CHAPTER 2 - New Character
SOMEONE's POV
"Nice shots! Galing mo talaga!" sigaw nung photographer sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at nagthankyou. Pumunta ako sa dressing room ko at nagpahinga ako sandali.
Maya maya, bumukas yung pintuan at pumasok si Manager Kim dala dala yung laptop nya, "May photoshoot ka 2 days from now so better be ready okay?" sabi nya sakin at tumango lang ako. Nilapag nya yung laptop nya sa lap ko kaya tumingin ako sa kanya.
"Girlfriend mo, nasa Skype. Dali na. Kausapin mo na" sabi nya tapos lumabas na din sya. Binuksan ko yung laptop at lumitaw yung Skype tapos maya maya, nakita ko na yung mukha ng taong mahal na mahal ko.
"XANDER!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw nya nung nakita nya ako.
"Tumino ka nga. Ang lakas ng boses mo!" saway ko sa kanya pero binelatan nya lang ako. Pasaway na girlfriend =____=
"HAHAHA! EEEE! MISS NA KASI KITA EH!" sabi nya tapos nagpout. Shit. Parang gusto kong pumasok sa loob ng screen at halikan yung girlfriend ko :(
"Miss na rin naman kita eh" sagot ko.
"Uyyyy miss nya ako! HAHAHAHAHAHA! MISS AKO NI XANDER! MISS AKO NI XANDER! HAHAHAHAHA!" baliw :D
"So, kamusta US?" tanong ko sa kanya. Agad naman syang nalungkot.
"Okay naman. Pero iba pa din sa Philippines eh. Miss na talaga kita" tapos unti unti na syang umiyak
"Hey stop crying. Wala ako dyan para punasan yung mga luha mo. Please, wag ka ng umiyak" sabi ko sa kanya. Nawala sya sandali at bumalik din naman agad na may dalang panyo.
"May good news ako!" sabi nya at ngumiti
"Ano naman?"
"WAAAAAAAAAAAA!!!! UUWI NA AKO DYAN NEXT WEEK SABI NI MOMMY!!!!!!"
O_____O
"Talaga??!!!!"
"OO! Tapos sinabi nya rin sakin na pwede na daw ako magstay for good basta kasama daw kita! Hahaha! Botong boto talaga sayo sina Mommy!!!"
"God. Uuwi ka na talaga dito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo! Hahaha! Pagkatapos ng isang taon, makakasama na kita ulet!" sabi nya
"Pwede bang bukas ka na lang umuwi? Miss na kasi talaga kita eh" sabi ko sa kanya
"Maghintay ka na lang ng seven days okay? Excited na din naman akong mayakap ka eh. Uyyy, kinikilig sya. HAHAHAHA!"
"Heh! Manahimik ka! So, susunduin kita sa airport?"
"Oo naman! Lagot ka sakin kapag hindi! Babalik ako agad dito"
Narinig kong tinawag sya ng kapatid nya, "Uy Bee, kakain na daw kami. Hahah! Bye. Log out na ako. Can't wait to see you, miss na miss na kita" lumapit sya sa cam tapos hinalikan nya yun, "I love you" then she smiled, a super sweet one
"I love you more" sabi ko, after 5 seconds nawala na sya sa screen.
"Naks naman! Kakaiyak drama nyo!" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko lahat ng staff dun na nakadungaw sa pinto.
"MANAGER KIM!!!!" sigaw ko tapos nagtawanan lang sila. Pumasok sa loob si Manager Kim at umupo.
"Yan na ah. Pauwi na yung inspirasyon mo. Siguro naman mas gaganahan ka ng magtrabaho nyan" sabi nya sakin at ngumiti ng nakakaloko
"Yeah. God knows how I missed her. I've been longing for her for a year. Miss ko na talaga sya ng sobra" sabi ko
"So anong plan mo? Isa't kalahating taon na din kayong dalawa ah. May balak ka na bang magpropose sa kanya?"
"You know what Manager Kim? Naisip ko na din yan kaya nga balak kong magpropose na sa kanya kapag nagsecond anniversary na kaming dalawa"
"Yaaaaaaa! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa! Hihihih! O'sige na, bihis ka na ulit! Back to work na tayo!" bigla nyang sabi.
Nagbihis na ako ng bagong damit at lumabas na ng dressing room. Nakaupo lang muna ako sa isang stool habang inaayos pa nila ng kaunti yung stage.
Inabot ni Manager Kim yung cellphone ko at kinuha ko naman yun.
From: Bee
hey bee! kamusta? miss na kita agad! xD skype tayo later kapag nakauwi ka na ha? *u*
Pasaway talaga. Sinabihan ko na syang wag ng magtetext kapag nakapagskype na kaming dalawa dahil mahal ang magtext sa abroad.
To: Bee
i'm fine, doin' another photoshoot again. yes, we'll skype later okay? loveyou. gotta go. miss you much :)
Tinago ko na yung phone tapos nagstart na ulit yung photoshoot namin.
Umuwi ako ng bahay around 7 PM kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko para makapagopen. Nagusap lang kaming dalawa ni Bee, nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari ngayong araw tapos nagpaalam na din sya kasi 2 AM na ng umaga at kailangan ko ng matulog.
"Goodnight Xander. Love you" sabi nya tapos nawala na sya sa screen. Sinarado ko na yung macbook ko. Kinuha ko yung phone tapos naggoodnight ako sa kanya at natulog na din.
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomantikPagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^