Prinsesa's Note:
Waaaaaaaaaaaaaa!!! Sorry ngayon lang may update T______T Tapos...tapos sana magustuhan nyo 'to </3 Magugulat kayo sa isang pasabog O___O lol Bwahahaha!
Ayan na! Ayan na! May update! Sunod sunod na 'to XD ^_________^
Enjoy reading at namnamin nyo yung takbo ng update na 'to :)
Please do VOTE, COMMENT & SPREAD THIS STORY :)
Sa mga gusto ng dedications, message me lang here in watty *kaway kaway*
Ge yun lang.
PICTURE OF ANTOINETTE @ MULTIMEDIA SECTION ~~
BONUS CHAPTER 8 (Euri & Antoinette Story) - He's Supposed To Be My COUSIN!!! Part 2
EURI's POV
Napatingin ako sa pinatong na picture ni Mommy.
"Mommy? Sino sya?" tinuro ko yung batang babaeng nakangiti sa larawan. Naupo si Mommy sa tabi ko at kinuha yung picture.
"Anak, sya ang magiging asawa mo" nakangiting sagot nya sa tanong ko.
"Asawa? Eh diba po bata pa po ako?" taong ko ulit sa kanya.
"Sa tamang panahon, magsasama kayong dalawa at bubuo kayo ng sarili nyong pamilya" napatingin ako ulit dun sa batang babaeng nasa larawan. Ang laki ng ngiti nya kahit kalat sa bibig nya yung chocolate.
****
"Mommy? Anong ginagawa natin dito?" hawak ni Mommy yung kamay ko habang naglalakad kami papasok sa isang restaurant na maraming tao ang nasa loob.
Naglakad kami sa loob ng restaurant hanggang sa tumigil maglakad si Mommy kaya napahinto rin ako.
"Kaelin! It's nice to see you again!" bati ni Mommy sa matandang babaeng nasa harapan namin. Nagbeso beso sila at nagyakapan tapos napatingin sakin yung matanda.
"Sya na ba si Euri?" tanong nya kay Mommy.Tumango si Mommy sa kanya at lumapit sya sakin at lumuhod para magkapantay kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
Storie d'amorePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^