CHAPTER 1 - Mr. J
XANDER's POV
*Tell me why
You're so hard to forget
Don't remind me
I'm not over it
Tell me why
I can't seem to face the truth
I'm just a little too not over you*
Kinapa ko yung kama ko at pinatay yung cellpone ko tapos nagtalukbong ako ulit ng kumot...
Zzzzzz...
Zzzzzz...
Zzzzzz...
*Tell me why
You're so hard to forget
Don't remind me
I'm not over it
Tell me why
I can't seem to face the truth
I'm just a little too not over you*
Zzzzzz...
Zzzzzz...
Zzzzzz...
*KRIIIIIIIIING*
"Argh!" napakamot ako sa ulo at bumangon. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Hinanap ko yung cellphone at tinignan kung sino yung tumawag.
"Holy sh*t!" agad agad akong bumangon at dumiretso sa cr at dali daling naligo. Lumabas ako ng cr ng nakatapis lang tapos dali dali akong naghanap ng masusuot.
*KRIIIIIIIIING*
"Hel-------!"
[GOD JOZSEF! KANINA PA ANG TEAM NANDITO! BAKIT WALA KA PA?!!!!!] nailayo ko yung cp sa tenga ko. Ang lakas ng boses nya eh -____-+
"So-sorry Manager Reen! Papunta na ako dyan!"
[DAMMIT! BILISAN MO!!!] then nawala na yung tawag.
Sinuot ko ng mabilisan yung t-shirt tapos kinuha ko na yung susi ng sasakyan, at shades at lumabas na ako sa condo ko. Pumunta ako ng ground floor tapos hinanap ko na yung kotse ko at nagdrive papuntang Makati.
Pagkadating ko dun, nakita ko si Manager Reen sa isang stool na nagpapaypay at sumisigaw sa inis. Tumakbo ako palapit sa kanya at inakbayan ko sya.
"Hi Manager! Hehehe ^___^v"
"-__________________-"++++" patay, ang sama ng tingin sakin. Kinuha nya yung magazine tapos niroll nya yun at pinukpok sakin!!
"Aray! Aray! Manager! Teka lang! Aray! Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!!!!"
"KAHIT KELAN KA TALAGA! HINDI KA DUMADATING ON TIME!!!!!!!!" sigaw nya.
"Sorry na. Napasarap tulog ko eh" sabi ko habang hinihimas yung ulo ko. Tsk. Bukol na naman toh paguwi ko -____-
"Hala sige. Bihisan na tong kumag na toh! Dali!" pumunta ako sa tent tapos binigay nila yung susuotin ko.
I'm Jozsef Alexander Ramolino, a normal person way back 4 years ago, nakasakit at nasaktan, umiyak, nagwala, nanggulo ng buhay ng iba, nambabae, nalulong sa bisyo pero...
...sikat na modelo na ngayon.
I preffered calling Jozsef. Try to call me Xander, you'll be dead -____-+
Minakeupan na nila ako tapos lumabas ako ng tent kasabay ang babaeng may hawak ng payong at pamaypay. Nakasetup na yung isang white wall tapos may couch na din dun.
Kinausap ako nung photographer about sa angles na gagawin nya. Pagkatapos, nagstart na kami sa photoshoot.
After 45 minutes..
"That's good Mr. J! Good job!" nagthumbs up sakin yung photographer. Lumapit naman yung isang staff at inabutan ako ng towel. Lumapit ako kay Manager Reen na kasalukuyang tumitingin sa mga kuha ko.
Inabutan nya ako ng tubig habang nakatingin pa din sa mga pictures, "Okay na ba yan?" tanong ko sa kanya.
"Yeah. Konting edit na lang toh. Hahahah! Ang laki talaga ng kinikita ko sayo! xD" sabi nya
"Pineperahan mo lang ako eh" binatukan nya ako
"Baliw. Atleast sikat ka na ngayon Mr. J. Bleeeeeeeeh!"
Tumawa lang ako sa kanya tapos kumain kami dun sa set. Around 3 pm, nakauwi ako sa condo ko at nanuod ng mga palabas.
*KRIIIIIIIIING*
Yung totoo? Bakit puro tawag ngayon ang mga tao?
Kinuha ko yung phone sa table tapos tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Mahal pala yung tumatawag.
"Hi Mahal" malambing kong bati sa kanya pagkatapos kong pinause yung palabas.
[Haha! Baliw ka! Pinapakilig mo na naman ako!]
"Ayaw mo ba?" sabi ko na parang nagtatampo
[Hindi ah. Toh naman! Tampo agad. Anyway, I'll be home next week!]
"Talaga?! Wow. Excited na akong makita ka ulit. I missed you so much alam mo ba yun?"
[Ako din! Ako din! Hahahaha! Sunduin mo ako mahal ah?]
"Sure. I will"
[Atsaka may surprise ako sayo!]
"Ano naman yun?"
[Surprise nga eh]
"Haha! Oo na"
[Gotta go. Tinatawag na ako ni Direk. Uhm, I love you Mahal. I'll see you soon. Miss na kita. Ingat ka dyan ha?]
"Aawww. Sweet naman. Sige, bye na. I love you too. Ikaw ang magingat dyan, uuwi ka pa sakin"
Binaba ko na yung phone tapos nanuod na ulit ako. Napansin kong paubos na yung popcorn kaya kukuha na sana ako kaso tumama yung tuhod ko sa table kaya napangiwi ako. Narinig ko naman na may nalaglag sa ilalim ng table.
Kinuha ko yun at tinignan.
*Sigh*
Picture namin ni Myrtle nung birthday ko, yung araw na naging kami na talaga.
"4 years na. 4 years na akong naghihintay sayo. Kelan ka ba magpapakita sakin?" tumulo yung luha ko kaya napatingin ako sa ceiling at pumikit.
Nagplay lahat ng nangyari sa akin lalong lalo na nung gabing may nangyari saming dalawa.Yun na ata ang pinakamagandang panaginip para sakin.
Pinatay ko na yung tv tapos pumasok ako sa kwarto, dala dala yung picture. Humiga ako at nilakasan yung AC at natulog habang yakap yakap ko yung picture naming dalawa.
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
Roman d'amourPagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^
