CHAPTER 16 - She Brings Back The Past
XANDER's POV
4 years ago, may babaeng nakapagpaibig sakin. I mean, may 'tomboy' na nakapagpaibig sakin. Marami kaming napagdaanan. Problema sa family nya, problema sa bestfriend nya, problema sa past ko hanggang sa malaman nya ang bagay na kinakakatakutan kong malaman nya.
Dahil sa ginawa kong yun, nawala sya sakin. Sa isang iglap, nawala lahat ng bagay na mahalaga sakin. I became an asshole, drinking monster and a notorius playboy pero sa lahat ng nangyari sakin, nandito pa rin ako.
Sya pa rin pala ang kailangan ko. Sya lang pala ang makakapagbalik sa dating ako. Sya lang pala ang bubuo sa 'Xander' way back 4 years ago.
Pero, sa iba ng iba, "change is the only constant in the world". Maraming nagbago. Apat na taon din ang dumaan. Ngayon, hinahanap ko sya. Ngayon, gusto ko syang makita. Pero, handa na ba ako? Handa na ba talaga ako?
Handa ba ako na makaharap ang mga pagbabago?
Umupo ako sofa pagkatapos naming pumasok ni Max sa Room 445.
"Ano na gagawin natin? Nasa kabilang kwarto lang yung Elaine mo" sabi nya. Napatingin ako at nagkibitbalikat lang.
Pumasok muna ako sa magiging kwarto ko at inayos yung mga gamit ko. Halos two hours din akong nagayos tapos naligo ako ulit. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng spaghetti.
"Para san yan?" nilingon ko si Max, "Wala namang may birthday sating dalawa diba?" tanong nya ulit. Tumingin ako sa kanya, "Pupuntahan ko sya" sagot ko at nilagay yung pasta sa bowl.
"ANO?!!!!!" sigaw nya. Kinuha ko yung silver na sandok at pinukpok sa ulo nya, "Ang ingay mo bro" sabi ko. Kumuha ako ng isang topper ware at nilagay dun yung lutong spaghetti.
"Pero hindi nga? Sure ka na ba dyan?" tanong nya ulit. Kumuha naman ako ng tinidor at binigay sa kanya, "Kumain ka na lang" sabi ko at bumalik sa kwarto para magbihis.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko syang nakaupo sa sala at busy na nanunuod habang hawak hawak nya yung phone nya, "Aalis na ako ah?" sabi ko, Tumingin si Max sakin.
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomancePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^