CHAPTER 3 - The Girl

1.8K 68 7
                                    

CHAPTER 3 - The Girl

XANDER's POV

Nagising ako around 8 AM. Nagpadeliver na lang ako ng pizza, naligo, nagbihis ng pangdisguise at dumiretso na sa airport. Ngayon ang uwi ni Mahal kaya excited na ako.

Dumating ako sa NAIA ng mga 11:30. Sabi nya sakin na saktong 12 ang baba ng plane nya kaya maghihintay na lang ako sandali.

Umupo lang ako sa waiting area habang nagwiwifi. Narinig ko yung intercom na nagsasabing pababa na yung plane galing US kaya tumayo na ako para salubungin si Mahal.

Unti unti namang dumami yung mga taong lumalabas at pumapasok sa airport. Sabi ni Mahal na nakajacket syang pink kaya madali ko lang daw syang maidentify.

Nilibot ko yung paningin ko para mahanap sya tapos tumigil yung tingin ko sa babaeng naka blue na t-shirt, nakashades, naka blue din na fitted pants at nakadollshoes.

Nasa braso nya yung jacket nya at nakatayo sya few meters away from me. Kahit nakashades pa sya, ramdam kong maganda ang babaeng nasa harapan ko. Sh*t naman Jozsef. Yan na naman yung pangbababae mo -____-

Nakatingin lang ako sa kanya at di ko matanggal yung tingin ko dahil parang may naguudyok sakin na titigan lang yung babae.

Unti unti nya yung tinanggal yung shades tapos ngumiti sya ng malaki.

"XANDER!!!!!"

Bigla akong nafroze sa kinatatayuan ko.

Nanlalaki yung mga mata ko habang tinitignan yung babae.

Yung boses na yun..

Sya yun..

Si Myrtle ang nagmamayari ng boses na yun.

Tinignan ko yung mukha nya pero hindi sya si Myrtle. Malayong malayo ang mukha nila sa isa't isa.

Pero yung boses nya...

Nagulat ako nung tumakbo sya palapit sakin pero...

                                          .....nilagpasan nya ako.....

Lumingon ako sa tinakbuhan nya.

Nakita kong nakayakap sya sa isang matangkad na lalaki at niyakap din sya nung lalaki ng mahigpit.

Humiwalay sa yakap yung babae pero nandun pa din sa waist ng lalaki yung mga kamay nya, "I missed you so much!" sabi nya dun sa lalaki.

"I missed you too" sabi nung lalaki. He leaned down then she kissed the girl, passionately.

Nakatingin lang ako sa kanila at ewan ko dito sa puso ko at para akong nasasaktan. Hala. Ang gulo >.<

Naramdaman ko na lang na may pumulupot sa braso ko kaya napatingin ako.

"Mahal" bati ko sa kanya. Ngumiti sya tapos hinalikan nya ako sa pisngi.

"Sino yung tinitignan mo?" takang tanong nya sakin. Lumingon kaming dalawa sa lalaki at babae kanina na magkayakap pa din ngayon.

Lumakad si Mahal palapit sa kanila tapos tinanggal nya yung shades nya.

"Ales?" napahiwalay silang dalawa at tumingin kay Cassidy (Mahal)

"OMG! Ales Velasquez! The most admirable model here in the Philippines!" sabi ni Cassidy.

"Bee, sino sya?" tanong nung babae kanina. Sh*t! Kaboses nya talaga si Myrtle!!

"A fan maybe?" sagot nung Ales.

Unti unti naman kaming dinumog ng mga tao. Tinanggal nung Ales yung shades nya at napatingin sya sakin.

"Oh. Nice to see you here Mr. J!" sabi nya at nagsalute sya sakin. Kilala ko tong lalaking toh.

Nagbulung bulungan yung mga tao sa paligid at maya maya, marami na kaming nakikitang flash ng camera, "Ahm, excuse us guys. We need to go" sabi ni Ales tapos umalis na sila nung babaeng kasama nya. Lumingon yung babae sakin tapos nakita ko syang ngumiti.

Her smile resembles Myrtle's.

Sh*t. Ano tong nangyayari sakin????

Umalis na din kami sa airport ni Cassidy at dumiretso sa isang Italian Restaurant.

"Gosh! I can't believe it! Hindi ko aakalain na makikita ko si Ales sa airport. You see Mahal, hindi kasi sya yung tipo na tao na nakikipagsocialize sa madla. I wonder tuloy kung sino yung girlfriend nya" sabi ni Cassidy.

Ako din. Gusto ko ding malaman kung sino yung babaeng yun. Hindi naman sa may balak akong agawan sya sa babae nya pero...

                     ....nasesense ko yung aura ni Myrtle sa kanya....

Pagkatapos naming kumain, umuwi kami sa condo ko at nagpahinga. Kumain kami sandali tapos inayos namin yung gamit nya. Cassidy's my live-in partner at may balak na din akong magpropose sa kanya sa tamang panahon.

Humiga na ako sa kama habang naliligo sya sa banyo. Kinuha ko yung laptop ko at nagsearch tungkol sa buhay nung Ales.

'Many fans are wondering about the apple of the eye of their very owned Mr. Ales Velasquez. Mr. Velasquez was caught going out with a non-showbiz girl last year. The picture of the girl is on the left side. Press asked Mr. Ales about this but he just remain silent. Now AlesFanatics are now urging to know who is the mystery girl'

Niclick ko yung picture at nakita ko nga sa picture yung babae kanina. Nagsearch pa ako pero wala talagang nakalagay sa net ng pangalan ng babae.

Bwisit na Google. Akala ko ba alam na nya ang lahat? -_____-+

Pinatay ko na yung laptop kasabay ng paglabas sa cr ni Cassidy. Nagpunas sya ng buhok tapos tumabi na sya sakin at niyakap ako.

I hugged her back, nagkwento sya tungkol sa shooting nila then natulog na kami.

AGFHIT 2: When Love Becomes ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon