BONUS CHAPTER 2 (Sky Forhel's Story) - The Model & The Singer Part 2

1.2K 38 0
                                        

BONUS CHAPTER 2 (Sky Forhel's Story) - The Model & The Singer Part 2

SKY's POV

Naramdaman mo na ba yung love at first sight?

Parang ganun yung naramdaman ko nung nakita ko si Lauren sa bar. Ang engot lang diba? Uso pa ba yun sa panahon ngayon?

Kada pipikit ako, lagi kong nadidinig yung boses ni Lauren na kumakanta. Kada gigising naman ako sa umaga, mukha nyang nakangiti ang nakikita ko kaya araw araw na lang na maganda ang gising ko.

Love na ba 'to? Hindi ba parang ang bilis naman ata? Hindi ba parang imposible?

Sabi nga nila "When love comes you will never know na yung simpleng taong katabi mo minamahal mo na pala ng totoo"

Totoo nga yun, simula nung araw na nakatabi ko sya sa counter, nainlove na ako. Ang weird diba? Ako din eh. Naweweirduhan din ako.

Maaga akong umalis sa photoshoot namin. Dapat nga may practice pa kami kasi may hosting ako ng isang game show sa Sabado pero may kailangan akong gawin ngayon eh.

Maaga akong dumating sa school nila. Buti na lang naiwan ko yung shades sa kotse ko kaya di na ako nahirapan na magdisguise.

Maya maya lang, dumami na yung mga babaeng nakatitig sakin. Umiiwas na nga lang ako ng tingin dahil baka makilala nila ako at pagkaguluhan pa.

Tumingin ako sa mga babae at nakita ko sya. Naglakad ako palapit sa kanya, "Hi Lauren" bati ko

"Sky?" bulong nyang tanong at umango ako, "Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na dito ako nagaaral?" tanong nya ulit sakin

"Tinanong ko kay Drake. Anyway, pwede ba tayong lumabas ngayon?" sabi ko

"Ano yun? Date ba?" sabi nya.

AGFHIT 2: When Love Becomes ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon