin.

Lagi nyang tinutupad lahat ng sinasabi nya kahit gaanu pa 'to kahirap gawin.

"tatawag din yon. Sige na magpahinga ka na. Balik practice na kayo ulit sa susunod na araw.", utos ng kuya ko sa akin. Tumango na lang ako.

Halos buong party wala akong ginawa kundi ang e text at tawagan sya. Pero di ko na pinahalata kina mama. Its her birthday kaya dapat nag-eenjoy kaming lahat. Pero pano ako mag-eenjoy kung yong taong inaantay ko di man lang dumating ni di magawang tumawag.

"halika na. Mahahamugan ka rito.", aya ulit sa akin ni kuya. Di na rin ako nagprotesta at sumunod na lang sa kanya.

..

..

..

..

"san lakad mo? Ang aga mo naman ata?", tanong sa akin ng mama ko pagkalabas ko ng kwarto ko.

Pupunta ako kina Ara ngayon sa Pampanga. Di talaga ako mapakali. Its not Ara. Di sya yong pag-aalalahanin ako ng ganito.

"Pupunta po ako sa Pampanga ma.", pagpaalam ko.

"Pampanga? Anong gagawin mo ron?", halata sa mukha ng mama ko ang pagtataka.

"pupuntahan ko po si Ara.", saad ko.

"ba't kailangan mong puntahan si Ara e babalik na kayo bukas ng dorm.", pag-uusisa ng mama ko.

"ma kasi may gagawin pa sila ni Ara para bukas. Kaya pupuntahan nya si Ara.", singit ng kuya ko sa usapan namin ng mama ko.

"sige pero wag magpapagabi. Umuwi agad. At perry ipagdrive mo na ang kapatid mo para makauwi kayo agad.", utos sa amin ng mama ko. Di na ako tumutol pa.

"sige po ma.", at tuluyan na akong lumabas ng bahay namin pero bago pa man ako makalabas..

"okay ka lang ba anak?", may pag-aalala sa himig ng boses ng mama ko. Tumango lang naman ako bilang sagot.

"sige mag-iingat kayo. perry mag-iingat sa pagdrive.", bilin ng mama ko.

"sige po ma. Balik din po kami agad.", paalam na rin ng kuya ko.

Sumakay na ako agad ng kotse namin pagkalabas ko ng bahay. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi makarating ng Pampanga. Kung kagabi nag-ri-ring pa ang number ni Ara ngayon hindi na. Cannot be reach na ito kaya mas lalo akong nag-aalala.

"don't worry too much. Baka may emergency lang sa pamilya nila.", pukaw ng kuya ko sa atensyon ko. Nakatingin lang ako sa labas. At kanina pa kami nasa byahe.

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon