CHAPTER 11 - Meeting With Who?
CASSIDY's POV
Nagdecide na akong umuwi pagkatapos ng mall namin ni Jericho. Grabe! Natatawa talaga ako! Hahahaha! Simula kasi bata yun mabagal na talaga syang tumakbo :))
Papasok na sana ako sa condo unit ni Mahal nung napansin ko yung nakasabit sa door knob. Placard sya na may tali sa both sides. Tumigil naman ako at kinuha yung placard at binasa.
"Meet me @ rooftop" napansin ko naman yung maliit na letters sa baba ng placard. Agad akong napangiti nung nakita ko ang mga salitang 'I love you' dun. Kinuha ko sa bag ko yung polbo at lipstick at nagayos ako tapos sumakay ako ng elevator para makarating sa rooftop.
Pagkadating ko dun, napatulala ako sa nakita ko.
The place is so...romantic. Halos puro pula ang nasa paligid at agaw pansin ang table for two sa gitna pati na din yung lalaking nakatayo di kalayuan sakin. He's smiling wide at me at parang pinapaalam nya sa pamamagitan ng ngiti nya kung gaano nya ako kamahal.
Hindi ako nakagalaw kaya sya na mismo ang lumapit sakin, "Happy Monthsary Mahal" ngumiti ulit sya sakin. Teka ano daw? Monthsary?! OMG! 5 nga pala ngayon!!
"Sabi na eh. Nakalimutan mo (=_____=)" sabi ni Mahal, "Hala sorry! Sorry talaga!" sabi ko, "Nakalimutan ko talaga eh. Sorry Mahal. Anyway, Happy Monthsary" tapos kiniss ko sya sa cheeks. Napangiti naman sya sakin tapos ginuide nya ako papunta dun sa table.
May mga pagkain na at halatang bagong luto pa kasi medyo mainit pa eh, "San ka nga pala galing? Pagkadating ko kasi sa baba wala ka eh" sabi ni Mahal.
"Ah ano..binisita ko si Jericho. You remember him?" tanong ko sa kanya, "Jericho? Hmm..ah yes, yung bestfriend mong mainit ang dugo sakin? (-_____-")"
"Hahaha! Tama ka, pero mabait naman si Jer eh" sabi ko, "Tss. Mabait sayo sakin hindi" sabi nya. Kinurot ko nga yung pisngi! Hahaha!
"Bakit ka nangungurot dyan ah?" sabi nya. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. Maya maya, may bigla na lang tumugtog na pamilyar na kanta. He smiled at me tapos niyaya nya akong sumayaw.
BINABASA MO ANG
AGFHIT 2: When Love Becomes Complicated
RomancePagkatapos ng APAT na taon, ano na kayang mangyayari sa kwento nila Myrtle at Xander? STATUS: NOW UPDATING ^_^