CHAPTER 10 - Bestfriend
CASSIDY's POV
5 days. For 5 consecutive days laging may tinatawagan si Mahal sa phone nya. Hindi ko alam kung sino pero...nakakaselos.
Oo, nakakaewan na magselos ako. Malay ba natin na lalaki yung lagi nyang tinatawagan diba? Pero still...hindi ko pa din mapigilang magselos.
"Mahal, breakfast is ready!" masayang sabi ko sa kanya. Umupo sya sa upuan tapos hawak nya pa din yung phone nya, "Mahal, sino ba yang lagi mong tinatawagan?" sabi ko sa kanya. Umupo ako sa katapat na upuan nya tapos inabot ko yung plato ng kanin at nilagyan yung plate nya.
"Ahh, friend ko lang. Matagal na kasi kaming di nagkikita eh" sagot nya sa tanong ko, "Oo nga pala. May hindi ka nasasabi sakin" sabi ko.
Tumingin naman sya ng maigi sakin, "Ano?"
"Sino nga pala si...Myrtle?" bigla syang natigilan at parang nafreeze sa upuan nya. Yung mga mata nyang curious kanina, ngayon naging malungkot na, "You know, nung nakilala ko si Sky Forhel, nabanggit nya yung si Myrtle eh. So..sino ba sya?"
"She's.....my friend" tapos tumingin sya sakin at ngumiti ng malungkot, "Ano pa? Kwentuhan mo naman ako. Nacurious kasi ako nung sinabi ni Sky na magkaribal daw kayong dalawa dun sa Myrtle" sabi ko
"Ah..Hahahaha! Wag mo ng isipin yun. Wala lang yun. Loko lang talaga yung Sky na yun" sabi ni Mahal tapos nagsimula na syang kumain. Habang kumakain kaming dalawa, napapansin kong minsan tumitigil sya sa pagkain tapos yung mga mata nya lumulungkot. Hindi ko na lang pinahahalata na napapansin ko syang ganun.
"Mahal, let's go the mall!" sabi ko, "Hindi ako pwede eh. Kakausapin daw ako ni Manager Reen" sabi nya, "Pero..eversince na nakauwi ako dito hindi pa tayo nagdedate" sabi ko sa kanya.
"Sorry Mahal, importante ata ang sasabihin ni Manager Reen eh" sabi nya kaya tumango na lang ako. Pagkatapos naming kumain, naligo na sya agad at nagbihis tapos umalis na. Ako naman, dali dali ding nagbihis kasi balak kong sundan sya.
Habang nagdadrive, nasa harapan ko yung car nya ilang meters away from my car. Pansin ko naman na hindi ito yung daan papuntang office ni Manager Reen or sa bahay ni Manager Reen.
Mahal, san ka naman pupunta? :/
Tumigil sya sa isang jewelry shop. Pumasok sya dun pero di ko na sya siundan. Nagdrive na lang ako papunta sa bestfriend ko. Sinuot ko na muna yung shades ko tsaka ako lumabas ng car at nagdoorbell.
*DINGDONG!DINGDONG!*
Bumakas naman ang gate at isang lalaking bagong gising ang bumungad sakin. Tumingin sya tapos nanlaki yung mga mata nya.
"CASS??!!!" nagpunas sya ng mata tapos tumingin ulit sya sakin, "BESTFRIEND!!!" niyakap nya ako ng mahigpit! Asdfhuhfs?!!!
"Aaaack--T-teka! D-di ako makahinga!" bumitaw din naman sya agad tapos ginulo nya yung buhok ko, "Kala ko nakalimutan mo na ako eh >3<"
"Yuck! Tigilan mo nga yang pout mo! Nakakaduray!" sabi ko at pumasok na ako sa loob, "Wala ka talagang pinagbago! Dire diretso ka pa din kahit kelan!" sabi nya at sinarado yung gate tapos hinabol nya ako.
Umupo kaming dalawa sa sala tapos dinalhan nya ako ng makakain, "Kamusta ka na Cass?" tanong nya sakin.
"I'm fine Jericho Romero! Hahaha! Medyo hectic lang ang sched ko at this day lang ang free day ko" sabi ko sa kanya, "Good. Buti naman naisipan mong dumaan dito. Nakakatampo ka!" sabi nya
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomancePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^