CHAPTER 14 - The Search Continues
XANDER's POV
"Max, sya nga kasi si Myrtle!" sigaw ko sa kanya. Pabagsak akong umupo sa dulo ng kama ko.
"Xander ano ba! Ibang babae naman yun eh!" sigaw nya din sakin. Umupo sya sa couch at tumingin sakin, "Tsaka isa pa, may karelasyon ung tao. Mali naman yung ginawa mo kanina" pangaral nya sakin.
"Pero Max...sya nga kasi si Myrtle...ramdam ko yun! Ramdam na ramdam ko yun!"
"Xander, nahihibang ka na ba?! Imposibleng maging si Myrtle yun! Magkaiba sila!"
"Oo, magkaiba sila...."
"Kitams? Ikaw na mismo ang nagsabi" putol nya sa sasabihin ko
"Pero Max....alam kong si Myrtle yun.....alam ng puso ko na si Myrtle yun..."
"Xander naririnig mo pa ba ang sarili mo?" nagkatitigan kaming dalawa, "Mahal mo pa ba sya?" natigilan ako at di agad nakasagot. Mahal ko pa nga ba?
"Of course not! Sinabi ko na sayo diba? Magsosorry lang ako....yun lang gagawin ko" sagot ko sa kanya at umiwas ng tingin.
"Pero....bakit mo pinagpipilitang si Myrtle yun?" tanong nya sakin.
"Hindi ko din alam yan...hindi ko alam...basta sigurado akong si Myrtle yun...sigurado ako Max" sabi ko. Napabuntong hininga sya at hinawakan nya yung sentido nya.
"Fine. Ipalagay nating si Myrtle yun...kung sya nga si Myrtle...kailangan nating makasiguradong sya nga yun...kasi kung magpapadalos dalos lang tayong dalawa dito...baka magkagulo lang kayo nung Ales na yun" sabi nya sakin. Ngumiti ako ng matipid sa kanya.
"Ano naman ang gagawin nating dalawa?" tanong ko. Hinawakan nya yung baba nya at tumingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomancePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^