MTE3

4.7K 44 0
                                    

Malapit na mag-simula ang Volleyball season. Puspusang training na rin kami. Parusa na rin siguro namin 'to kasi di namin nadefend sa UNIGAMES yong championship title. Ang masaklap pa. Sa semis kami nalaglag at hindi sa finals tas 3 straight sets pa. Kaya todo insayo kami ngayon. Sana lang di na maulit yon.

"Daks, malunod ako ha.", nagtaka naman ako. Tas inabutan ako ng gatorade.

"Ha?", takang tanong ko at inabot yong gatorade.

"Kasi naman ang lalim ng iniisip e. Sino ba yan? O tungkol pa din yan sa UNIGAMES",paliwanag nya.

Ganun na ba ka-obvious yong thoughts ko at nalaman nya agad?

"Wag mo na kasing isipin yon. Tapos na yon oh. Move forward."

Oo nga naman. Ba't ko ba kasi iniisip pa yon e tapos na. Isa pa binigay naman namin ang best namin.

"Oo na. Di ko naman iniisip e.", pagpapalusot ko. Tas abot ng towel sa kanya. "Magpunas ka nga ng pawis mo." Inabot naman nya ito at nagpunas ng pawis nya.

"Oh, tapos na ang break. Start na ulit", sigaw ni Coach Ramel.

At nag-start nga ulit kami.

"Ara, wag puro palo ang gawin. Kailangan mo rin e-anticipate yong move ng kalaban.", puna sa akin ni coach.

Nag-nod lang naman ako. Nag-start ako as open hitter pero ngayon mas pina-polish ni coach yong play ko. Nagiging all around na.

"That's it for today. Magpahinga na kayo", pagtatapos ni coach sa training namin.

"Wafs pagod?", tanong sa akin ni Ate Kim. Nag-nod lang naman ako.

Pagod talaga. Ikaw ba namang maghabol ng bola para lang ma-save. Libero lang ang peg? Tapos pagpaluin ng paulit-ulit? San ka pa diba?

"Daughterf okay lang yan. Bet ka ni coach ngayon e.", pag-aalo ni motherf.

"Tara na sa dorm para makapagpahinga na rin.", aya ni Camille

"Ate Abs. Sa labas na lang po tayo kumain para di na po tayo magluto.", yaya ni daks.

Di talaga ako nag-sasalita muna. Pagod kaya ako. Sunod lang ako kung san nila gusto.

"Oo nga Ate aby.", sang-ayon naman ng ibang LS.

"Halika na daks. Ako ng mag-bibit ng bag mo.", sabay abot sana ng bag ko, pero iniwas ko.

"Hala daks, ako na. Kaya ko naman 'to", pagtanggi ko. Kita ko namang mukhang magsusungit naman sya.

"Ano ka ba. Ako na. Ikaw yong paborito ni coach ngayon e. Nong ako nga yong pinagod ni coach ikaw lahat nag bitbit ng gamit ko tap...." Tinakpan ko na bibig nya at inabot sa kanya yong bag ko.

Ang daldal lang e. Kung sabagay nong isang linggo sya nga yong pinagod ni coach. Halos ayaw pagpahingahin. Masyadong pina-polish yong blocking skills nya.

"Buti naman binigay mo na. Kala ko magtatagal pa tayo dito sa speech nya e. Hahaha!", panunudyo ni Ate Kim.

"Aha!", sang ayon naman ng kambal.

"Kayo talaga."

"Lego na girls. So hungry na. Lika na daks." Aya ni bakulaw. Ang bibo talaga. Parang di napagod.

"Kailan ka ba di gutom?", pananabla ni cienne

Bigla namang tawanan ng mga kasamahan namin. Ako ngumiti lang. Mahirap na mabatukan, pagod pa naman ako ngayon. Hahaha!!

"Naku ciennang. Trip mo ko ha.", sabat nya.

"So ano po mga ate? Magdadaldalan na lang po ba tayo o papasok na sa Jollibee?", putol ni Kim Dy sa kanila.

Di namin namalayan nasa tapat na pala kami ng jollibee. Ang kukulit lang kasi namin. Hahaha! Ay sila lang pala. Nakikinig lang ako.

"Natuto na ang mga babies.", panunukso ni ate mowky.

"Kaya nga e. Nagigung bully na rin. Nahahawa na dito sa bullies", sabat naman ni Ate Cyd.

"Oh ba't kami nanaman nakita nyo?", pagtatanggi naman ni Carol.

"Hahahaha! Tama na yan gutom na ko.", sabat ko sa usapan nila.

"Hala! Andyan ka pala arabella?", pang-aasar naman ni camille. At nagtawanan ang mga loko-loko.

Pag ganito lagi kasama mo sigurado yong pagod mo mababawasan. Hahaha!!

"Wag nyo ngang pinagkakaisahan 'tong daks ko.", pagtatanggol naman ni Mika sa akin.

New 'to ah. Usually kasi gagatungan nya pa. Natuwa naman ako.

"Wag kang matuwa daks, ngayon lang 'to.", biglang bawi nya..okay na sana e. Yon na sana. Bawiin ba agad.

Nagtawanan naman sila. Pinagkakaisahan ba naman ako. -_-

"Bully mo talaga ate ye.", singit ni Des.

"Oh well! Inborn e.", pagyayabang nya.

"Okay na sana e noh. Kain na nga tayo.", putol ko sa usapan nila. Pagod talaga ako. Gusto ko ng magpahinga. Where is my bed????

"Daks oh, para masarap tulog mo.", abot ni Mika sa akin ng isang baso ng gatas.

Andito na kami sa kwarto. Namention ko na ba na roomates kami? Together with Camille and Cienne? Kung di pa, yan mention ko na.

"Thanks daks. Bait mo talaga.", sabay abot ko nong gatas. "Matulog ka na rin.",

"Sus, para gatas lang e. Okay daks. Good night..", sagot nya at umakyat na sa pwesto nya sa upper deck.

Yan si Daks, binubully man ako lage, pero andun parin yong pagki-care nya.

"Good night too daks.. Sweet dreams.", and that's it. I went to sleep.

*****

Follow me on twitter @AkosiAlexa12

More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon