CHAPTER 17 - Painful Nightmare
XANDER's POV
Minulat ko ang mga mata ko. Malamig sa paligid at bumungad sakin ang madilim na langit na punong puno ng mga bituin. Sinanay ko ang mga mata ko sa dilim hanggang sa maaninag ko na may tao. Tinry kong tumayo at lumapit sa kanilang dalawa.
"Xander, wag mo akong iiwan ha?"
Natigil ako sa paglapit ng marealize ko kung ano ang nangyayari. Nakita ko sya...kasama ako. Magkatabi kaming dalawa at tahimik na nanunuod ng mga bituin.
"Hinding hindi kita iiwan okay? Never kong gagawin yun. Mahal na mahal kita. Nagpapasalamat ako kay God kasi ikaw ang binigay nya sakin bilang birthday gift nya"
"I love you Xander, infinity"
Pinanuod ko silang dalawa hanggang sa makita ko yung ginawa namin nung gabing yun. Everything is perfect. Ang saya ko ng gabing yun. I want to feel her again. I want to kiss her again.
Suddenly.....biglang nagbago yung eksena. Bumalik ang pangyayaring ayaw ko ng balikan. Nakita ko ulit sya. Nakita ko ang mga tao ng gabing yun. Nakita ko ang sarili ko. Nakita ko ang sarili kong ibang iba. And I don't know why. I see myself smiling like a....devil.
"Myrtle, everything is just....a bet"
"Way back 5 years ago, ikaw ang naging first love ko. Yes, I love you kahit Grade 5 pa lang ako nun. Ang ganda mo kasi tsaka mabait pa. Ibang iba pa ako nun, hindi ako ang totoong Xander na nasa harapan mo ngayon. Isa akong nerd, bookish na tao, laging binubully araw araw. Naisip ko na, anong panama ko sayo? Hindi ka pwedeng magkagusto sa isang katulad ko, pero nung may nabasa akong isang libro tungkol sa lalaking nerd at nahulog sa kanya yung babaeng minamahal nya, nabuhayan ako ng loob. Mahal na mahal kita nun. Kaso, nung araw na nagaway kami ni Paul, nung araw na nakilala mo sya, dun ako nasaktan. Tinulak mo pa nga ako diba? Big turn off para sakin yun. Yung pagmamahal ko, napuno ng galit. Bakit? Kasi mali yung kinampihan mo. Nandaya naman talaga sya nun eh, huling huli sya ng mga classmate ko pati na din ako. Pero anong ginawa mo? Tinulak mo pa ako ng malakas, na parang ako yung may kasalanan pero sa totoo, si Paul naman talaga"
"Starting that day, napuno ng galit yung puso ko. Gusto kong maghiganti sayo nun. Dahil sayo, lumihis yung daan ko. Lagi akong nagkukulong sa kwarto, minsan nagcucutting o minsan naman isang Linggo na hindi pumapasok. But then, naisip ko na papaibigin kita sakin at ako naman ang mananakit sayo. That's when our bet started"
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomancePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^