CHAPTER 10

13.6K 482 5
                                    

Gosh! I'm soo happy kasi Finally nakita kung magkasamang nag perform ang NU'EST W x SEVENTEEN sa MAMA in japan! I kennot! My babies. :)
Congrats din sa lahat ng nanalo dun.

Anyway haha! dahil sa masaya ako ito ang UD . Happy reading guys!

*******

-CLOUDE

What happend to you....

Matt?!

Ang naitanong ko sa aking sarili ng makita ko ang hitsura nya ngayon. May nagbago sa kanya Physically. Yung dating masayahing Matt nakilala ko ngayon naging matamlay na. Mababakas mo din sa mukha nya ang kakulangan ng tulog. Maitim ang ilalim ng kanyang mga mata at malaki din ang mga eyebags nito. Yung dating maayos nyang buhok ngayon magulo na. Nakikita ko din na medjo namamayat sya. It's been a week already ng huli ko syang makita. Yun yung araw na nagka-usap kaming dalawa na hindi naman nya sinasadyang masaktan ako. And for me wala na sakin yun. Hindi ko na nga yun iniisip. And to tell you frankly i miss him. I miss Matty.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak nya sa braso ko. "Pwe-pwede ba tayong mag-usap sandali Cloude?...please" He said to me pleadingly. Agad naman akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Ilang beses kung sinubukang ibuka ang aking bibig ngunit ni isang salita ay walang lumabas dito kaya tumango nalang ako sa kanya.

Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha. Medjo nagulat pa ako ng bigla nalang nya akong yakapin ng mahigpit. Ngunit agad din naman akong nakabawi at mahigpit ko din syang niyakap pabalik.

"Thank you! Thank you! Cloude.. i thought hindi mo na ako kakausapin after what happend to us.. i'm soo sorry.. sorry dahil nasaktan kita.. hi-hindi ko, hindi ko sinasadya yun cloude. Please believe me. I'm sorry..please nadala lang ako ng emosyon ko. Sorry...." Matt said sincerly to me at naramdaman ko din ang pagbasa ng aking kaliwang balikat. Is he crying?

".... Alam mo bang pagkatapos nun ay halos hindi ako makatulog ni makakain dahil iniisip kung nasaktan kita? .. Maniwala ko Cloude pinagsisihan ko yun. I'm sorry .. i just... mahal lang kasi kita kaya ko nagawa yun." Para akong natuod sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi nya. Did i heard it right? Mahal nya ako?.. why?!

Agad akong humiwalay ng yakap sa kanya. Hindi ko sya kayang tignan ng diritso sa kanyang mga mata. Hindi pwede to! He is my friend!

"Yes.. you heard it right.. mahal kita Cloude kaya ako nagreact ng ganun pero believe me hindi ko intensyon na masaktan ka. Masakit lang kasi sakin na malamang may mahal ka palang iba at hindi ako yun. Yes! Alam ko naman na sa una palang ay wala na talaga akong pag-asa pero sinubukan ko parin...kaya ito.. pero wag kang mag-alala hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo. I know you love him so much at ganun din sya sayo.. kaya no need to worry. Tanggap ko ng hanggang magkaibigan lang tayo....pero... masakit pa din eh."

Hindi ako makapagsalita. All this time bakit di ko manlang napansin na may pagtingin na pala sakin si Matt.

"Kung pwede ko lang sana turuan ang puso kong piliin ang taong mamahalin nya eh matagal ko ng ginawa. Pero nasayo na kasi ang lahat ng katangian na hinahanap ko sa isang tao.. your amazingly beautiful inside and out cloude kaya agad na nahulog ang loob ko sayo. I'm sorry.. wala naman akong ibang intensyon kung bakit ko to sinasabi sayo cloude, gusto ko lang malaman mo kaya kung pagkatapos nito ay ayaw mo na akong makita o maging kaibigan ay buong puso kong tatanggapin yun" Malungkot na sabi ni Matt sakin.

Nag-angat ako ng tingin at tinignan sya. "Thank you" Ang sabi ko na nagpalito sa kanya.

"Thank you kasi naging honest ka sakin. Kung hindi mo sinabi hindi ko pa malalaman. Sorry din kasi hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung maibigay sayo. Wag kang mag-alala wala namang nagbago. Your still my friend. Ikaw padin si Matty na mahangin na kilala ko" Nakangiti kung sabi sa kanya at agad syang niyakap.

"Thank you! Cloude..thank you! i miss you..sorry again" Umiiyak nyang sabi kaya hindi ko din mapigilang maiyak.

"Nah~ I miss you too Matt.. Haha! Para na tayong mga baliw nito eh. Ok tama na may trabaho pa ako oh" Tumatawang umiiyak na sabi ko na sinabayan din ng tawa ni Matt. I miss this.
*********

(Vote and comment)

LOVE,POSESSION AND OBSESSION (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon