CHAPTER 9 - It's Quite Bothering
ALES' POV
"Bee, gising na" pinoke ko yung pisngi nya tapos tinampal nya yung kamay ko
"Mamaya na" antok na sabi nya. Umupo ako sa tabi nya.
"Gumising ka na. Aalis pa tayo ngayon" sabi ko sa kanya
Minulat nya yung isang mata nya at tumingin sa wall clock, "2 AM pa lang" sabi nya na di makapaniwala
"Yes, 2 AM pa lang at kailangan mo ng bumangon dyan. Remember? Magbabakasyon pa tayo kasama sila Tita" sabi ko. Nagpout naman sya pero pinitik ko lang yung noo nya, "Gumising ka na dyan ha? Maliligo na ako" tapos pumasok na ako sa cr.
After 20 minutes, nakita ko syang nakahiga pa din. Pasaway talaga ang babaeng 'to! Laging tulog mantika!
Nagsuot lang ako ng boxers tapos tinanggal ko yung towel sa balakang ko. Lumapit ako sa kanya, "Uy, gumising ka na" sabi ko sa kanya pero wala lang response. Aish! Nakaka asar naman 'tong babaeng 'to!
I started raining little kisses all over her face pero wala pa din. I gave her a smack pero wala pa din. Tinitigan ko na muna sya tapos hinalikan sa lips ulit.
I slowly moved tapos tinitignan ko yung reaksyon nya, ganun padin.
Nabigla na lang ako nung hinook nya yung dalawa nyang kamay sa nape ko tapos dumilat sya, "Ayos ka ah. Nakaw halik?" sabi nya tapos she grins. Nilayo ko yung mukha ko sa kanya at tinampal yung noo nya, "I'm just waking you up you know? Tsaka bakit kailangan ko pang magnakaw ng halik kung.."
"Kung?" sabi nya
"Pwede ko namang gawin 'to" kiniss ko sya sa noo
"Ito" kiniss ko yung tip ng nose nya
"At ito" then I kiss her on the lips
She smiled, "Ang sarap naman ng breakfast ko" sabi nya sakin.
I chuckled, "Of course. Yummy ata ang boyfriend mo" tapos hinampas naman nya yung braso ko, "Hangin!" sabi nya sakin tapos tinulungan ko na syang bumangon.
Habang naliligo sya, inayos ko na yung mga gamit namin at nagbihis na din ako. Baliw kasi yun eh, sinabihan ko na kagabi na magayos hindi naman pala nya ginawa =____=+
Lumabas sya sa banyo na nakatapis ng towel tapos pumunta sya may walk in closet namin habang ako naman natulala. Napailing na lang ako at nagsalpak ng mga damit dun sa malaking bag.
Lumabas sya ng walk in closet na naka stockings na may polka dots na design, naka maong shorts na labas yung ilalim ng bulsa at nakapink loose sya na blouse na may sleeves (See pic at the right side. Picture ng suot nilang dalawa. Ang cute ng baby ko<3 Hahahaha! *blush*)
Hawak hawak nya yung towel at nagpupunas ng mahaba nyang buhok. Napatingin sya sakin at ngumiti, "Okay lang ba?" tanong nya sakin.
Tumigil ako sa pagayos ng mga gamit at nagcrossed arms tapos tinignan ko sya dahan dahan mula ulo hanggang paa.
She's pretty. I mean she's pretty gorgeous. Hindi ko aakalain na AKO pala ang BOYFRIEND ng babaeng nasa harapan ko.
Tumingin ako sa kanya, "You're pretty gorgeous" sabi ko. Ngumiti sya ng malaki tapos pumalakpak sya.
"Nainlove ka lalo?" sabi nya tapos tawa tawa syang lumapit sakin at niyakap ako, "Joke lang. Alam ko naman na araw araw nadadagdagan yung love mo para sakin eh" tapos kumindat sya. Pinitik ko naman yung noo nya, "Nagiging mayabang ka na din ah" sabi ko.
Tumawa lang sya tapos pumasok sya ulit sa walk in closet. Sinara ko naman yung bag namin tapos kinuha ko na yung cellphone naming dalawa.
Lumabas sya ulit sa walk in closet na may relo na at may shoulder bag. Pinatay ko na yung ilaw sa kwarto at lumabas na kami ng bahay. Sumakay kami sa kotse ko tapos nagdrive na papuntang bahay ng parents nya.
Pinatulog ko sya sa byahe kasi mag 3 AM pa lang naman. After ng 30 minutes, dumating na kami sa bahay ng family nya. Iniwan ko na muna sya sa couch dahil gusto daw akong kausapin ng Dad nya.
"Good Morning po" tapos nagbow ako at umupo sa chair na katapat ng desk nya.
"Kamusta kayo ng anak ko?" tanong nya sakin
"We're fine. Wala naman po kaming problema" sabi ko sa kanya
Umubo sya tapos tumingin ng diretso sakin, "Kelan mo balak magpropose?" tanong nya sakin, "You see Ales, boto naman kami ng Mommy nya sayo. Sa pagkakaalam ko, two months from now right? Two months from now at mag 2 years na din kayong dalawa. Just tell me kung anong kailangan mo para matulungan kita" sabi nya
Napaupo ako ng maayos, "Mr. Dave----"
"Daddy na itawag mo sakin" putol nya sa sinabi ko
"----Daddy, uhm, gusto ko po sana na ako na po ang bahala sa pagpopropose ko sa kanya. Gusto kong makita nya kung gaano yung effort na ginawa ko para makuha ang yes nya" napangiti naman sya sa sinabi ko
"I knew it. Hindi ako nagkamali sayo. Maaasahan ko bang hindi mo sasaktan ang anak ko?"
"Mr. Dave, I mean, Daddy, I can't promise na hindi ko sya masasaktan. But I can promise you that whenever she cries, I'm always at her side, comforting her" sabi ko. Tumayo si Mr. Dave tapos nilahad nya yung kamay nya. Tumayo naman ako tapos nakipagshake ng hands at tinapik tapik nya yung balikat ko.
Lumabas na kami sa office nya at nakita ko naman si Tita na nagaayos ng mga hilaw na pagkain na lulutuin sa resort nila. Tutulungan ko na sana sya kaso sinabi nyang samahan ko na lang daw si Bee.
Pumunta ako kay Bee at mahimbing pa din syang natutulog dun. Around 6:30 kami nakarating sa resort nila. Tuwang tuwa si Bee nung nakababa na kami.
"Weeeeeeeeeeeee!! I'm so exciteeeeeeeeeed!" tapos winagayway nya yung kamay nya sa ere. Tumawa naman ako sa inasta nya, "Hindi ka pa ba nakapag beach?" tanong ko sa kanya
Tumingin naman sya sakin, "Thrice lang, kaso sa US lang yun. Strict kasi ni Ate eh. Baka daw mangitim ako! Hahaha!" she cling into my arms tapos pumasok na kami sa hotel. Kinuha ko yung susi tapos umakyat kami sa kwarto namin.
Agad naman syang nahiga sa kama tapos pumikit. Nilapag ko yung bag nya sa couch, yung malaking bag kasi dadalhin na lang daw ng staff ng hotel. Tumabi ako sa kanya pero nakaupo ako.
"Bakit tulog ka ng tulog ngayon ah?" tanong ko, nagshrug sya ng shoulders habang nakapikit pa din.
"Bee, hindi kaya...
....buntis ka?"
Agad naman syang napadilat at tumingin sakin.
*PAK*
"Bakit mo hinampas sakin yung pillow?" sabi ko habang hawak hawak ko yung ilong ko
"BALIW KA BA?!" sigaw nya sakin, "PAANO AKO MABUBUNTIS KUNG wala namang nangyayari satin" halos pabulong nyang sinabi yung huling mga salita pero rinig ko naman tapos namula sya bigla at nagtakip ng unan.
Humiga naman ako sa tabi nya at niyakap sya tapos hinarap ko sya sakin. Pinilit kong tanggalin yung unan sa mukha nya pero tinakpan nya agad ng mga kamay yung mukha nya.
"Bee, look at me" sabi ko habang inaalis yung kamay nya
"Ayoko, pagtatawanan mo ako eh" sabi nya
"No. Hindi kita pagtatawanan" sabi ko
"Kahit na! Mamaya baka pag nakita mo ko pagtawanan mo ako eh"
"Hindi nga sabi eh. Promise, I'll not laugh" seryoso kong sabi. Sumilip naman sya dun sa daliri nya at nung nakita nyang seryoso ako, dahan dahan naman nyang tinanggal yung kamay nya.
I gently smile tapos nilapit ko yung mukha ko sa kanya, "Gusto mo bang...magkababy na tayo?" seryoso kong tanong sa kanya.
She blush, "B-bakit m-mo s-sinasabi y-yan ah?" utal utal nyang sabi
"I want a baby. I want to have my own baby" sabi ko, natigilan naman sya, "Pero, I LOVE and RESPECT you. Kaya I'm trying my best to wait until the day of our wedding and I wanna do it right" sabi ko. Ngumiti naman sya sakin tapos kiniss nya yung tip ng nose ko
"Thank you. Thank you for the respect. I'm happy to have you, you know that?" ngumiti lang ako, "Xander, I love you so much" hinalikan nya yung noo ko tapos naghikab sya.
"Tulog tayo?" sabi ko tumango sya tapos umayos kami ng higa.
Nagising na lang ako na wala na sya sa tabi ko. Napatingin naman ako sa orasan. 10 AM na. Bumangon ako at nagtanggal ng muta tapos lumabas ako ng kwarto.
Nakita ko naman si Tita sa beach side na nagaayos ng mga iihawin, "Tita, si Elaine po?" tanong ko
"Si Dorothy? Tignan mo lang dyan. Kasama nya yung mga kapatid nya" sabi ni Tita. Tumango ako tapos hinanap ko sya.
Nakita ko sya sa di kalayuan at may kausap sa phone. Bumalik na lang ako sa side ni Tita at tumulong sa pag ihaw.
"Hi Bee! Gising ka na pala! *kiss*"
"Sino yung kausap mo?" tumigil naman silang lahat sa ginagawa nila at tumingin kay Elaine
"Ow? The one who called? A friend...I think?" sabi nya. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya. Ni-stretch naman nya yun, "Don't be jealous 'kay? It's just a friend" sabi nya tapos niyakap nya ako.
Yes. Even if it's just a friend, it's quite bothering :\
Umupo kami sa nilatag na tela ni Tita tapos nilagay ko yung mga inihaw dun. "Hi Ales! How's showbiz?" tanong nung Ate nya
"Ganun pa din. Pero okay lang naman. I still managed to have enough time for your sister" she smiled, "I've heard na multimedia star ka na daw ah?" sabi nya
"San mo naman narinig yan?" tanong ko, tumawa naman sya, "I'm a showbiz person also. Did you forget that? I've heard na magaling ka daw kumanta at balak mo ding bumuo ng band tapos paminsan minsan naghohost ka sa mga mini events and at the same time, model ka din. Ikaw na talaga Ales Velasquez!" sabi nya
Tumawa na lang ako. Paano nya nalaman yun? O.o
Dumating si Bee na may dala dalang dalawang pitcher ng juice. Binaba naman nya yun tapos nagpray kaming lahat at kumain na.
"Kuya Ales! Can you sing a song for us?" sabi nung kapatid nya. Tumingin naman si Bee sakin na nagsasabing 'pagbiyan-mo-yan-kundi-malalagot-ka-sa-kanya-mamaya'.
Napakamot na lang ako sa ulo tapos nagpaalam ako sa kanila. Pumunta ako sa lobby ng hotel at nagtanong kung san pwedeng makahiram ng guitar.
"Miss, san pwede makahiram ng guitara?" tanong ko dun sa babaeng may dala dalang makakapal na bed sheets. Napatulala lang sya sakin, amp! Nakalimutan kong magshades!
"Miss?" sabi ko, nagising naman sya.
"Sa music hall po, andun po yung mga instruments. Sir Ales, pwede pa autograph?" tanong nya tumango naman ako tapos naglabas na lang sya ng pentel pen at isang malinis na bondpaper.
Binigay ko naman yun sa kanya tapos pumunta ako dun sa music hall at kinuha yung guitarang papasa sa taste ko. Bumalik ako sa beach side at naupo sa tabi ni Bee. Tumingin ako sa kanya at nagstart ng magstrum.
"Hi
Girl you just caught my eye
Thought I should give it a try and get your name and your number
Go grab some lunch and eat some cucumbers
Why, did I say that? I don't know why
But you're smilin and it's something I like
On your face, yeah, it suits you
Girl we connect like we have bluetooth
I don't know why I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add then subtract
You and I, could be like Sonny and Cher
Honey and Bears, oh
And you and I could be like Alladin and Jasmine, let's make it happen
(La La La)"
"Hey, how've you been? I know that it's been awhile
Are you tired cause you've been on my mind
Runnin' thousand and thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style
But you, you look so beautiful on this staryy night
Loving the way the moonlight, catches your eyes and your smile
I'm captivated, your beauty is timeless never outdated
I don't know why, I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add then subtract
You and I, could be like Sonny and Cher
Honey and bears
You and I, could be like Aladdin and Jasmine
Let's make it happen"
Tumigil ako sa pagstrum at hinawakan ang kamay ni Bee tapos kinanta ko sa kanya yung susunod na lyrics habang nakatitig ako sa mga mata nya.
"Babe
It's been 5 years since that special day
When I asked you on our first date
I guess it's safe to say
You and I are better than Sonny and Cher
Honey and Bears
And you and I are better than Aladdin and Jasmine
We made it happen
(La La La)
Let me say
You look so beautiful on our wedding day"
Ngumiti sya tapos kiniss nya ako, "Thank you" sabi nya.
Tumili naman yung dalawa nyang kapatid tapos kinantyaw nila kami.
"Kelan ang kasalan?" panunukso ni Tita. Napatingin naman ako kay Bee at nakatingin pala sya sakin. Ngumiti muna ako kay Bee bago ako tumingin kay Tita at sumagot ng...
"Soon Tita"
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomancePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^
